Ilang minuto na pero hindi parin nagre-reply yung taong nagtext sa’kin. Considered pa ba yun na tao? Ano ba naman Chloe! Malamang nakapag-text nga sayo eh. Tanga ka talaga. May nakakapag-text ‘bang hayop?

Pinagpatuloy ko lang yung pagbabad ng paa ko sa pool ng biglang may kumalabit sakin. Sino naman kaya ‘to? Paglingon ko si.. si.. Sakura.

Okay, ano naman kayang kailangan ng batang ‘to? Kasi sa totoo lang, ngayon lang yan nangalabit ng ganyan. Usually kase isisigaw lang niya name ko tapos ayun na. Pero ngayon? Hindi eh, may iba talaga.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh? Anong problema mo?”

Hindi siya sumagot, instead umupo siya sa tabi ko tapos nilublob din yung paa niya sa pool. Napansin kong pangiti-ngiti siya habang aliw na aliw. Ay, may iba talaga sa batang ‘to.

“Hoy tyanak, siguraduhin mong wala kang kalokohang gagawin dyan ha. Patay ka talaga sa’kin pag nagkataon.” Banta ko sa kanya pero hindi parin siya nagsasalita. Wow, anong meron sa kanya? Kapag kase tinatawag naming “tyanak” yan, usually magbubunganga yan o mananapak. Eh bakit ngayon? Hindi? Weird.

“Ate.”

Napantig yung tenga ko sa pagtawag niya sa’kin. ATE? Tama ba yung narinig ko? Jusko. Ano bang nangyayare sa kanya? Nasaniban ba siya ng mabuting espirito at natuto siyang mag-ate?

Sinalat ko yung noo niya pati yung leeg niya at chi-neck kung nilalagnat ba siya. Baka naman nagha-hallucinate lang ‘tong batang ‘to kaya ganyan? Tinabig niya yung kamay ko at hinampas ako.

“What do you think you’re doing?” Tanong niya sa akin. Kita mo to, nage-english pa ngayon.

Hinarap ko siya. “May hihingin ka ‘noh? Kilala kita eh, may iba sa’yo ngayon.”

“Paano mo malalaman kung uhm, inlove ka?”

THE HECK? INLOVE NA BA ANG ‘OH-SO-SUNGIT’ KONG KAPATID?

“Anong pinagsasasabi mo? Inlove kana ba? Hoy tigilan mo yan Sakura ha. Ang bata—”

“Ang O.A mo, Ate. Nagtanong lang, inlove agad? Dali! Sagutin mo na!”

Napaisip naman ako sa tanong niya. Hmm, paano nga ba masasabi na inlove ang isang tao?

“Una, kapag kasama mo siya feeling mo  tumitigil ang mundo.”

Tumango-tango lang siya. Bakit nga ba yan ang naisip ko? Hmm, ewan ko kasi parang yan yung feeling nung naka-sama ko si Luke nung party eh.

“Pangalawa, siya lang ang pinaka-pogi o maganda sa paningin mo or I mean wala ng hihigit pa sa kanya. Wala ng iba.”

Totoo naman ah? Wala na akong nakikitang ibang mas hihigit pa kay Luke. Siya lang talaga.

“Lastly, kapag titignan mo siya, feeling mo siya na talaga ang para sa’yo.”

Sa tingin ko kase, wala na akong ibang makakasama sa buhay kundi si Luke lang. Siya lang naman yung pinapangarap ko eh at hindi yun magbabago. Kahit kailan.

“May pinang-huhugutan ka ba, Ate?”

Kita mo ‘to. Nag-a-advice na nga ako, magtatanong pa. Eh kung ihulog ko kaya siya sa pool? Di joke lang, patay talaga ako pag nangyari yon.

“Do you feel those things towards Kuya Luke?”

“Oo.”

Tumango lang si Sakura habang pinagpapatuloy yung ginagawa niya. Magsasalita pa lang sana ako nang biglang may nagsalita sa likod ko na ikina-taas ng balahibo ko.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now