CHAPTER 30

11 0 0
                                    

"Mamu can't you tell us po kung sino 'yung kasama niyo?"


Kanina pa kinukulit ng kambal ang Lola nila. Hindi naman ito natitinag at patuloy na iniiba ang pinag uusapan nila.


"Oh my Angels, huwag niyo na isipin 'yun. Do you like Mamu's gifts?" Pag iiba nanaman nito ng usapan.


"Opo! We love it so much!" Tumalon pa si Mauve at binigyan ng mahigpit na yakap si Tita.


Nilapitan ko si Hunter na tahimik lang na tinitignan ang mga laruan niya, "are you okay anak? Ayaw mo ba ng toys?"


Umiling naman ito, "iniisip ko lang 'yung guy Mommy, kasi po prang kamukha ko siya talaga e," ginalaw galaw niya pa ang paa niyang naka deretso ngayon sa sahig dahilan para mag untog ang mga 'yon. Ginagawa niya 'yon sa tuwing hindi siya sigurado sa sinasabi niya.


Para akong naputulan ng dila sa sinabi niya, hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong maisip na ipapalusot sakaniya, at matalino sila, lalo lang silang maghihinala kapag hindi ako nagsalita.


"Well, baby, kasi.." tumingin na rin sa 'min sina Mauve, "do you know, sabi nila ang isang tao ay may at least seven doppelgängers."


"Mommy what's doodlebanger?"


Pigil kong matawa sa pag sabad ni Mau, "doppelgängers baby, sila 'yung kahawig or kamukha natin."


Napatango tango naman sila, mukhang naliwanagan naman si Hunter dahil hindi na siya ulit nagtanong. Nakipaglaro nalang siya kay Mauve ng tea set nito.


"Matanong na sila ano," puna ni Tita sakanila.


"Sobra po, hindi talaga sila tumitigil kaka daldal kaya minsan nakakapagod sila kausap," natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin.


"I know this is all of a sudden," liningon ko siya sa biglang pagseseryoso niya, "I am the one who dragged him back here," kumabog ang puso ko, alam ko na kung saan 'to papunta, "I want you to introduce him to them, no worries, if you need time it's okay, binigla nga naman kita," hinawakan niya ang kamay ko, "my twins needs the love and affection from their Father."


"I want you to think about it okay?" Tanging tango nalang ang naisagot ko sakaniya.



"Spill it," napalingon ako kay Michie na papalapit sa 'kin, nakaupo lang ako sa may pool umiinom mag-isa, "anong nangyari Ate? Hindi ka iinom ng ganito kung wala kang problema. Natutulog na 'yung kambal sa kuwarto nina Mommy, we have all night Ate," hindi man lang ako binigyan ng chance tumanggi.


Huminga akong malalim, "narito na si Caden."


"What?!" Ngangang nganga pa siya habang nakahawak sa puso niya.


Binatukan ko naman siya, muntik pa mahulog sa pool, "napaka oa mo kahit kailan."


Tumawa lang siya saka umayos ng upo ulit, "hindi nga? True ba? Baka naman ginu-good time mo 'ko Ate ah!"


"Gago ba't naman kita gu-good time-in? Seryoso ako, kasama siya ni Tita umuwi," napahawak si Michie sa ulo niya, akmang iinom din siya sa bote ko nang sinamaan ko siya ng tingin, binitawan niya naman 'yon.


"Anong plano mo Ate? Sure ako kaya siya sinama ni Mrs. Escanilla para makilala na ang kambal."


Tumango ako saka tumungga, "ayun nga ang mangyayari talaga," napasabunot nalang ako sa buhok ko, "hindi ko na alam Mich, natatakot ako sa magiging reaction nung mag-aama, pero alam ko naman na kailangan din nila talaga magka kilala. Hindi lang ganito kaaga."


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Where stories live. Discover now