CHAPTER 21

11 1 0
                                    

"Ate? Let's go na?"

Mabilis kong kinuha ang camera ko at mga kailangan kong gamit bago ko tinakbo ang pagitan ng pintuan ko at kama ko. Pagbukas ko ay nakaabang na roon si Mommy.


"Tara na po?"


Naglalambing ang ngiti niya sa 'kin, "I'm proud of you Ate."

Yumakap ako kaagad sakaniya, pakiramdam ko ay nakapag tapos na 'ko talaga ng pag-aaral kahit hindi pa naman.


"Ladies, mamaya na ang drama. Male-late tayo niyan," singit ni Daddy na dumaan lang sa gilid namin para mauna bumaba.


"Huwag ka papalinlang sa Daddy mo, kanina pa nag da-drama 'yan na ang bilis daw ng panahon," panlalalaglag ni Mommy kay Daddy na ikinatawa ko naman.


Pagdating namin sa school ay medyo marami rami na ang naroon. Hinanap ko naman kaagad sina Hailee.


"Winner nag kulot!" Asar ko kay Eka.


"Winner nag straight!" Balik niyang asar sa 'kin.

Nagtawanan naman kami, natural kasi akong kulot kaya ganiyan nalang mang-asar si Eka. Narito na rin si Hailee, kasama niya ang Mommy niya. Agad naman hinanap ng mata ko si Sab pero hindi ko pa siya nakikita.


"Si Sab? Himala late 'yon?" Tanong ko kay Eka.


Umiling naman siya, "nasa room lang si Sab, wala pa Lola niya e."


"Hindi ba natin siya sasamahan?"


Ngumiti lang si Eka saka ngumuso sa likod ko, lumingon naman ako at nakita kong nagmamadali ang Lolo at Lola ni Sab papunta sa room namin. Napanatag naman ako na magiging ayos lang siya, kung mayroon man silang pagkakatulad ni Caden — 'yun ay parehas silang malapit sa grandparents nila.


Patapos na rin ang ceremony ng elementary dahil kumakanta na sila ng graduation song nila. Naalala ko tuloy ganiyan din tugtugan namin dati.


"Together we climb to the top of the world!" Sabay namin tinakpan ni Hailee ang bibig ni Eka, ang lakas ng boses dinaig pa 'yung kumakanta sa stage!


"Ayan ang ayaw kumanta ah," puna ko sakaniya. Ngumiti lang siya saka sumabay nanaman sa kanta ng elementary.


Hindi nagtagal ay lumapit na rin sa 'min si Sab, nakangiti niya kaming binati. Nag mano naman kami sa Lolo't Lola niya.


"Congrats to us," malaking ngiti na sabi ni Sab.


Nagyakapan naman kami kahit na hindi pa nagsisimula talaga. Magkakasama naman kami hanggang college, baka nga hanggang mag trabaho na kami e. One thing is for sure, hindi kami basta basta mag hihiwalay lang.


"May I invite everyone to invoke the Almighty, to be led by Ms. Aika Patricia Balmez," pagkatapos sabihin 'yon ng emcee ay umakyat na ako kaagad sa stage. Huminga ako ng malalim kasabay ng pag sisimula ng kanta.


"We pray for blessings, we pray for peace, comfort for family, protection while we sleep. We pray for healing, for prosperity," naipikit ko ang mata ko sa pagdama sa kantang 'to. Nagtayuan ang balahibo ko nang sumabay na ang lahat, I felt like we all become one as we embrace him.


"What if trials of this life, the rain, the storms, the hardest nights — are your mercies in disguise?"


I bowed slightly before coming down, ngumiti naman sa 'kin 'yung dalawa na nag aabang lang din sa gilid. Turn na ni Eka para kumanta ng pambansang awit, sa 'kin dapat 'yon kaso sabi niya ay 'yon ang pinaka mabilis lang matapos kaya 'yun nalang daw sakaniya.


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon