“Kimlher Lee.” Bulong ko sa sarili ko. Narinig naman ata ako ni Immy kasi bigla siyang napatingin sa’kin.

“Kimlher? Sino yon?” Pagtatakhang tanong niya. Ang slow talaga niya kahit kailan.

“Kimlher Lee yung pangalan nung nagpahiram ng coat na yan.”

Tumayo naman si Immy dun sa may parang lid ng bowl at nagtata-talon. OA talaga siyang magreact eh. Nalaman niya lang yung pangalan, kailangan tumalon?

“Waaaaah! Ang pogi ng name niya, Chloe! Waaaah!”

Umiling-iling nalang ako tapos bumalik na sa loob ng kwarto ko at ipinagpatuloy yung pagbabasa. Siguro nagtataka kayo kung anong araw ngayon ‘noh? Ang totoo niyan, Wednesday ngayon. Umabsent muna kami kasi syempre masyado pa kaming pagod dahil sa party. Napa-inom kaya ako ng wine kagabi, pero konti lang naman. Ang sosyal naman kung maglalasing ako, wine pa ginamit ko. Pati nga si Ivan hindi naka-pasok eh, paano ba naman ang daming chicks kagabi sa party kaya malamang nabusog mata niyan. Ginising ako kanina ni Sakura pero hindi ko siya pinansin kase sobrang antok ko pa, kaya ayun gumorabells na sila ni Daddy.

Si Luke kaya? Pumasok kaya yon? Sana hindi. Sayang, wala tuloy silay. :(

Hindi ko nga na-feel ang presence niya kagabi eh. Oo, partner ko nga siya. Pero parang wala lang. Ni-hindi kami nakapag-usap ng matino kasi lahat ng madaanan naming tao, kakilala niya lahat. Eh hindi ko naman kilala yung iba, kaya isa akong dakilang OP sa gilid niya. Tapos hindi pa niya ako sinayaw. Imposible namang hindi siya marunong eh kasama siya sa Dance Club at lagi din siyang nagpe-perform pag may event sa school. Feeling ko ayaw niya lang talaga. Baka nga napilitan lang yun maging partner ako eh. Hays. Baka na-bored yun saken. Kase naman di ako makapag-salita masyado eh. Una, lagi siyang may kinakausap at pangalawa, nahihiya ako.

“Huy babae, tulala ka na naman. Sino bang iniisip mo? Si Kuya o si Kimlher?”

Okay na sana yung options eh. Kaya lang baka nasali yung Kimlher? I don’t personally know him, honestly. Na-meet ko lang siya kagabi sa party. Yung time na pumunta muna ako sa may veranda kasi nga madaming kausap si Luke, sakto andun pala yun. Nagulat nga ako eh, medyo madilim pa naman dun kaya akala ko kung sino. Ready na sana akong hampasin siya ng takong ko buti nalang nagsalita siya. Okay err  hindi ko itatanggi na pogi talaga siya pero syempre pogi padin si Luke. Mabait din siya tsaka masayang kausap. Tapos inalok niya yung coat niya kasi baka daw mahamugan ako. Sweet na sana eh kaso sabi niya, “Kasalanan ko pa pag nagkasakit ka.” Parang takot lang makonsensya kaya napilitan, diba? Tinanggap ko nalang, nakakahiya naman eh.

“Huh? Bakit nasali si Kimlher?”

She sighed and looked at the coat dreamily. “Di ko alam. Ihh, basta feeling ko pogi talaga siya.”

Inirapan ko siya. “Feeling mo lang yun.”

Mukhang nasira ko ata ang pagda-daydream niya ng mapalitan ang kanyang magandang ngiti ng busangot na mukha. “I hate you. Masyado ka kasing napo-pogian kay Luke kaya hindi mo magawang tumingin sa iba eh.”

“Pake mo? Atleast ako may taste, ikaw wala! Sa lahat ba naman ng magugustuhan mo, si Ivan pa. Yung bakulaw na yun! Ang pangit nun Immy! Jusko, wala kang future dun!”

“FYI Chloe, si Ivan ang pinaka-gwapo sa kanilang tatlo ‘noh!”

“Nako Immy, kailangan mo na ng eyeglasses.” Hindi niya ko pinansin at binelatan pa ako. Bruha ‘to ah.

Ilang minuto ng katahimikan nang biglang bumukas yung pinto. Tumambad samin si Ivan na mukhang bagong gising. Ni-rub niya pa yung mata niya. Mukha siyang tanga. Take note: TOPLESS SIYA.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now