Chapter 16 - JEALOUSY

Magsimula sa umpisa
                                    


Ruther continued to panic and burrow into my chest. Halos mabali ang ribs ko sa sobrang diin ng pagsubsob ng ulo niya doon.


Kinalaykay ko ng mga daliri ang buhok ni Ruther at niyakap siya sa ulo. Mahigpit kong dinantayan ang palibot ng kanyang tiyan at mabilis na hinagod ang nanginginig niyang laman sa balikat.


"Shh... 'Wag kang mga-alala. Andito lang ako." bulong ko sa tainga niya. "Nothing bad is gonna happen, okay? I won't leave your side."


Bahagyang lumuwag ang balikat ni Ruther at tumango siya. Pero, nanatili kami sa ganoong posisyon for another half hour or so dahil ayaw pang magpatinag ng kalangitan sa pagwawala.


Nung nagsimula nang humupa ang ulan, komportable nang nakapikit si Ruther sa pagitan ng mga braso ko. Napaka-inosente niyang tingnan habang payapa siyang humihinga sa bibig niyang bahagyang nakaawang.


"Something is really strange about you, Ruther, and, I'm worried na baka pagdusahan mo ito sa habambuhay," isip ko. Marahan kong sinusuklay-suklay ng daliri ang malambot niyang buhok. "I'm gonna do whatever it takes para dalhin ka sa psychologist. Kakaladkarin kita kung kinakailangan."


***


Sumingit ang nakakasilaw na liwanag sa pagitan ng nakasara kong talukap. Lalo kong ibinaon ang mukha ko sa mala-gelatin kong unan.


Mas hinigpitan ko ang yakap sa mabango kong body pillow. Kumunot ang noo ko nung makapa ko ang dalawang umbok sa likod nito.


Umatras ako bahagya at siningkit pabuka ang mga mata ko. Tuluyang akong nandilat nung bumulagta sa pwestong sinubsuban ko, ang malalim na cleavage.


"Mmmm..." mahinang ungol ni Irah nung maliit siyang gumalaw. Sandaling naipit ang baywang ko sa nakadantay niyang paa.


Bumaba ang tingin ko sa maputing legs ni Irah na kumakawag-kawag sa ibabaw ng tagiliran ko. Nakita kong dumulas ang seda niyang nightgown, paakyat sa makinis niyang hita, nung tinupi niya ang tuhod niya. 


Mabilis akong pumikit. Ayokong madikit ang paningin ko sa panti niyang sumisilip sa ilalim ng kulay-perlas niyang palda.


I feel like I'm taking advantage of her if I allow myself to enjoy the view of her stairway to heaven. Isa pa, pakiramdam ko pinagtataksilan ko si Maya sa tuwing di ko napipigilan ang attraction ko sa nakabibighani kong asawa.


It's stupid, I know, because it's Maya who actually betrayed me. But, still, I'm supposed to be deeply in love with her. 


Pero, parang hindi ako masyadong nagdadalamhati sa pagkawala niya. Her absence is not really devastating me as much as I thought it would.


I just don't get it! Hindi ko maintindihan how I could easily be this drawn to Irah gayung di pa lumalagpas sa dalawang linggo simula noong una kaming nagkita. Kung naikasal ba kami ni Maya at nakilala ko siya, magugulantang niya ang paninindigan kong hindi titingin sa iba? Magiging taksil rin ba ako sa asawa ko, gaya nalang ni—


"—Gabby..." bulong ni Irah. Hinila niya akong muli sa dibdib niya at pinatungan ng pisngi sa tuktok ng ulo.


Dumaplis sa pisngi ko ang may-katigasang usli sa tuktok ng isa niyang bundok. It sent violent tingles to my nape, pababa sa gulugod ko, na nagpalala sa matigas ko nang morning wood.


Heavens! Why isn't she wearing a bra!? G-ginapang ko ba siya, kagabi, kaya wala na siyang panloob? D-did I actually violate her, nang hindi ko naaalala?!


Tsaka, sino ba yang Gabby na yan at bukambibig niya? Naalala kong nabanggit niyang yang taong yan daw ang nagsabi sa kanyang may takot ako sa dilim. At, ngayon, tinatawag niya ito sa panaginip? May iba pa ba siyang mahal liban kay Zac?


"C-cant breath..." reklamo ko. Hinila ko pababa ang magkabilang balikat ni Irah para makawala ako sa nananakal niyang hinaharap.


Natapat ang mukha ko sa mala-diwata niyang kagandahan nung tumingala ako, para makahigop ng hangin. Sandali kong nakalimutang huminga nung dahan-dahang kumampay pataas ang mayayabong niyang pilik-mata.


Marahan siyang pumikit muli. "Gabby o Ruther?" pagod niyang bulong. 


Parang biglang sinaksak ang naninikip kong dibdib. "Ruther!" pabagsak kong sagot. Kinarga ko ang nakadantay niyang hita at itinapon iyon sa likod niya.


Inis kong itinulak ang sarili paupo sa gilid ng kama. Lumagitik ang dila ko nung hindi ko mahanap ang tsinelas ko.


Nung madama ni Irah ang poot na idinudura ko, gumulong siya patagilid para humarap sa'kin. Her silky nightgown and glossy hair glided like waterfall sa porselana niyang kutis. She lazily looked at me as her sultry lips slightly parted. Para siyang isang humihingang painting masterpiece sa ganda ng kurba ng balakang niya. 


But, so what?! She is nothing but a lying succubus in angel's clothing! 


Ang kapal ng mukha niya para ipasok sa pamamahay ko ang Gabby niya! I mean, why else would she mistake me for that wretched man kung hindi sila magkasama, buong magdamag!?


Well, wala namang masama kung may mahal, este, mga mahal siyang iba sapagkat hindi naman kami nagpakasal nang dahil sa pag-ibig! Ang akin lang, deserve kong igalang sa sarili kong tahanan!


Mapait akong natawa sa ilong. Hindi ako makapaniwala sa kahangalan ko.


I should've known nga ganitong klase siyang tao. I mean, sino bang matinong babae ang hindi naiilang sa lalaking bago pa lang niyang nakikilala?


"Consort? What's wrong?" pa-inosente niyang tanong. Dalisay na bumalot ang palad niya sa pulso ko.


Mabilis kong hinablot ang kamay ko mula sa hawak niya at padabog na tumayo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tanungin mo ang sarili mo!"


Mahahaba kong hinakbang ang pagitan ko at ng pintuan. Hindi ko nilingon si Irah nung nagmamadali siyang umupo sa kama. 


"Wait!" sigaw niyang hindi ko nilingon. "W-wag mong kalimutang pupunta tayo sa simbahan mamayang hapon, okay?"


Hindi ako umimik kay Irah. Mabilis ko lang binuksan ang pintuan at binalibag iyon pasara.


How dare she talk about pre Cana as if wala siyang karumihang ginagawa? Tama nga talaga ako sa hinala kong hindi ako dapat nagpapadala sa galing niyang umarte!

PHOENIX: OUR WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon