CHAPTER 14

12 0 0
                                    

"Saan mo gusto pumunta muna?"


Narito kami ngayon sa mall malapit lang sa EK, dahil medyo napaaga kami at mamaya pang 11 ang bukas no'n ay pumunta muna kami rito.


"Pwede naman sana tayo tumambay nalang muna sa labas ng EK," suggestion ko sakaniya.


"Mainit doon, walang silungan," sagot naman niya habang nagpapalinga linga.


"E wala rin naman tayo magawa rito," halos puro kainan lang din naman ang narito. Hindi naman siya 'yung kalakihang mall, kung baga stop over lang kung kakain muna bago pumuntang EK.


Napakamot siya sa batok niya, "sige, lakad na lang tayo papunta roon," tumingin siya sa orasan niya, "10:45 na rin naman, baka marami na rin ang tao."


Hindi na niya ako pinag react, hinila niya nalang ako para mag lakad. Hindi naman ganoon kalayo kapag lalakarin, pwede naman na talagang lakarin mula rito kaya wala naman kaso sa 'kin 'to.


"First time mo ba 'to?" Tanong niya habang naglalakad kami, nakipag palit pa siya ng pwesto sa 'kin. Bumaba siya sa gutter para ako ang paakyatin do'n.


Tumango ako, "matagal ko na gusto pumunta kaso wala naman akong makakasama, nagkakatamaran pa rin kami nina Sab. Pero may balak na rin kami, hindi lang makulayan pa."


Napatango tango naman siya, "e 'di ako agad kasama mo, tapos first time mo p— ay gago!"


Maging ako ay napaigtad din nang may bumusina bigla sa likod namin, magarang sasakyan. Kita ko ang loob dahil hindi naman tinted, mayabang ang nagmamaneho nitong tumingin sa 'min bago kami nilagpasan.


"Gagong 'yon, nasa gilid na gilid na nga ako," reklamo ni Caden.


Hinila ko naman siya paakyat sa gutter, "dito ka nga, kasya naman tayo."


"Baka kasi ayaw mo," nakangiwi niyang sabi. Napailing nalang ako sakaniya, natanaw ko ang sasakyan na paliko rin sa EK. Magara nga ang sasakyan, at may kaya sa buhay pero ang ugali naman patapon. Wala rin, akala naman nilang ikina gwapo nila ang ginagawa nila.


"Buti ka pa hindi katulad no'n," bigla kong sabi kay Caden.


He grunted, "mayabang lang siya, mabait ako. At isa pa, ipag mayabang niya 'yon kung pera niya na talaga. Sa mukha niya palang e, halatang galing pa sa magulang," banas niyang sabi.


"I mean, it's okay kung gusto niya iyabang 'yon. Pero 'yung tamang klase lang, swabe lang gano'n hindi 'yung ginawa niya kanina," iiling iling niya pang sabi.


Tama nga naman siya, kahit nga itong si Caden ay maraming pera kahit minsan hindi ko pa siya naririnig o nakikitang nagyayabang. Hindi niya nga dala ang sasakyan niya ngayon e, dahil gusto niyang commute lang kami.


"Hindi ba takot ka sa mga rides?" Tanong ko sakaniya.


Umiling siya at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin, "anong ako? 'Di ba ikaw 'yon?" Nang aasar niya akong tinignan, "naalala ko noon sa perya, sino nga 'yung umiiyak na kasi ang taas na nung ferris wheel?"


Inirapan ko naman siya, "matagal na 'yon, saka bata pa 'ko noon."


Tumawa naman ito, "okay, if you say so."


Hindi niya pa rin talaga kinakalimutan 'yon, totoo naman na bata pa ako no'n at unang beses kong tumapak sa perya. Medyo kinakabahan din ako ngayon dahil first time rin 'to, pero kakayanin ko. Masaya raw talaga rito e, kaya nga dinadayo.


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Where stories live. Discover now