CHAPTER 28

10 0 0
                                    

"Ayos ka lang?"

Tango lang ang binigay ko kay Sab, naabutan niya akong nagsusuka sa banyo ko. Makikitambay raw siya rito sa bahay dahil umuwi nanaman ang Mama niya.


"Gusto mo ba sumama? Magpa check up ka kaya? Babalik din ako kay Doc bukas, baka gusto mo sumama," nag iingat niyang sabi. Nagmumog muna ako at nag toothbrush bago ko siya hinarap.


"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong, umupo ako sa dulo ng kama ko dahil pakiramdam ko ay hinang hina nanaman ako.


Time flew fast, few months from now ga-graduate na kami. Pero these days, sobrang tinatamad ang katawan ko. Madalas din ang pagsuka ko, pakiramdam ko ay dahil 'yon sa kinain naming pagkain nung nakaraan.


"This is not the first time na naabutan kitang ganiyan," nag aalala siyang tumabi sa 'kin, "don't you want to have a check up?"


Kumunot lalo ang noo ko, hindi ganito makipag usap si Sabrina. Kapag may gusto siyang sabihin, laging straight to the point. Kaya nakakapag taka na parang nag iingat siya sa 'kin ngayon.


"Sab, ano talaga ang gusto mo sabihin?"


Kinagat niya ang labi niya, "what I'm trying to say is that, maybe you're pregnant?"


Nanghihilakbot ko siyang tinignan, "Sabrina! Paano mo naman nasabi 'yan?" Hindi ako makapaniwalang natawa, pero deep inside may nabubuo na ngang ideya sa utak ko.


"Come on Aiks, sinabi mo sa 'kin na bago kayo maghiwalay may nangyari sainyo. Now ilang weeks ka na ganiyan," hinawakan niya ako sa kamay, "akala mo ba hindi ko napapansin ang pagiging matakaw at iritable mo lately?"


Nagbaba ako ng tingin, akala ko walang nakakapansin ng pagbabago ko. Dahil kahit ako ay hindi ko 'yon pinapansin, iniisip ko na baka stress na dahil sa mga school works ngayong natitirang araw namin sa college.


"Wala naman sigurong masama kung susubukan 'di ba?" Gusto ko i-deny sa sarili ko pero may parte sa 'kin na gusto rin malaman ang nangyayari sa 'kin.


Dahan dahan akon tumango, "sige, sasama ako," mahina kong sambit. Hinawakan lang ako ni Sab sa kamay, parang sinasabi na kumapit lang ako sakaniya ngayong panahon na 'to.


Kinagabigan, marami na pumapasok sa isip ko. Isa na roon ay ang mga magulang kong kaharap ko ngayon, kapag nakikita ko ang ngiti nila natatakot ako na baka, baka mawala 'yon dahil sa 'kin. Ano nalang iisipin nila? Ano nalang mararamdaman nila? The last thing I don't want to see is seeing them hurt.


"Ate? Are you okay?" Pukaw ni Mommy sa 'kin, saka ko lang napansin na nakatulala lang pala ako sa pagkain.


"Ilang araw ka na ganiyan anak, gusto mo ba na kausapin namin siya?" Umiling ako sa offer ni Daddy. Ilang beses nila akong kinulit na kakausapin nila si Caden at ipapaintindi sakaniya ang lahat pero tumatanggi ako.


"Ate you look pale po," puna ni Michie na humawak pa sa noo ko.


Nag aalala silang lahat na tumingin sa 'kin, hindi ko kayang tignan sila pabalik kaya tumayo na ako.


"Excuse me po, sa kuwarto lang ako," paalam ko saka dere-deretsong umakyat sa kuwarto ko. Gusto kong tawagan si Caden para ipaalam sakaniya na baka, baka buntis ako sa anak niya pero may pumipigil sa 'kin. Oo nga at magkakaroon ng buong pamilya ang anak ko pero hindi ko kakayanin na lumaki siya sa pamilyang hindi naman masaya.



Natigil ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ko, sumilip doon si Mommy na may masuyong ngiti sa 'kin. May dala siyang baso ng gatas saka tumabi sa 'kin.


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Where stories live. Discover now