“Asan na yung batang halimaw?” Pambungad niyang tanong sa akin. Napatingin ako kay Immy at napansin kong titig na titig siya sa katawan ni Ivan. Okay aaminin ko na maganda talaga yung katawan niya. May abs kasi eh.

“Wala. Pumasok na. Bakit ba andito ka? Hindi ba uso kumatok? Layas na nga!” Pagtataboy ko. Sinamaan ako ng tingin ni Ivan at tuluyang pumasok sa kwarto ko. At ang walanghiya talagang humiga pa sa kama ko. Peste talaga! Grrrr.

“Wag kang maingay dyan bakekang, matutulog ako.” Sabi niya sabay talukbong ng kumot at talagang inangkin pa yung buong kama! Nasa may bandang paanan na nga ako naka-upo at ang bakulaw talagang sinisipa pa ako. Kapal ng mukha. Si Immy naman mukhang amaze na amaze sa pagbabangayan namin ni Ivan. Hindi pa niya nakikita lahat ng kabahuan ng lalaking ‘to.

“Sinong bakekang, ha? Mahiya ka nga sa balat mo! Mamaya may libag ka, edi nagkaroon yang bedsheet ko! Alis na! Mahiya ka naman kay Immy!”

Bigla siyang napabalikwas nang marinig niyang binanggit ko yung pangalan ni Immy. Wow, may hiya pa pala siyang tinatago. “Si Immy? Yung kapatid ni Luke?”

-_______-

“Saang bato ba tumama yang ulo mo? Malamang kapatid ni Luke. Alangan namang kapatid ko?!”

“Parehas kasi kayong may saltik eh. Bagay kayong magkapatid.”

“Mukha mo! Ikaw nga may saltik dyan eh! Si Sakura, normal naman! Lalo naman ako! Sabi ko na nga ba, ampon ka!”

“Ikaw? Normal? Ha ha, nagpapatawa ka?”

“Bakit? Ikaw ba, normal?”

Nagulat naman ako nung may tumikhim sa gilid ko. Nilingon ko kung sino. Si Immy. Ay shit! Si Immy! Nandito pa nga pala ‘to.

“Uh, excuse me? Aalis na ko, Chloe. Kahiya naman eh, nakalimutan na atang andito ako. Katakot-takot na lait nakuha ko sa kapatid mong may sapak sa ulo. Bye, Chloe! Text nalang kita when I get home!” Sabi niya sabay takbo sa palabas ng kwarto ko. Pagkalabas niya sinamaan ko ng tingin si Ivan.

“What did I do?” Pa-inosenteng tanong niya. Grrr, peste talaga siya. Ang pangit na nga, mapanlait pa. Sabihan ba naman ako at si Immy na may saltik? Sapakin ko siya eh.

“Tama nga si Immy. May sapak ka talaga sa ulo!” Sigaw ko sabay labas ng kwarto.

---

Kasalukuyang nasa may pool side ako ng bahay namin at kumakain nang biglang may nag-text sa akin. Kung hinahanap niyo yung bakulaw na si Ivan, wala siya. Umalis siya kanina. Sabi niya pupunta daw siya kela Luke. At eto ang matinde ha, iniinggit pa niya talaga ako. Walanghiya talaga. Dapat lang talaga na magpunta siya dun at magsorry kay Immy sa kahihiyan na sinabi niya!

1 new message received

From: 0915*******

Hi. Is this Chloe Fuentes?

–end–

Unknown number. Sino ‘to? At pa-english english pa siya. Dahil curious ako, nireplyan ko siya.

To: 0915*******

I’m sorry, who’s this?

–end

Teka. Ano bang nakain ko at pinatulan ko ‘to? Baka naman nanti-trip lang? Pero hindi eh, kilala niya ako. Baka taga-school? Hindi rin. I-ilang tao lang ang may alam ng number ko dun eh. Baka naman trip lang neto makipagtext-mate? Hays. Kawawa naman, sige na nga.

Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon