Chapter 44 - Penthouse

26 1 0
                                    

"What were gonna do now baby, hmmm?", tanong ni Noah sakin habang nakaakbay pa rin sakin.

Nandito kami sa sala nanonood ng movie pagkatapos ng pag uusap namin kanina. Ilang na ilang pa rin ako kasi ang halos idikit niya na ang pisngi niya sa pisngi ko kahit na nga mas matangkad siya sakin.

Sweet na nun si Noah kahit pretend couple lang kami pero naging extra sweet siya ngayong real couple na kami. Kaya nga hindi ko alam ang gagawin ko. Kung papano ako mag rereact sa mga simpleng gesture niya. Panakanaka din siyang humahalik sa pisngi at sintido ko.

Mula pagkabata ay kilala na namin ang isa't isa pero hindi ko aakalain na magiging kami. Noon, parang kuya ko na din ang tingin sa kanya pero heto kami ngayon ay magkasintahan na.

Kanina nga kinulit ko siya kung kailan siya nagkagusto sakin. Hindi niya daw alam pero pinilit ko. Sa na tatandaan niya daw mula pa lang college siya ay may pagtingin na siya sakin pero hindi siya sumubok dahil mas bata ako sa kanya.

Nung mga panahon daw na nagluluksa kami ni kuya sa pagkamatay ng mga magulang namin ay mas lalo raw umusbong ang pagmamahal niya sakin. Nakakakilig malaman na ganun ang nangyari.

"Uhmm... hindi ko alam eh. Pumasok na lang tayo sa office. Tutal ala una pa lang naman Noah", suggest ko sa kanya.

"No way baby", its our first day to be together. That's why I want to spent it with you... alone."

"Psh.. di mo man lang nga ako niligawan na kumag ka"

Natawa naman siya. "We'll date then"

"When?"

"Today of course baby. But before that...", hindi niya na tinapos ang sasabihin at bigla na lang sinunggaban ang labi ko.

Halik na napakasarap. Ang halik na nakakapanghalina. Gustong gusto ko ang paraan ni Noah sa paghalik sakin na ito na parang mawawala ako kapag hindi niya inigihan ang paghalik.

Kung saan saan na humahaplos ang mga kamay ni Noah sakin habang hinahalikan ako. Bumaba ito sa leeg ko at dun ay nag iwan ng marka. Marka na nagsasabing pag aari niya ako. Pabalik balik naman ang halik niya sa leeg at balikat ko kalaunan. Nawawala na ako sa wisyo dahil sa nakakahalinang mga halik niya. Panay ang daing ko hindi malaman kung sasandal sa couch o kakapit sa kanya.

"Noah", bulong ko na hindi ko na makilala.

"Hmmm?", tanong niya na hindi tinitigil ang ginagawa.

"Yung... yung habilin ni kuya", pinilit kong ayusin ang boses ko para mas malinaw niyang marinig ang sasabihin ko.

"Wala tayo sa kama baby", ngisi niya at pinagpatuloy ang paghalik sakin.

Wala na akong nagawa dahil masyado na akong hulog sa mga halik sakin ni Noah. Maya maya lamang ay tumigil na siya at kinintalan ako ng halik sa labi habang nakangiti sakin.

"Let's date now baby?"

"Huh?... ah okay. Mag papalit lang ako ng damit Noah", sabay takbo papasok sa kuwarto ko. Iniwan ko siya na nakasunod sakin kaya sigurado akong magbibihis din siya.

"My baby is excited hmmm?", habol niyang sabi bago ko naisara ang pinto ng kuwarto ko. Bigla naman akong napasandal dito pagkarinig ng sinabi niya.

"Ganun ba ako kahalata?", tanong ko sa sarili ko. Sinabunutan ko naman ang buhok ko dahil sa pagka frustrate sa inasal ko.

Nakakahiya kay Noah. Baka akalain niyang sabik na sabik ako sa kanya.

Ilang sandali lamang ay natapos na ako sa pag aayos. Nasa sala na si Noah at nagtama ang mga mata namin nang pababa na ako sa hagdan. Nakangiti naman ito ng nakakatunaw sakin. Nginitian ko na lamang siya ng pilit at itinuan ang paningin sa daraan ko.

Nang makababa ay inakay na ako ni Noah palabas ng bahay namin. Nakahawak siya sa bewang ko habang papalabas kami.

"Saan tayo pupunta Noah?", takang tanong ko sa kanya dahil hindi ko pa pala siya natatanong kung saan kami magddate.

First time kong makipagdate at kay Noah pa ito nangyari. Kinikilig naman ako ngunit hindi pinahalata para hindi niya ako tuksuhin.

"Secret baby"

"Psh.. may pasecret secret ka pang nalalaman diyan", pagtataray ko sa kanya ngunit tinawan lamang ako nito.

Nang makasakay kami sa kotse ni kuya dahil nga hindi niya dala ang kotse niya ay ito ang gamit namin habang nasa honeymoon pa sila kuya. Nagtataka naman ako dahil ang daan na tinatahak namin ay papuntang Tabaco. Ngunit hindi na ako nagtanong pa dahil hindi naman niya ako sasagutin ng seryoso.

Sa byahe ay nagkkwentuhan lamang kami ni Noah ng kung anu-ano. Kaya hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotse sa parking lot ng isang building.

Bago ito sa paningin ko kaya hindi ko matukoy kung nasaan kami. "Asan tayo Noah?"

"Were at my hotel baby"

Bumilog naman ang labi ko dahil sa pagkabigla. Ang taas naman ng hotel na to. Hindi ko akalain na sa kanya pala to. Kahit sa parking area pa lang kami ay makikita mo ang napakagandang lugar.

Marami akong nakikitang security guard na nagroronda sa paligid. Masyado talagang mahigpit sa seguridad nina Noah. Nakakabilib. Kaya marami talaga ang gustong magpabalik balik sa mga hotel nila. Dahil nga sa magandang serbisyo nito at ligtas pa.

"You like it baby?", bulong niyang tanong sa may tenga ko.

"Hmmm...", iyon lamang ang naging sagot ko dahil sa hindi maawat na paghanga habang naglalakad na kami papasok ng building.

Sa entrance pa lang ay makikita mo na ang napakaganda at napakalaking chandelir. Kumikinang ito sa paraang nang aakit.

Pumasok naman kami sa elevator at pinindot niya ang penthouse button. Siguradong siya lang ang nakakagamit ng elevator na ito dahil merong nakalagay sa may gilid na restricted area.

Nakakatuwang isipin na baka may magkamaling pumasok dito ay makarating sa penthouse niya. Pero malay ko kung lahat may ganun button sa mga elevator.

"Lahat ba ng elevator dito Noah eh merong penthouse button?", pang uusisa ko sa kanya.

"Nope baby. Only inside my elevator. I don't want someone go up there without my permission"

"Pano kung biglang may emergency. Eh di ito lang ang way mo para sa exit?"

"Of course not baby. My hotel have a secret passage when there's emergency and if this elevator is not an option"

"Ah..."

"Why you ask baby?"

"Wala naman. Nagtataka lang ako. Kasi di ba sa hotel niyo sa Legazpi eh wala namang ganito?"

"Yes. It is because.. there's no penthouse there. Only here baby... at my hotel"

"Oo nga pala. Nakatira pala sina tita sa isang village malapit lang sa hotel ninyo"

"Right baby"

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now