CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)

Start from the beginning
                                    

"Kaya ni Angel ang sarili niya..." sambit ko pero hindi siya kumbinsido at pilit na nilalagpasan pa rin ako pero hindi ko siya hinayaan. "I'm sure Angel don't want us to lose our game just for her?" at doon natigilan si Chad. "Besides...you know her...She can manage that..."

"No!"

"Can you just trust her?" natigilan naman siya kaya napangisi ako ng palihim.Nice word Justin. "Tawag na tayo ni coach," imporma ko kaya walang nagawa si Chad kundi ang magtungo sa bench namin.

Hindi naman sinabi kay Angel ang lakad namin, at kung ang lalaking 'yon nga ang leader...Nagagalit siya kay Angel ngayon dahil nakuha namin ang hide out niya dahil hindi sinabi ni Angel ang lakad namin sakan'ya.

"Umayos ka Montelabano, your our ace...matatalo tayo kapag wala ka,kaya umayos ka naman!"

"Alisin niyo ako sa laro." madiin, kumbinsidong sambit ni Chad.

Talagang uunahin niya si Angel keysa sa laro namin...Chad?Bakit?.Mahal mo na ba siya?Diba sabi mo bawal...

"Hindi pwede,alam mong ikaw ang ace namin...hindi sa wala akong tiwala sa mga kateammate mo pero ikaw kasi ang pinaka alas namin Montelabano...Anong nangyayari?Unang game palang ay wala ka na sa hulog..."

"Kung ganoon alisin niyo na ako sa laro."

"Hindi nga pwede dahil ikaw ang ALAS!Kaya pwede bang umayos ka?" aborido na si coach ganoon din ang iba naming kateammate.Kasi totoo naman na mahihirapan talaga kaming manalo kung wala si Chad dahil nga siya ang alas namin,siya ang magaling pumuntos,siya ang shooter ng team.

"Gusto kong alisin niyo ako sa laro."

"Captain Silverado, kausapin mo 'tong kaibigan mo!" nauubusang pasensyang sigaw ni coach at hindi na ako magtataka kung narinig 'yon ng kabilang panig.

"Oy Chad, kaya na ni Angel 'yon huwag ka ngang praning..." sambit ni Gaio.

"Tawagin mo sila Cole," utos ni Chad at hindi pinansin ang sinabi ni Gaio.

"May game na sila..." kamot batuk na imporma niya.Nakita ko silang umalis na kanina,mukang nakipanood lang sila ng ilang minuto.

"Sila Klein nalang"

Inilibot ni Gaio ang paningin niya sa paligid at nakita niya ang hinahanap."Okay..."sambit niya at sumaludo pa,Ang kalmado niya...may tiwala siya sa kakayahan ni Angel.Lumapit siya kay Coach."Coach may kakausapin lang ako!" paalam nito.

"Sino?Saan?Ilang minuto nalang matatapos na time out natin!"

"Don't worry coach, I'll be back tapos 'yang ace natin gaganda laro!" paalam ni Gaio kay coach at agad na tumakbo patungo kila Klein na nakatayo rin...nakita rin nila 'yon... impossibleng hindi dahil agaw pansin ang nangyari.

Pinanood ko ang pagtakbo nila patungo sa gawi namin.

"Sinundan na sila nila Shadow..." imporma agad ni Klein ng makalapit siya kaya takang nilibot ko ang paningin at hinanap sila Shadow at wala na sila sa pwesto nila kanina.

"Bakit hindi ka sumama?"

"Si Angel naman 'yon, parang hindi mo naman kilala si Angel.Tsk." asik ni Klein.

"See?hahaha sabi sayo kaya na ni Angel 'yon!" pasang ayon ni Gaio sa sinabi ni Klein.

"Mas batak pa 'ata 'yon keysa kay Gaio," dagdag pa ni Owen.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now