CHAPTER 2

14 1 0
                                    

"Mauve Laurel, kapag hindi ka uminom vitamins sasabihin ko kay Mamu na 'wag ka dadalhan dolls."


Halos malibot na namin ni Mauve ang sala dahil ayaw uminom ng vitamins niya, talagang nakikipag habulan pa sa 'kin. Pinapanood lang kami ng buong pamilya namin na maghabulan, si Hunter tapos na at nasa tabi na ni Michie habang nag babasa ng libro tungkol sa mga Egyptian.


Bagsak ang balikat ni Mauve na tumigil, nakanguso pa, "okay Mommy, I yield."


"Nako Mauve Laurel hindi mo 'ko madadaan sa mga ganiyang paawa effect mo," pinainom ko na siya ng vitamins. Ayaw na ayaw niya nito dahil maasim daw kaya may nakahanda ako laging tubig para sakaniya.



"Habang lumalaki ang dalawang 'yan lalong kumukulit ah," puna ni Daddy habang kinakarga si Mauve.


"Sisihin mo sila Michael Dy! Kapag wala ako spoiled na spoiled ang dalawang 'yan," pag susumbong ko.


"Nako, at diyan ka pa talaga humingi ng tulong tungkol sa pangungunsinti, e nangunguna nga 'yan." Sabad ni Mommy.


"They deserve it!" Pangangatwiran nilang dalawa, at nagkampihan pa. Ito namang dalawang 'to tuwang tuwa na lagi silang pinag bibigyan.


"Uuwi nanaman pala ang Lola nila Ate, kailan mo ba balak sabihin sa Daddy nila?" Pabulong na tanong ni Michie.


Nag kibit balikat ako, "ewan ko, bahala na. Kaya naman namin na kami lang."


"Kaya mo Ate, e sila? Naghahanap din naman ang mga 'yan," napatingin ako kay Mich na nagbabasa ng libro habang kausap ako.


"May nababanggit ba ang kambal sainyo?"


Napatigil siy at bahagyang ngumiwi, "wala Ate, just saying ganern."


Sa aming apat itong si Mich ang bukod tanging hindi magaling mag sinungaling, "Michieniella, aamin ka o aamin ka?"


"Ate shh, nag aaral ako," sinenyasan niya pa akong manahimik.


"Aba—" hindi niya na ako pinatapos dahil tumakbo na siya para lumipat sa tabi ni Daddy. May binulong siya kaya napatawa naman si Daddy, minsan 'di nakakatuwa na pinag tutulungan nila ako rito.


"Mommy may work ka tomorrow?" Tanong ni Hunter na naglalaro ng trucks niya sa sahig.


Hinaplos ko naman ang buhok niya, "wala sweetie, pero pupunta lang ako sa foundation nila Mommy La."


"Can we come?" He asked, hopeful.


I smiled gently, "of course, pwede rin kayo makipag laro sa mga bata roon."


"Mommy! Mommy! When is Tita-Ninang coming?" Masigalang tanong ni Mauve habang lumulundag papalapit sa 'kin.


Napatingin naman ako sa orasan, "when the clock strikes 7."


Tumingin naman siya roon, "Mommy, I'm confused. The long hand points at 6 and then the short hand points between 4 & 5. What does it mean Mommy?"


Hindi ko napigilan na kurutin siya ng mahina sa pisngi sa sobrang cute niya. Maging ang mag Tito at Tita niya ay natawa sakaniya.


"The clock says it's 6:23," paliwanag ko sakaniya.


"But Mommy there's no number 23 there, how come you know and I don't." She's pouting again and scratching her little chubby hands on her head.


"Maybe we can see it when we're older," sabad ni Hunter na mukhang naguguluhan din.


"So unfair," humalukipkip siya at naupo sa tabi ni Hunter, "how come adults know so much and not us babies."


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora