Chapter 17 - SETUP

495 38 0
                                    

Hinila ni Ruther and hand brake. Kinalas niya ang seatbelt niya tsaka siya mabilis na lumabas ng kotse.


Umawang kaagad ang bibig ko. Did he just leave without opening the door for me?


Ay, anak ng tilapiya... Is he for real?!


Mabilis kong siniyasat ang palibot. I can't have the press see me being treated by my husband as anything less than a queen!


We're newly weds for heaven's sake! And, we're supposed to still be in our "honeymoon phase" kung kailan nilalanggam pa kami dapat sa sobrang tamis!


If my career's already-wrecked reputation is to have a chance of saving, dapat, sa harap ng camera, I'm the perfect wife with a perfect life! Si Ruther naman should be the perfect gentleman who  worships his perfect wife's ultimate perfection!


Kagigil!


Kaplastikan aside, though, kanina pa 'tong si Ruther, ha! Para siyang tukmol sa pangit ng pakikitungo niya sakin!


Alam ko namang iniiwasan niya ako. Pero, sumusobra na talaga siya! Kung tratuhin niya ako, dinaig ko pa ang taong may ketong! Eh, siya naman itong gumapang sa kama ko, kagabi, at nakitulog dala ng takot tapos, bibigyan niya ako ng ganitong attitude?


Tirisin ko eyeballs niya, eh!


Marahas kong isinuot ang malaki kong sunglasses nung wala akong nahagilap na taga-medya sa paligid. Lumabas na rin ako ng sasakyan at, ipinadyak ang paa ko sa basa-palang lupa ng parking lot.


Haaay! 'Pag minamalas ka nga naman!


Mabilis kong inusisa ang puti kong square pants kung natilamsikan ba ng putik ang suot ko. Nakahinga ako ng maluwag nung makitang kasing-puti pa rin ng niyebe ang pantalon ko.


Aba! Di ako pwedeng magmukhang madungis dahil hindi pa tapos ang karera ko. Kaya, maingat kong hinakbangan ang maliit na sanaw ng tubig-ulang hindi pa tuluyang natutuyo ng araw.


Sinamaan ko ng tingin ang nakatalikod na bulto ni Ruther. Inis ko siyang pinanood na humahalukipkip sa kinatatayuan niya, habang hinihintay ako, sa di kalayuan.


Patapik-tapik ang paa niya sa sahig at ginagawa niya ang lahat para iwasan ang mga mata ko. Kaya, mapilit kong isinuksok ang palad ko sa tupi ng siko niya tsaka, kinandado ang braso niya sa aking mga kuko.


"Iwan mo sa bahay kung anuman iyang ikinagagalit mo sakin," tiim-bagang kong bulong sa tapat ng batok niya. "Doon mo ako dabug-dabogan at, 'wag dito sa publiko!"


Matamis kong nginitian si Ruther nung may napadaang mag-irog, malapit sa lugar kung saan tahimik kaming nagbabangayan. Agad nabura ang emosyon sa mukha ko nung hindi man lang kami napansin ng pares, na tila nasa sarili nilang mundo.


Huminga si Ruther nang malalim bago niya niluwagan ang siko niya. Kaya, hininaan ko na rin ang pagbaon ng kuko ko sa manggas ng suot niyang asul na button-down, long sleeve, cotton polo.

PHOENIX: OUR WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon