“Walang basagan ng trip ‘noh. Ikaw nga eh habol ka ng habol kay Kuya kahit alam mong wala kang pag-asa.”
T___________T
“Aray naman,” Sabi ko kay Immy sabay turo sa puso ko. “Ang sakit dito oh.”
Hinampas niya ako sa braso. Kainis ‘to. Pagkatapos niya akong sabihan ng ganun, kung maka-hampas WAGAS KUNG WAGAS.
“Ang nega mo Immy! Kainis ka!” Sigaw ko sa kanya nung bigla siyang pumasok sa banyo. Ano naman kayang gagawin nun dun?
“Hoy, anong ginagawa mo dyan? Baka naman jejebs ka ha! Wag dito! Dun sa kwarto ni Ivan! Mabaho yan panigurado!” Sigaw ko ulit pero hindi parin siya kumibo. Langya, ano bang ginagawa nung babae na yun dun?!
Tumayo ako galing sa kama (Hanudaw? Ah basta haha!) tapos sinundan siya sa may cr. Nakita kong naka-upo siya dun sa may lid ng toilet bowl tapos may hawak siyang black coat.
“Hoy, anong drama yan?” Pambungad ko sa kanya sabay pasok sa cr. Akala ko naman kung ano ng nangyare sa kanya. Kala ko nalunod sa bowl habang jumebs eh.
She gave me a playful look. Okay seriously, ang creepy niya. “Kaninong coat ‘to?” Tanong niya sabay angat nung kaninang hawak niyang black coat.
Hmm, kanino nga ba yon?
AHA! ALAM KO NA!
“Ah kilala ko na kung kanino yan.” Tinaas niya yung left eyebrow niya.
“Dun yan sa lalaking nag-approach sa’kin kagabi!”
Binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin. Oh sht. Ano na naman?!
“Bakit ka nakipag-usap sa isang stranger?!!” Okay ang OA ni Immy. Pero iba yung itsura niya eh, mukhang worried na worried. Hinagod ko yung likod niya para pakalmahin siya.
“Oh relax ka lang. Nagpakilala naman siya so hindi siya total stranger tsaka mukhang mabait naman eh.” Pag-e-explain ko. Halatang worried eh, biglang lumalaki yung butas ng ilong. Hahahahahahaha joke lang.
“Pogi ba?”
Sabi ko na nga ba itatanong niya yan eh. Syempre, si Immy pa ba? Ang hilig sa pogi niyan. Kaya nga sa hindi malamang kadahilanan, bakit siya nagkagusto kay Ivan eh saksakan yung ng panget?
Joke lang. Pogi din naman si Ivan eh. Okay tanggalin natin yung “naman” kasi pogi talaga siya kahit saang angle. Syempre kadugo ko yan. Maganda at pogi kaya lahi namin. Baka masabihan pa kaming panget dahil dyan kay Ivan eh.
“Hmm, oo.” Nanlaki yung mata ni Immy tapos tumili siya tapos inalog-alog ako. Baliw talaga. Hinawakan ko siya sa balikat para maghunus-dili naman kasi mukhang wala siyang balak itigil yung ginagawa niya. Lintek, nahilo ako dun ah!
“Waaaaaah! Ang swerte mo sis! Ano daw pangalan niya? Dali ise-search ko siya sa Facebook, Twitter, Instagram at Tumblr.” Jusko, ganun ka-obsessed? Ni-hindi niya pa nga yun nakita eh!
“Uhm.. Ewan ko. Nakalimutan ko na eh. Busy kasi ako kaka-tingin sa Kuya mo.”
Hinampas-hampas niya ako nung black coat tapos nagsisi-sigaw. Ewan ko ba dyan. Anong big deal dun? Eh sa hindi ko na nga matandaan eh. Alam niyo naman na busy ako kay Luke eh. At tsaka, bakit ba siya curious dun? Eto talaga si Immy porke't nasabi kong pogi, gusto na agad eh. Akala ko loyal yan kay Ivan?
“Hay nako Chloe. Alalahanin mo!”
Hmm. Ano nga bang pangalan nun? Sa pagkakatanda ko, K ang umpisa ng name niya. K? Kean? Kevin? K..K..Kim? Kimlher? Tama! Oo, Kimlher! Siya si Kimlher Lee!
ESTÁS LEYENDO
Strings Attached
Novela JuvenilNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 4
Comenzar desde el principio
