CHAPTER 6

8 0 0
                                    

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba?"

Ang akala ko ay pupuntahan namin sila, pero hindi naman 'yun ang dinadaanan namin. Kaya hindi ko alam kung trip lang ba 'ko nitong si Caden o ano e.


"Relax love, mamaya pa tayo roon. Kapag papalubog na ang araw," sagot niya sa 'kin.


Malapit lapit na kami makaliko papuntang high way pero napatigil kami dahil kay Sab na nakatigil sa gilid ng daan. Dala rin ang sasakyan niya, ngumisi pa pagkakita niya sa 'min. Binaba pa ang bintana niya.



"Sa'n date?" Pang aasar niya, siniringan ko lang siya habang tatawa tawa si Caden.



"Hindi ko pa sure boss, papalipas oras sana bago kami pumunta sa paroroonan," maloko niya namang sagot.



"Sama nalang kayo sa 'kin muna, kung pampalipas oras ang kailangan niyo."


"Saan lakad mo 'te?" Tanong ko, ngayon ko lang nakita 'tong sasakyan niyang 'to. Bagong model ata ng sasakyan 'to ah? 'Yung high tech na sasakyan ba 'yun?



"May pupuntahan akong gathering for animal welfare, baka gusto niyo sumama. Tulog pa 'yung dalawa so.."



Tumingin sa 'kin si Caden, "gusto mo ba? Mukhang masaya naman doon."



Tumango ako, mahilig din naman ako sa mga hayop. Hindi taong hayop.



"Libre ba 'yan boss?"


Umirap si Sab, "oo gago, may tatlong ticket na binigay sa 'kin 'yung kumag na 'yun."


"Sino 'yan ha," pang uusisa ko.


"Chismosa ka, sunod nalang kayo sa 'kin," tinaas niya na ulit ang bintana niya at umndar na ulit. Sumunod din naman agad si Caden sakaniya.


Nakarating kami sa venue 20 minutes after namin sundan ng sundan si Sab. Muntik pa namin siya hindi masundan dahil sa kalokohan nito ni Caden. Hindi nagsabi na iihi muna siya, e 'di nauna si Sab ng husto. Kailangan niya pa ako tawagan dahil napansin niyang wala na kami sa likod niya.



"Nakakaloka kayo, paano na kung hindi ko napansin? Paano kung nauna ako e 'di hindi na kayo nakasama, oh my gosh Caden. Nakakaloka ka," stress na stress na pag rant ni Sab. Patago nalang akong natatawa dahil kakamot kamot na si Caden sa ulo niya.



Nag peace sign na si Caden. "Sorry na bossing, hindi na nga mauulit."


Para kaming alien pagpasok namin, may ilang tumingin sa 'min. Sino ba naman hindi titingin, e mga naka casual kami. Halos karamihan dito naka semi formal. Pero mukha namang walang pakialam si Sab, tuloy tuloy lang siya hanggang makarating kami sa table namin.



"'Te girl walang pasabi na kailangan pala rito semi formal," bulong ko sakaniya.



Bumakas ang inis sa mukha niya, "tell me about it. Hindi man lang ako sinabihan ni gago."


"Yow?" Napatingin ako kay Caden, may kausap na siya ngayon sa phone niya. Nag takip pa siya ng kaliwang tainga para marinig ang kausap, may kalakasan kasi ang sound system nila.


Kumunot ang noo ko sa biglang pagtingin niya kay Sab, gulat na gulat pa na parang multo ang tinitignan.



"Luh? Sigurado ka na?" Maging si Sab ay nagtaka na, may tinignan siya sa second floor kaya napatingin din ako roon. Pero hindi kita ang mga mukha ng tao sa taas dahil may kadiliman doon. Pero alam kong ang nakasandal sa railings ang kausap nito ni Caden.


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Where stories live. Discover now