CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)

Start from the beginning
                                    

"Paano mo naman nasabing hindi ako okay kung ganoon?" I force my self to smile widely.Sinigurado ko na pati ang mata ko ay nakangiti rin pero bigo.

"Your smiling...while--" umiling nalang siya at hindi tinuloy ang sasabihin at inisang hakbang ang pagitan namin at niyakap niya ako.

Doon kumawala ang tunay na nararamdaman ko.Tinanggap ko na nasasaktan talaga ako sa nangyayari at sa nangyayari na naman ngayon.

Ang dami ko ng hindi alam,nakakabanas na nakakapraning.

Oo,hindi ko naman talaga dapat malaman 'yong mga pinag uusapan nila dahil nga traydor ako pero hindi ko naman na 'yon ipapalam kay Rosh kung nagkataon mang sabihin nila.Matagal na akong tumigil na magbigay impormasyon kay Rosh,simula noong nalaman na ni Justin kung ano at sino ako.Baka naman alam na nilang ako 'yong traydor,sinabi na sakanilang lahat ni Justin ang nalalaman niya kaya hindi nila sinasabi saakin ang nangyayari at mga ginagawa at gagawin nila at sinasakyan nalang nila ako at hindi pinapaalam saakin na alam na nila?.Hindi ko na alam.Naprapraning lang ba ako? o baka totoo na 'tong kutob ko?. Ang gulo na, naiinis na ako!.

Kung ano ano na 'tong pumapasok sa isip ko dahil lang sa nakita.

Pwede ba brain?Gumana ka lang kapag exam na!

"Okay lang ako," tinapik ko ang likuran niya syaka ako kumalas sa yakap niya. "PDA ka kahit kailan" usal ko pa at pabirong inirapan siya at nilapitan ko si Travis na nasa malapit lang saamin na nakangiti ng nang aasar saakin kaya inirapan ko lang siya.

"Congrats nga pala sa game mo kahapon!" bati nito at inakbayan ako at ginulo ang magulo ng buhok ko.

"Saka mo na ako batiin ng congrats kapag natalo ko na 'yong defending champion" saad ko at inalis ang pagkakaabay niya saakin at ginulo ko rin ang buhok niya bilang ganti.

"Gago, ang angas ng game niyo kahapon!"

"Gago ka rin,Nanood ka?"

"Malamang!Mag lalaro kayo ni Daniel, e, hindi pwedeng hindi ako makakapanood!"

Ay wow.Sana ganiyan din 'yong mindset ng mga kasamahan ko kahapon.

Sana.

Napabuntong hininga na naman ako."Anong tingin mo?Matatalo ko ba 'yong defending champion?"

"Oo naman!Ikaw pa?Si Angel ka 'ata!"

"Para kang tatay na proud sa anak mo, kingna hahaha" umiiling ako habang tumatawa.

"Proud naman ako sayo, hindi nga lang ako tatay mo," at sabay kaming natawa.Natigil lang kami nang mas lumakas ang hiyawan.Napatingin ako sa kay Shadow at ang ginawa niyang bwelo at humanga ako ng paluin niya 'yon deretso sa sahig!.Mas lumakas ang hiyawan.Tapos na pala ang laro at panalo ang school namin.Nice!.

Pero...

"Parang ang bilis natapos?" saka ko binalingan ng tingin ang katabi ko.

"Final round na kaya noong pumasok ka,"

Nanlalaki ang matang nilingon ko si Travis dahil sa sagot niya.Napailing naman siya at tumawa.Naku naman!Naenjoy ko 'ata masyado 'yong pagkain ko ng ice cream doon sa gilid at hindi nagpunta dito ng medyo late pero maaga pa para magtapos gaya ng plano ko.Hayaan na nga!Nangyari na e basta nakapunta pa rin ako kahit papaano at napanood ang huling tira ni Shadow at pagkapanalo nila.

Wala sa sariling napatingin ako kila Chad at kita ko kung paano silang lahat na natuwa at 'yong iba ay napatalon pa sa naging resulta ng laro.Nakita ko ang agad nilang pagdalo kay Shadow at base sa buka ng bibig nila ay binabati nila 'to dahil ito ang nagpapanalo sa laro.Napahinga ako ng malalim para pigilan ang emosyon na namumuo sa loob ko.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now