MBD 10: The reunion 1

Start from the beginning
                                    

"Buti pa sila hindi pa rin mukhang tatay kahit nasa mid-20's na!!" Tatay na nga yan si Ray eh -_- hindi lang halata.

Parang mga highschool teenager parin tong mga kasama ko. Tumitili pa rin gaya nung HS days pa.

"At ang VIP natin ay dumating na!" Sarcastikong sabi ni Xeira. "It's good to see na stick to each other talaga kayo since highschool up to college and now." Dagdag nya pa.

"Siyempre. Gwapo eh." --Jigs, punong puno pa rin ng kayabangan.

"Hayaan nyo na. Mas gwapo kasi ako dyan." Papogi sign naman ni Mark. Ito isa ring feeling gwapo pa rin. Pero dead na dead kay Alina.

"Tama na yan. Nakakaistorbo na. So hindi nyo ba kami ipaghahanda ng pagkain?" Tigas din ng mukha nito ni Ray eh ano?

"Eh kung ipakain ko kaya tong mic sayo? Gusto mo? Tsk." Tinutok pa ni Xei yung mic sa mukha ni Ray.

"Hahaha 'to naman. Di mabiro biro si Xeira. Haha." Tumawa nalang kami at nagpatuloy ulit yung program.

Sunod naman eh seryoso na. Hindi naman na nakikibiruan yung apat. Quiet lang sakanila si Neil.

"So ikaw Sofia anong improvement na sa buhay mo? Are you married? Single or .. in a relationship?" Medyo may diin sa in a relationship na phrase. Tong Xeira na to talaga eh. Karamihan nakasagot na. Ako nalang tapos si Mark, Ray at si Xei. Si Neil, doctor na raw tapos wala pang asawa at anak. Pinapayaman nya pa yung sarili niya.

Si Jigs naman, he owns a bar which is Jigs Place nga. Still single but he's ready to mingle daw.

"I own a botique named Sofia's. I hope you guys will patronize my botique." Parang pina-plug ko na yung botique ko eh. Sasabihin ko ba na may anak na ako?

"I'm single. Yes you've heard it correct. I'm STILL single but I have twins. Its a very long story so maybe next na tayo kay Mark?" Nag aalangang sabi ko.

Pagkasabi kong Single na ako eh tuwang tuwa naman yung mga fan no Ray back then na single pa rin. They're surprised when i said that i have twins. Yung iba parang like they think of me as a bitch tapos yung iba natutuwa kasi they feel me. May mga anak na rin kasi yung iba. Then next na si Mark.

"Okay naman ako. Gwapo pa rin. Kilala nyo si Alina Cortez? Patay na patay sakin yun! Gwapo ko kasi! Hahahahaha." Eto yung pinaka matinong sagot ever -_- mark the sarcasm.

"Gaguu!" Yun lang nasabi ko at nagtawanan sila. They already know naman na Mark was just making stories. Na parang alam naman nila na si Mark yung patay na patay kay Ali.

Dug dug. Bakit ba ko kinakabahan? Eh si Ray lang naman yung masasalita eh.

"Ikaw Jinray? How are you?" Tanong ni Xeira

"I ran a Mall. Mahirap pero kinakaya. Lalo na kapag may inspirasyon ka sa bawat araw na pagpasok mo." Nag "yiee" naman yung mga tao. Tong nasa likuran ko pa eh sabi daw may nililigawan na raw na bago si Ray kaya inspired o kaya may bagong girlfriend.

"I'm single but my heart is taken. Tska hindi pa ko ready mag settle down. Kailangan ko pa ng tibay para patunayan sa taong yon na karapatdapat ako sakanya."

"Ay charotero na pala ang isang Jinray Grande ngayon! Soo! Ako na. Ako si Xeira at alam nyo naman. Fashion designer ako. I'm inviting you guys next 3 months pa naman ito. I-fefeature namin ang Sofia's so I hope you can come. Hindi na ako single kaya yung mga pumipilit dyan sorry nalang hahahaha." Ang sayang tao talaga nito ni Xeira.

"Kapal ah. Kapal much." Sabi ni Diane. Yung beastfriend nya dati pero ngayon bestfriend nya na. Walang halong sarcasm yun ah. Totoong friends na sila. Ganyan lang talaga si Diane.

Sunod kainan na. Kasama ko yung group nina Diane at Xei kasi ma-OOP ako kapag humiwalay ako. Halos lahat sila about sa lovelife nila. Nakakabitter.

"So pano ka nagka twins?" Tanong ni Diane.

"Aba sympre nakipag eut!" --xeira

"Haha mga gagi. Dont ask. Nakakatamad magkwento." Pagpapalusot ko. Ayokong magkwento nang magkwento eh.

"Sus pero sige we will respect your privacy. So let's have a game!!" Sigaw nung kasama ni Xei. Nakalimutan ko yung name. Marie ata yon. O Mary. Haha bahala na. I'm not good in remembering names just like baby Rain.

Nag agree naman yung iba kaya nagkumpulan ulit kami. Nasa 50+ kami or 75+ basta marami kami.

"Get your partners! Boy girls to ah!" Sigaw nya ulet.

Urgh nagkagulo na. Nag uunahang magkaroon ng partners parang mga bata lang. Natutulak na tuloy ako ng iba. Aba kahit nakaheels ako maliit pa rin ako. Hahaha.

"Ouch!" Natalisod ako. Nakaheels pa kasi tapos parang nagkastampid pa.

"Let me help you." Dug dug. Dug dug. Omg what is this?

Siya nga. Inalalayan nya akong tumayo. Nagka eye contact pa kami!! Omg A-W-K-W-A-R-D!

"Now that you have your partners, mag tetreasure hunting tayooooo!!" Naghiyawan na rin yunh iba. Nakipag hiyawan na rin tuloy ako. Ito yung pinaka favorite na laro ng batch namin, kahit ako.

"Lahat ng hahanapin connected sainyo. So bumunot na kayo ng precint nyo. Dapat magmatch yung sainyong dalawa para 100% na connected sainyo yung mga treasures."

Bumunot na kami sa isang garapon ng papel. Parehas 11 yung nakuha namin. Ano to? Set-up? Bakit parang naaayon na sa plano ang lahat? Sana hindi naman.

Bawat pairs may kanya kanyang presinto na sisimulan at pagtatapusan. So ang daming presinto yon. Bonga talaga tong reunion na to. Pero kakaiba lang kasi sa gabi kami mag tetreasure hunting. Baliw na organizer.

"Tara?" *smile* -Jin

I'm gonna melt!! Urggg

To be continued...

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now