CHAPTER 31

12 0 0
                                    

"Pucha! Nakauwi ka na pala?"


Patalon kong niyakap si Mico sa leeg, muntik pa kaming matumba buti nalang at malakas pa tuhod niya.


"Hindi mo naman ako miss?" Natatawang tanong niya. Bago ko pa makalimutan ay binatukan ko na siya ng pagka lakas lakas, "aray! Para saan 'yon?"


Sinamaan ko siya ng tingin, "gago ka, 'yung kaba ko nung hindi ko makita 'yung kambal kanina!" Pabulong kong galit sakaniya, baka marinig pa ng kambal 'yung mga mura ko gayahin pa.


"Kabado ka 'no?" May pang-asar pa siyang ngiti.


"Malamang! Akala ko kung nasaan na, para na akong aatakihin sa puso!"


Natawa lang siya saka lumapit sa mga anak ko, "nakilala ako ni Mauve," panimula niya, "naalala niya na ako 'yung lalaking sinigawan niya sa kotse ng gwapo."


Then I remembered, that was the day we met at the ice cream parlor with Sab, "so ilang araw ka nang nakabalik?"


Tumango ito, "yep, my wife wanted to give birth here so.. yeah."


"Oo nga pala, manganganak na rin si Cams."


"Sobrang kinakabahan na nga ako e," halata nga ang kaba sa boses niya.


"Relax ka lang, basta alalayan mo lang lagi," parehas kaming natigilan nang tumayo si Hunter para itapon ang paper cup na pinaglagyan ng ice cream.


Inosente itong tumingin sa 'kin, "Mommy, siya po ba Daddy namin?"


Kung nalalaglag lang talaga ang panga, malamang nasa sahig na 'yung sa akin sa tanong ng anak ko.


"What made you say that?"


"Kasi po nice siya sa 'min, saka po sabi niya very close kayo," paliwanag niya.


Sinapo ko ang mukha niya, naipit tuloy ang malulusog niyang pisngi sa mga kamay ko, "anak, he's not your Dad. Pero close friend siya ni Mommy. Ninong niyo siya, actually. Ngayon lang nagparamdam at nagpakita after these years."


Nag peace sign lang siya sa dalawa na walang pakialam sa 'min dahil busy nanaman kumain. Bagsak ang balikat siyang bumalik sa upuan, nag-aalala ko silang tinignan ni Mauve. Lately they've been wanting to meet their Dad.


"Hindi mo pa rin sinasabi? Bilib din ako sa 'yo ah, narito na sa Pinas hindi mo pa nasasabi talaga?"


Padabog akong naupo sa tabi niya, "hindi ganoon kadali 'yon okay?"


"Sus! Ang sabihin mo pinapahirapan mo lang sarili ko, ginagawa mong kumplikado 'yung hindi naman dapat," ginulo niya ang buhok ko kaya hinampas ko siya kaagad.


"Sabi mo noon bago kami umalis ni Cams, gagawin mo lahat para sa anak mo, e ano ginagawa mo ngayon?"


"Paano kung ayaw sakanila ni Caden? Hindi ko kakayanin na makita silang masaktan," nanlulumo kong sabi.


Totoo naman kasi e, ilang taon na kaming wala. Wala rin siyang ka ide-ideya na may anak siya, ni hindi niya nga alam na nabuntis ako e.


"Walang masamang subukan, at napaka imposible lang na tanggihan niya ang kambal niyo, can't you see?" He gestured the twins who's oblivious to our conversation at the moment, "they're irresistible!"


"Oras lang naman hinihingi ko para maging ready."


"Magiging ready ka naman ba talaga kaya?" Umurong ang dila ko sa tanong niya. Magiging ready nga kaya ako? Inaamin ko naman na natatakot ako, pero hindi ko maamin sa sarili ko na baka nga, baka hindi ako handa talaga kahit kailan pa 'yan.


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon