Burning Angel Vll

26 4 1
                                    

 

Bumaba si Azaleia at tinipon ang lahat ng mga anghel at cherubim.

Mga kapatid kong anghel. Panimula nito. Narito ako upang ipaalam sainyo ang isang mensahe mula sa taas.

Tahimik si Yonghwa at Dhez.

Katabi nila ang kambal na cherubim na sila Gin at Pau. Nasa gilid naman si Shinea, katabi ang alaga niyang cherubim na sina Che at Chloe.

Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Azaleia, sumsabay ang kidlat.

May hawak iyong isang paleta at binuksan. Tapos iginala ang tingin na parang may hinahanap.

Dhez, maari ka bang humakbang papunta sa gitna?

Nagulat si Dhez. Tumingin kay Yonghwa. Hindi naman ito tumitingin sa kanya. Nalaman na ba nila? Tanung ng isip niya. Gayunpaman ihinanda na niya ang sarili kung sakaling ganun nga ang mangyari.

Himakbang siya sa gitna at tiningnan ang lahat ng anghel na nakatingin sa kanya.

At saka lang nagtaas ng tingin si Yonghwa. Tiningnan siya ni Dhez ng may lungkot sa mata.

Natakot naman ang kambal na cherubim. Hinawakan ni Yonghwa sa tagisang kamay ang mga ito para payapain.

Nagpatuloy si Azaleia. Batid ninyong lahat na walang maililihim sa ulap o sa lupa. Lahat ng kilos at desisyon ay ibinigay sa lahat para makagawa ng ayon sa kanyang konsensiya. Ito ang ipinagkaiba natin sa mga halaman at hayop na nilikha.

Gayunman hindi madamot ang nasa taas at palaging nababasa ang ating isip at puso.

Dhez. Lumingon si Dhez kay Azaleia. Pumikit ka at tanggapin ang ibinigay saiyo base sa iyong saloobin.

Pumikit si Dhez. Iisa lang ang nasa isip niya. Jonghyun mahal ko. Kung mamarapatin ikaw lang ang nais ko.

Kumidlat sa tapat nito at nahawi ang ulap. Napamaang ang lahat ng makita ang isang kulay itim na nilalang na tila natutulog. Nakapikit ito at nakalaylay ang balikat.

Kumumpas si Azaleia. Sumabog ang liwanag sa katawan nito.

Nagtago naman ang kambal sa likod ni Yonghwa.

Naramdaman ni Dhez ang pangyayari at bigla siyang dumilat.

Nagulat pa siya. Nakatitig sa kanya ang mata ng asawang matagal na niyang nais makasama.

Ngumiti si Jonghyun. Humakbang palapit sa kanya at niyakap siya.

Napatingin si Dhez kay Yonghwa at ngumiti sa kabila ng pagluha ng kanyang mga mata. Tumango naman ito.

Umihip ang isang anghel sa trumpeta at tinawag naman ni Azaleia si Yonghwa.

Humakbang siya papunta sa gitna.

Yumuko sa tapat ng kanyang guro.

Ibinibigay sayo ang nais ng iyong puso, Yonghwa. Nagagalak akong nakasama kita sa bahaging ito ng ulap. Pagkatapos niyon nagulat ang lahat ng isa isang malagas ang kanyang pakpak.

Umiyak ang kambal pero pinayapa sila ni Shinea.

Nang mawala na ang pakpak nito.

Nagpaalam na si Azaleia. Umihip muli ang anghel sa trumpeta at kumidlat.

Nawala si Azaleia sa harapan ng lahat. Nag bigay galang ang mga anghel kay Yonghwa sa pamamagitan ng pagyuko dito bago sila bumalik sa kanilang pwesto.

Lumapit naman sila Shinea kasama ang mga cherubim.

Ngumiti si Yonghwa sa kanila. Niyakap niya si Dhez at tinapik ang balikat ni Jonghyun. Niyakap din niya sila Shinea at ang mga cherubim.

Patnubayan ka nawa ng Espiritu leader. Nakangiting sabi ni Shinea.

O paano, ihahatid na kita. Nakangiting sabi ni Jonghyun.

Ibinukas nito ang puting pakpak at hinawi ang ulap. Hinawakan nito ang kamay ni Yonghwa at inilipad  na ito pabulusok sa lupa.

---------

Nasa hardin si Wendy.

Kanina pa siya naghihintay.

Bumalik ang lahat ng alaala niya kanina lang. Hindi niya alam king anung dahilan. Pero sa puso niya andun ang pag asa at naghintay siya.

Nainip ka ba mahal ko?

Ngumiti siya. Lumingon sa pinanggalingan ng tinig.

Yonghwa. Mabilis siyang humakbang palapit dito at niyakap ito. Mahal ko. Naluluhang sambit niya.

Niyakap siya ni Yonghwa  ng mahigpit. Ang tagal kitang hinintay Wendy. Mahal na mahal kita.

Mahal na mahal din kita. Madamdaming sabi nito.

Hinawakan niya ang mukha nito at hinalikan. Pumikit si Wendy. Gumanti ng halik dito.

Hindi na tayo magkakahiwalay.

Bulong ni Yonghwa dito.

Habangbuhay. Sagot naman ni Wendy.

Nakangiti naman sa di kalayuan si Jonghyun. Hindi siya nagkamali. Pareho sila ng pinahahalagahan ni Yonghwa.

Ibinukas niya ang pakpak at lumipad pataas. Naghihintay na ang mahal niya. Si Dhez.

            ----- the end  ------

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon