Chapter 39: STAR

401K 10.5K 853
                                    

Chapter 39: STAR


Kalma lang! hindi pa po last chapter, nag ka sakit lang po ako kaya natagalan, sorry naman haha! dont worry pati naman ako miss ko na din sila tin at miggy, kaya eto na update para sa inyo guys. Tska may book 2 pa to dont worry ;)

 Play niyo yung Thousand Years by Christina Perri habang nagbabasa :)

--

TIN POV


"pudge uso mag palit ng damit?" dalawang araw na niyang suot yung damit na regalo ko sakanya. Nakaka adik ba yung damit na yun?

"eehhh gusto ko pa to suotin eh, gawa mo tong damit eh. Haha! tska mabango pa din naman ako kaya okey lang pudge!" sabagay mabango pa nga din siya, pero kahit na nuh!

"ewan ko sayo.. baliw -__-" pumunta na lang ako sa kusina ng condo niya, mag luluto na lang ako ng pancakes. asan na ba yung flour?

*ding dong*

Sino kaya yun? ang aga aga pa eh. "ako na pudge!" tapos tumakbo agad ako sa pintuan.

Pag ka bukas ko ng pintuan...

"ikaw?!"

"ahh tin.."

"anong kaylangan mo?"

"ah kasi ibibigay ko lang sana yung gift ko kay miggy.. nakalimutan ko kasing ibigay sakanya kagabi nung binigay niya yung regalo niya sakin.. paki sabi na lang thank you ah.. sige."

"okey..."

Hindi ko alam kung maiinis ako kasi nakita ko si alyssa o kasi binigyan ni miggy si alyssa ng regalo pero ako wala.... hindi naman ako nag eexpect eh, pero di ba? parang ouch lang </3

"sino yun pudge?"

"ah si alyssa.. pinapabigay lang to.." inabot ko agad kay miggy yung regalo niya tapos tumalikod agad ako sakanya tska ako pumunta ulit sa kusina.. feeling ko kasi maiiyak ako eh.

Nakaka asar lang... okey na sana kahit wala siyang gift sakin pero yung may regalo siya kay alyssa? hindi ko ma intindihan.. ako nga todo effort pa ko mag knit ng damit niya, dalawang gabi akong puyat.. amp naman nararamdaman ko ng tumutulo yung luha ko...

"huy pudge? umiiyak ka ba?" hala shemay!! nakita niya ko. AMP! mag isip ka ng dahilan tin. Mag isip ka na dali.

"ah hindi ah! napuwing kasi ako pudge.." inalis ko agad yung mga luha sa mata ko. Hays buti na lang naka isip ako ng dahilan..

"ah... nakaka puwing pala sa condo ko kahit aircon to at walang alikabok.."

"oo kaya! tska anong walang alikabok! ang dumi dumi dito!" tama yan tin mag sinungaling ka lang..

"umupo ka na nga lang dun sa sala, ako na mag luluto.."

"okey.." hindi ko alam kung naniwala siya sa sinabi ko pero pumunta na lang din ako sa sala.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon