Chapter 40 - Never care

24 1 0
                                    

Pagkatapos ng kainan ay sinabihan kami ng emcee na magbigay ng mensahe para sa bagong kasal.

Tinawag ako ng emcee para ako muna ang mag bigay ng mensahe para kina kuya Vance at ate Shiela.

Naglakad ako papuntang mini stage at hinarap ang mga bisita. Nakita ko naman si Noah sa isang table kasama si ate Mich. Nakangiti ito sa babae bago humarap sa unahan at tumama ang mga mata niya sa akin.

Inalis ko naman ang tingin sa kanya at tinignan na lang ang gawi ng mag asawa.

"Congratulations to the both of you. I'm so happy that finally you have each other", sabay ngiti ko sa kanilang dalawa. Maluha luha naman ang mga mata ni kuya habang nakatingin saking nakangiti. Nginitian ko din ito pabalik at maluha luha din.

"Alagaan mo sana ate ang kuya ko ah. Pag nag susungit siya ay lambingin mo para mawala ito agad", sa sinabi ko ay nagtawan naman ang mga bisitang naroon. Hindi ko naman mapigilan ang maging emosyonal.

"Ikaw naman kuya, wag masyadong masungit at baka tumanda ka agad. Sige ka baka magsisi si ate shiela na pinakasalan ka", lumuluha paring saad ko. Kahit na nga nakakatawa ang sinasabi ko at natatawa ang mga bisita eh hindi parin mawala wala ang mga luha sa mga mata ko.

Lumapit naman sakin ang dalawa at niyakap ako. Nung bumaba ako ay nanatili na lamang silang mag asawa sa mini stage.

Tinawag naman sunod ng emcee si Noah para magbigay ng mensahe sa dalawa. "Hi", paninimula ni Noah habang nakangiti sa mga bisita. "I just want to congratulate my best friend" pagpapatuloy niya at nakatingin na kina kuya.

"Bro, I'm so happy for the both of you. Finally after everything you've went through. You two found each others arms. Shie, be kind always to him and don't let your patience fly to the other side of the earth haha", natawa naman lahat ang mga bisita dahil sa biro niya. Tipid naman akong ngumiti dahil sa pagkailang.

Matapos ang mahabang bagbibigay ng mga mensahe sa bagong kasal ay pinasalita naman ito para sa pagpapasalamat sa mga bisita.

"Thank you. Thank you sa pag dalo po ninyong lahat sa kasal namin ni Vance", ate Shiela na may nagagalak na tono. Ang buong mukha niya ay halatang lubos na nagpapasalamat sa amin.

"Maraming salamat din sa inyong lahat lalong lalo na sa dalawang importanteng tao sa buhay ko at ni Shiela", kuya at nakangiting nagpapalit palit ng tingin saming dalawa ni Noah.

"Sweetie", sabay baling sakin. "Magboyfriend ka na ah. Tumatanda ka na haha", natawa naman silang lahat maliban sakin dahil nakabusangot akong nakatingin kay kuya na natatawa pa din. "Ikaw din bro. Napag iiwanan ka na namin. Lahat ng ka batch natin ay nag aasawa na"

"Darating tayo diyan bro", sagot ni Noah kay kuya at bumaling ang tingin kay ate Mich na nakangiti. Bumaba naman ang tingin ko dahil sa biglang sakit na naramdaman ko.

Naiiyak na naman ako. Pinipigilan ko lang para hindi mahalata ng mga bisita pero nahalata naman ni Chloe ang biglang pagyuko ko.

"Okay ka lang ba baks?", tanong niya sakin. Tango lang ang naging sagot ko sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi?"

Nag aalala pa din ang tono niya. Alam ko naman na nahalata niyang nasasaktan ako. "Ayaw kong umalis baks baka mag alala si kuya eh. Tsaka di ba may after party pa. Mag inoman na lang tayo haha", peke kong tawa sa kanya.

Bumusangot naman ang mukha ni Chloe. Hindi ko na lang siya inimik pa. Makalipas ang ilang oras ay pumunta na kami sa bar para sa after party na gaganapin.

Alam kong nangako ako sa sarili kong hindi na ako papasok pa sa kahit saang bar. Pero dahil sa hinagpis ko ay binalewala Hindi na sumama sina kuya at ate shiela dahil maaga pa sila bukas para sa honeymoon nila. Hinayaan na lamang nami ito at nag enjoy na lang.

Nasa isang mesa kaming lahat na magkakaibigan. Katabi ko si Marcus at Chloe. Nagtatawanan naman sila dahil nagbibiro si Joseph na kinukuntra naman ni Rachel.

Pero kahit ganun ay mabigat parin ang loob ko dahil sa mga nangyari kanina lamang. Si Noah? Ayun kasama pa rin ni ate Mich sa isang table habang nagtatawanan.

Mas lalo lamang sumasakit ang dibdib ko dahil sa nakikita. Inom lang ako ng inom dito. Puro hard drinks ang iniinom ko.

Bigla namang inagaw ni Marcus ang basong dapat ay tutunggain ko. "Tama na yan Prim. Lasing ka na oh", saad niya na may pag aalalang tono.

"Ano ba Marcus ibalik mo nga yan sakin. Nakita mo nang nag eenjoy pa ako eh", saad ko at pilit kinukuha ang baso sa kamay niya. Iniilag niya nga lamang ito sa akin.

Nang hindi ko makuha ito ay sa bote na lamang ako mismo tumungga. "F'ck", sigaw ni Marcus. "Stop it woman"

"Bakit mo ba ako pinipigilan ah?", bulyaw ko naman sa kanya dahil sa inis.

"Kasi nga lasing ka na Prim", sabay buntong hininga ni Marcus.

"Tama na baks lasing ka na", sabat ni Chloe.

"Nasasaktan ako kaya gusto ko maglasing eh", hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Humahagolgol na din ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Hinayaan naman nila akong ilabas lahat ng nararamdaman ko kahit na merong pag aalala sa kanilang mga tingin.

Sinamahan nila akong magmukmok doon kahit na nga hindi na talaga nila ako hinahayaang uminom ng alak.

Ang sakit lang kasi parang balewala na talaga ako kay Noah. Hindi man lamang siya sumusulyap sakin kahit na kanina pa kami nandito magkakasama sa iisang lugar.

Pero parang wala ako dito kung umasta siya. Datirati naman kahit saang lugar ay pinapansin niya ako kahit na nga tinatarayan ko lamang siya.

Ngayon, wala na ang Noah'ng nakilala ko.

Hanggang sa umalis sila ni ate Mich sa bar ay walang lingon pa rin ito. Kaya labis labis ang hinagpis ko.

He never care to me anymore. My Noah.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now