Chapter 50 - Promise

22 1 0
                                    

Tinotoo nga ni Noah na matutulog kami ng madaling araw. Katatapos pa lang niyang sumisid at lantang gulay na ako sa kapaguran sa walang humpay niyang kapilyohan.

Heto nga at mas nauna pang natulog sakin ang loko. Pagod na pagod.

Pero buti nga yun para makapagpahinga na ako ng payapa. Bago ako matulog ay pinilit ko muna ang sarili kong maghugas ng katawan at magbihis. Para hindi na talaga makaulit pa si Noah.

I'm so drained. Kaya naman nung bumaksak ako sa kama ay nakatulog agad ako.

Alas onse na ako nagising. Wala na din si Noah sa tabi ko. Buti naman at marunong tumupad sa usapan yun.

Naligo na muna ako bago lumabas ng kuwarto. Pagkatapos ko gawin ang mga ritwal ko ay nagbihis na ako sweater at pants. Pinatungan ko parin ito ng jacket dahil sa lamig ng klima kahit nakapatay ang aircon sa suite namin.

Paglabas ko ay amoy ko na ang mabangong paella. Siguradong nagluluto si Noah nito. Nalutuan ko na din si Noah nun at sarap na sarap naman siya. Hindi niya daw akalain na may magandang idinulot ang pag alis niya. Binatukan ko nga  siya eh. Kaya tinawan niya lang ako.

Nakita ko si Noah na nagluluto na walang damit pang itaas at boxer short lamang ang suot. Hindi ba siya nilalamig eh ako nga balot na balot tapos siya sa babang parte lang ng katawan niya may tapal ang ikli pa.

"Good morning baby", aniya ng mapansin nitong naroroon na ako sa loob.

"Morning.. Hindi ka yata nilalamig Noah", pag uusisa ko dito.

"Hmm.. Ang galing kasi ng heater ko kagabi kaya hanggang ngayon ay mainit parin ang katawan ko", pilyong sagot niya.

"Magtigil ka Noah", banta ko sa kanya sabay irap.

"Yes baby", sabay salute ng kamay niya sa noo. Parang bata. Psh! "What we're gonna do today baby?"

"Rest"

"Yes I know baby. We'll rest.. but what else?"

"Still rest"

"Okay?... Do you want to watch a movie baby?", aniya sabay taas baba ng kilay. Mukhang may binabalak na kapilyohan.

"You watch yourself Noah. I'm going to rest"

"Oohhhh.. Yes.. right... rest baby."

Naging payapa naman ang pagkain ko ng lunch at hindi na ako kinukulit pa ni Noah. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang mga pinagkainan namin. Ayaw niya pa nga sana kasi daw mag rest na lang ako pero I insisted kaya wala na siyang nagawa.

Nandito naman kami sa sala nakaupo habang nagbabasa ako at siya ay nanonood ng movie. Ang loko at American Pie ang pinapanood. Halatang tinutukso ako pero hindi ako nagpapatalo sa kanya. Dineadma ko lamang siya at nagpatuloy sa pag babasa.

Narinig ko namang malakas siyang bumuntong hininga. Hindi talaga niya ako madadala dahil pinagod niya ako. Magtiis siya diyan. Ano siya kalabaw at walang kapaguran sa pag aararo? Psh!

Ilang series na nito ang napanood ni Noah ay hindi niya parin ako natutukso. Tinulugan ko na lamang siya nung matapos ako magbasa kaya bagsak ang balikat niya nung nanonood siya.

Nang gabi ay nakita kong tulog na tulog si Noah sa sofa. Mukhang dun natulog para hindi na matukso ulit.

Hinayaan ko naman siyang natutulog at pumunta na ng kusina para makapagluto ng hapunan namin. Sinigang na baboy ay lulutuin ko para makahigop kami ng mainit na sabaw.

Patapos na akong magluto nung magising si Noah sa pagkakatulog niya. Mukhang antok pa nung papasok siya sa kusina at pasalampak na umupo sa may upuan.

"I'm hungry baby", aniya na pipikit pikit pa.

"Malapit na akong matapos Noah"

Hindi naman na siya umimik pa at sinubsob ang mukha sa mesa.

Pagkatapos ko ay nilapag ko na ang pagkain sa hapag at kusa naman siyang umangat nang maamoy ang ulam. Takam na takam naman itong nakatingin sa pagkain kaya pinag lagyan ko na siya ng pagkain sa plato niya.

Sinimulan niya naman ang pagkain na walang imik at panay ang higop sa mainit na sabay. Gutom na gutom ang loko. Ano kaya ang pinaggagawa nito at ganito ito kagutom.

Nawawal ang Noah'ng nakilala ko dahil sa pagkagutom niya. Kung noon kahit gutom eh pormal pa rin ito sa hapag pero ngayon ay para itong hindi pinakain ng ilang araw.

"What happen to you Noah?", usisa ko dito.

"Nothing baby", aniya sabay iling. "It's just that... I already felt now my tiredness of what we did last night"

Gulat naman akong napabaling sa kanya. Hindi makapaniwala. Ano't ang tagal umepekto ng pagod niya. Porke pinatigil ko na siya saka pa lang siya nakaramdam ng pagod?

"I'm drained baby. I need to refuel", sabay ngisi niya. Ay lintik. Sinamaan ko naman siya ng tingin at ngumiti na lamang ito ng pangiwi sakin.

"Napakapilyo mo talaga Noah", napipikon kong saad sa kanya.

"Only to you baby", aniya sabay wink sakin. Inismiran ko na lang ito at pinagpatuloy ko na ang pagkain at baka siya na ang kainin ko hehe. "Anyways baby, tomorrow is your big day so where going somewhere 'kay?", pag papaalam niya sakin.

"Sure.. As long as... hindi sa kama at kuwarto ang somewhere na sinasabi mo"

Natawa naman ito. "Promise baby. I'll be good tomorrow"

Pagkatapos naming magdinner ay siya naman ang naghugas dahil ako na daw ang nagluto kaya siya naman.

Iniwan ko na siya sa kusina at pumasok na sa kuwarto para mag hot bath. Mas gusto ko kasi ang maging fresh bago matulog kahit winter na. May heater naman ang tubig kaya napaka convinient nito.

Tinimpla ko muna ang bath tub saka nilagyan ng mga kung ano-ano ang tubig.

Nag masatisfied ay hinubad ko na ang suot ko saka pumasok at umupo sa bath tub.

"Ahhh. Napakarefreshing naman", saad ko na nasasarapan ng pakiramdam habang nakapikit.

"Talaga baby?", gulat naman akong napadilat ng mata. Nakita ko si Noah sa may shower curtain, nakangiti at wala ni isang saplot. Hindi ko namalayang pumasok na  pala ito. Ganun na ba akong nasasarapan at hindi ko na naramdamang pumasok si Noah? "Pashare naman baby oh", sabay pacute niya.

"No..", tutol ko at bigla namang sumimangot si Noah. "Hindi pa tapos ang pahingga ko Noah. Kaya diyan ka at magshower ka kung gusto mo", pagtatapos ko.

Wala naman itong nagawa at naligo na lang. Hinang hina naman itong naliligo. Pasulyap sulyap lang ito habang malungkot na malungkot ang mukha. As if maniwala ako sa drama niya. Hindi ko siya pinansin at hinayaan lamang ito sa kadramahan niya.

Agad naman siyang natapos at iniwan na ako sa bathroom. Bagsak ang mga balikat dahil hindi pinagbigyan. Nakakabilib din kasi kahit na mahilig siya pagdating sakin ay nirerespeto pa din niya ang desisyon kong magpahinga ngayon.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now