love will never lie -ll (my fairytale)

60 5 5
                                    

Naghanda ang lahat.

Pumwesto ang tatlong matapat na alagad sa kanilang hari.

Humarang naman si Serenity sa landas ni Jungshin.

Sa hudyat ni Lian, sumugod ang mga Arachnia. Mga itim na fairy na maihahalintulad sa mga bubuyog.

Ipinagtanggol ng mga kawal ang palasyo.

Sumugod si Heneral Injo at nakipaglaban sa hari. Madali naman itong nagapi ni Yonghwa. Bawat itim na fairy na nawawalan ng buhay, nagiging itim na usok.

Naglaban naman si Jungshin at Serenity. Nagulat si Serenity sa taglay nitong lakas.

Pagsalag niya sa espada nito ay tumilapon siya sa gilid at nakatulog.

Sumugod naman si Minhyuk upang ipagtanggol si prinsesa Chloe.

Humawak naman ng busong ang prinsesa at pinana ang kalaban.

Hindi nila napansin na nagsa gagamba si Lian at walang kilatis na nakalapit kay Chloe.

Nagulat pa ang lahat ng sumigaw ito.

Nakaluhod si Chloe at naka amba ang espada sa leeg nito.

Huwag! Sigaw ng hari.

Patigilin mo silang lahat. Kung hindi buhay ng prinsesa ang magiging kabayaran.

Itinaas ng hari ang kamay.

Tumigil ang lahat sa pakikipag laban.

Hinila ni Lian si Chloe sa gitna ng bulawagan habang pinapaikutan

naman siya nila Yonghwa ang tatlong alagad nito at ni Minhyuk.

Tinawag nito si Jungshin at iniabot ang espada sa kamay nito.

Inilapit nito ang talim sa may leeg ng prinsesa at agad itong dumugo.

Ngayon mamili ka Yonghwa.
Papakasalan mo ako o ang buhay ng prinsesa mo.

Yumuko si Yonghwa. Panalo ka Lian. Pumapayag na ako sa gusto mo.

Agad na ipinatawag ang Pantas na magkakasal sa kanila, habang naka amba pa rin ang talim ng espada sa leeg ni Chloe.

Pagkatapos ng dasal. Nagsaboy ng kamanyang at gintong pulbura ang Pantas. Tanda na pinag isang dibdib na niya ang dalawa.

Humalakhak si Lian.

Hindi ka pa rin nagtagumpay Lian.

Mahinang sabi ni Yonghwa.

Anung ibig mong sabihin?

Sa takdang oras iilaw ang mga marka. Nalimutan mo na ba ang propesiya?

Wala akong pakialam sa propesiya. Kahit umilaw pa siya kasal ka na sa akin!

Napangiti ng malungkot si Yonghwa.

Kasabay niyon tumugtog ang kampana hudyat ng pagdating ng itnakdang oras.

Para namang nabingi si Jungshin sa tunog. Nagsisigaw iyon tinatakpan ang tenga niya.

Aahhh Reyna Lian tulungan mo ako!

Tumahimik ka! Wala ka ng silbi sa akin, nasa akin na ang gusto ko.

Naawang napatingin si Yonghwa sa tagalupa. Alam niyang busilak ang kalooban niyon. Kundi lang kay Lian, hindi si Jungshin gagawa ng gulo sa Fay.

Ikinumpas niya ang kamay at nakatulog iyon.

Tumakbo naman si Minhyuk sa tabi ng prinsesa na nanghihina.

Our StoryWhere stories live. Discover now