CHAPTER 27

8 0 0
                                    

"Girl ano, nawili mag bar?"


Nakapamaywang na sabi ni Hailee, sinama ko na rin sila dahil baka magtampo na. Mico suggested na rin na isama sila since malakas daw ang kutob niya na may ganap mamaya.


"Gusto mo rin naman 'wag ka na umangal," pambabara sakaniya ni Sab.


"Pigilan mo 'ko sasaktan ko 'tong best friend mo," tumawa lang si Eka sa sinabi ni Hailee saka kinausap ulit si Sab.


Pinapanood ko lang silang nagkakagulo, narito kami sa bahay ni Sab ngayon. At iniisip ko pa rin ang sinabi ni Mico kanina, hindi ko mapigilan mapaisip kung may alam ba si Mico o talagang kilala niya lang ang pinsan niya.


"Sagot mo ba 'to bakla ha?" Tanong ni Eka sa 'kin.


Tumango nalang ako, hindi rin naman 'yan papayag na hindi makalibre. Mayayaman naman, pero ang kukuripot din talaga minsan. I need all the support that I have to survive this night. Hindi ako katulad nila na matapang at malakas ang loob, sa 'ming apat ako ang nababansagan na softie.


"Everything will be fine, kung ano man ang iniisip mo, susuportahan kita," Sab smiled gently before going out of the room. Naiwan akong mag-isa, nauna na 'yung dalawang bruha kanina sa labas dahil mag pi-picture pa raw sila.


"Aiks, let's go," napabaling ako kay Sab na nakaabang sa pintuan, hinihintay ako. Huminga ako ng malalim bago lumabas na rin.


This time, maingay na ang bar pagdating namin. Medyo late kami dahil sa traffic, buti na nga lang at hindi kami pare-parehas nabagot kung hindi ay malamang wala kami rito ngayon.


"Tara na! Tatanggalin natin 'yang iniisip mo!" Lumingon ako kay Eka sa ingay niya, hinihila niya si Hailee papunta roon sa may bar tender, mukhang magpapaka wasted 'yung dalawa ah. Sumunod lang naman si Lucas sakanila, hindi niya pinipigilan si Eka pero binabantayan niya lang.


"Oh my fudging shit?" Napatingin ako kay Sab sa bigla niyang pag re-react, napatingin tuloy ako sa tinignan niya na sana hindi ko ginawa.


Naroon si Caden, kapapasok lang kasama si Brenna na nakayakap sa braso niya. Para akong pinana ng ilang beses sa puso, ang sakit sakit.


"The fuck? What the?" Galit na lumingon sa 'kin si Sab, nakita ko ang panggagalaiti niya.


"Damang dama ko ang galit mo ah," sabad ni Mico na nasa likuran namin. Naka akbay kay Cams na kinukurot siya sa tagiliran.


"Talagang may makakadama ng galit ko," pwede na magluto ng itlog sa ulo ni Sab, "anong ginagawa mo? Bakit ganiyan 'yang nakikita ko?"


"E kasi nga ganito 'yan," kinuwento nanaman ni Mico mula umpisa lahat kay Sab, pinapanood ko lang si Caden sa malayo. Mukhang hindi niya pa alam na narito kami, palinga linga siya habang may sinasabi si Brenna sakaniya. Minsan ay tumitingin pa siya sa phone niya na para bang may hinihintay, hindi sa umaasa akong ako ang inaabangan niya pero sana nga ako nalang.


"So ano talagang balak mo?" Tanong ni Sab matapos mag kuwento ni Mico na nakikipag lampungan na kay Cams.


"Last na Sab, last na talaga. Hindi ako magtitiis sa ganito, alam ko ang worth ko at hindi ko 'to deserve," sagot ko sakaniya na nakatingin pa rin kay Caden na inaabutan ngayon ni Brenna ng folder na maliit.


Nakita ko ang pag galaw ng panga niya nang makita ang nasa loob ng folder na 'yon, luminga siya ulit. Napaigtad ako nang magtama ang mata namin, galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Mabilis siyang lumapit sa 'kin, basta basta niya nalang ako hinila palabas ng bar saka ako pinasakay sa sasakyan niya. Hindi ako nagsasalita o ano, basta sumusunod lang ako sakaniya.


Taking Chances (Seasons of Love Series #3)Where stories live. Discover now