“Ganyan ba nararamdaman mo para sa akin?”
Nilingon ko kung sino yung nagsalita, at...
Si...LUKE. SI LUKE PATRICK MONTENEGRO ANG NASA LIKOD KO.
N-narinig kaya niya yung mga sinabi ko? OMYGOD!! NOOOO!
“K-kanina ka pa dyan?”
Napansin na ata ni Sakura na may kausap ako (Finally!) kaya bigla siyang humarap. Nakita niya si Luke at biglang nanlaki yung mata niya. Tumayo siya tapos yumakap kay Luke. Huhu, ikaw talagang bata ka! Ini-inggit yata ako neto eh. Yumakap naman pabalik si Luke sa kanya. Huhu, swerte.
“Hi Kuya Luke! How are you?”
Nag-smile sa kanya si Luke. Urgh, that smile. Ang pogi niya talaga, sht.
“Hey, Sak. I’m great! You?” Alis naba ko dito? Putek, OP ako eh. Parang invisible lang? Usapan pa nila English. Kainis. Yung totoo? Nage-exist pa ba ko sa paningin nila?
“Hey, do you know my brother? Ross?” Tanong ni Luke kay Sak. Nagtaka naman si Sak sa tanong niya, pero I think na-meet niya na si Ross eh. Actually, magkakilala na sila. Pero their first meeting didn’t turn out well.
“Yeah. Si Spaghetti Head.” Spaghetti Head ang tawag niya kay Ross kasi well, kulot daw si Ross. Ayaw niya ng kulot pero siya mismo ganun yung buhok niya. Weirdong bata.
“Good. He wants a playmate eh, do you want to come over this coming Saturday?”
Nag-nod lang si Sakura tapos nag-smile. Fake smile, huh? Alam kong ayaw niya kase magka-away sila nun ni Ross. Like what I’ve said, she hates curly hair. Kahit ganun siya. Ang swerte nga neto ni Sakura eh, close sila ni Luke. Samantalang kami, hindi. T___T
Nag-bye na si Luke sa kanya kaya naman kumaway nalang din si Sakura sabay tumakbo na papasok ng bahay. Walang hiya, iwan ba naman ako kasama si Luke? O jusme, pigilan niyo po akong gahasain siya.
Naramdaman kong nilublob din ni Luke yung paa niya sa pool. Siguro mga isang ruler yung layo niya sa akin. Okay na rin yun ‘noh, nahihiya kase ako sa kanya at baka kung anong gawin ko kapag malapit siya. Duh, mamaya ma-turn off ‘to sakin. Patay tayo dyan.
“Uh, Gwen?”
Na-tense naman ako pero lumingon padin sa kanya. Hihi, kinikilig padin ako kasi siya lang talaga tumatawag sakin nung Gwen eh.
“Hmm?” Yan nalang nasagot ko. Pucha, em so nervoussss. Madaming ‘s’ kasi sobra-sobra eh.
“About a while ago—”
“Ano bang narinig mo?” Nate-tense kong tanong. Please, sana hindi niya narinig.
“Uhm, actually wala. Pero may dapat ba akong marinig?”
OMG. PERS TAYM NIYANG MAG-TAGALOG HABANG KINAKAUSAP AKO. WAAAAH.
“Wala?”
“You’re not sure, huh?” Sabi niya sabay smile. Putek, what is happening to you? Bakit bigla siyang bumait? Omg.
Hindi nalang ako sumagot, sa halip ay ngumiti na lamang. Hindi ko alam sasabihin eh, pake niyo? Hindi ko pa ma-take in na nakaka-usap ko siya ngayon. AT TAKE NOTE: Eto ang pinaka-matagal naming pag-uusap.
“I just want to say sorry,” Bulong niya. Teka, bulong ba yon? Narinig ko kase siya eh. Nye, sorry saan?
“Sorry for what?” AYAN. Napapa-english narin tuloy ako!
“For yesterday. Sa party. I’m sorry kung hindi mo na-feel yung presence ko and I’m sorry kung hindi kita nai-sayaw.”
Hindi naman niya kailangan mag-sorry eh. Forgiven na siya ‘noh, matagal na. Di ko naman siya matitiis eh, alam niyo naman na mahal ko yan. Pero ihh, kinikilig talaga ko ngayon.
“It’s okay, you don’t need to be sorry.”
“Thanks.” He said then smiled. After ilang minutes lang eh nagpaalam na rin siya at pumasok na sa loob. May practice daw kasi sila. Ay nga pala, may banda kasi sila. 5 sila eh, yung dalawa hindi ko pa kilala. Bago daw eh. Puro lalaki naman kaya hindi na ako magwo-worry. Tsaka lagi silang sa bahay nagpa-practice at wala namang problema dun.
Di parin ako makaget-over!! Putek, ang pogi niya! At nakapag-usap pa kami ng ganun ka-tagal! OMG. ACHIEVEMENT!!
Hay. I LOVE YOU TALAGA LUKE. May chance na kaya ako sayo?
***
Ang lame ng chapter na ‘to. Nakakaiyak. Pagod kasi ako eh, sobra. Sabog pa ako ngayon. Comment kayo ha? Please let me know kung may typographical errors or mga wrong grammar. Hihi, thank you. :)
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 4
Start from the beginning
