Ika-34 na Kabanata

Start from the beginning
                                    

“Paki e-mail si Mr. Carbonell, makisabi na cancel ang meeting.”

“Okay po.” Sabay sinara ni Joey ang pintuan ng opisina

Ang babae naman ay nagdiretso na sa kanyang mesa.  Bago iyon ay tinukso muna siya ng katakot takot ng mga office mate niya.  “Ayieee, napansin ka na ni Sir.” Biro ng isa

“Tumigil nga kayo, may nobyo ang tao.” Saway niya

Maya-maya pa ay humahangos na dumating si Joseph sa opisina ng Papa niya.  Hinarang pa siya ni Cindy bago siya makapasok dahil dire-diretso ito.

“Sir, may appointment po ba kayo kay Sir?” tanong nito.  Pero hindi siya nakaligtas sa galit ni Joseph

“Appointment?  Ama ko ang nasa loob ng opisinang iyan.  Hindi ko kailangan ng appointment, naiintindihan mo?” sigaw nito kay Cindy.

Parang nilamon si Cindy, hindi pa siya nasigawan ng ganoon sa buong buhay niya.  Kahit na mangiyak-ngiyak siya ay sinubukan niya pa ring pigilan si Joseph.

“Sir, sorry po.  I know you are upset, pero utos po sa amin iyon.” Nanginginig ang boses nito pero handa siyang gawin ang trabaho niya.

Habang nagtatalo sila ay binuksan ni Joey ang pintuan.  “Hayaan mo na Cindy.” Wika ni Joey

Matapos ang utos na iyon ay nagtatakbo palabas ng opisina si Cindy, hindi nito mapigilang manliit dahil sa ginawa ni Joseph.  Si Joseph naman ay pinagtinginan ng mga tao roon at nagmukhang kontrabida.  Dumiretso siya sa loob ng opisina ni Joey.

“Masaya ka na siguro.  Isang kontrabida na naman ang tingin sa akin ng mga tao mo.  Pero sa totoo naman ay ikaw ang masama ang ugali.” Galit na sabi nito sa ama

“Joseph ang akala ko ang pag-aaral mo sa ibang bansa ay makakatulong sa iyo para mag-develop.  Pero wala pa rin pala.  Look at what you did to that poor woman, kung sa akin ka galit, h’wag mong idamay ang mga tao ko.” Pangaral nito sa anak.

“At sa iyo, meron?  Anong naituro sa iyo, ang agawan ng girlfriend ang sariling anak?”

“Girlfriend?  Hindi naging kayo.  Please, Joseph, she was never yours in the first place.” Para bang nangiinsulto ang mga ngiting iyon ni Joey

“And she will never be yours!” sigaw ng anak sabay hampas sa mesa ni Joey.  “She will never be yours, as long as alam kong ako ang mahal niya.”

“Ikaw?  You are so full of yourself my son.  Hindi lang ikaw ang capable na mahalin.” Tumayo siya sa kanyang upuan at hinarap na ang anak.

“Let her go.  Hihintayin mo pa bang tumatakas siya sa kwarto niyo at kumakatok sa kwarto ko para mag-exchange kami ng body fluids?  Ako ang mahal niya at alam mo iyon.” Pinamukha talaga ni Joseph sa ama nito ang kanyang nararamdaman.

“Hindi lang ikaw ang mahal niya.  Bakit hindi natin siya hayaang magdesisyon.” Ani Joey

“Hintayin siya?  For God's sake Papa alam nating iiwasan niyang makasakit intentionally sa mga taong mahalaga sa kanya.  Iwanan mo siya Papa.” Utos nito sa ama

“I can’t.  I love her, just as much as you love her.” Mababang tugon niya sa anak

“Pero ako Papa, mahal mo ba ako?  Anak mo ako at ang tagal tagal mo na akong tinatanggalan ng kaligayahan.  Ito lang ang hinihingi ko sa iyo, Papa.  Please.” Pakiusap niya, pumatak ang kanyang luha sa mesa ng kanyang ama.

Iniwas ni Joey ang mga mata niya, hindi niya kayang makitang umiiyak si Joseph ng dahil sa kanya, hindi rin niya kayang sagutin ito kaya’t minabuting iiwas na lang ang mga mata.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now