the King and I - a fairy tale

46 5 2
                                    


Bata pa si Princess Chloe ay alam na niya na siya ang nakatakda para sa hari.

Pinalaki siyang ganun ang pagiisip.

Sinanay siya sa mga gawain na makakapagpasaya sa hari ng Fay Kingdom.

Sabay daw silang pinanganak ng hihiranging hari at kakaibang pangyayari dahil siya lang ang ipinanganak na fairy ng araw na iyon.

Noon lang nangyari ang ganun sa kaharian kayat nagdiriwang ang lahat.

Kapatid niya si Princess Serenity na nasa dulo ng kaharian nakatira.

Nakatakda sana itong maging tagapagmana ng korona subalit na inlove ito sa isang taga lupa.

Ngayon nga papunta si Princess Chloe sa kapatid para dalawin ito.

Tahimik ang paglalakbay nila ng may makita silang sugatang mga hayop aa parteng iyong ng gubat..

Naghanda ang lahat para protektahan ang prinsesa nila.

Isa kasing pagbabanta ito sa kanilang kaharian.

Biglang umulan ng palaso at lumabas ang mga fairy ng Archnia Kingdom .

Nagulat si Chloe. Ngayon lang niya nakita na ganun kagulo ang paligid niya.

Tinuruan siyang humawak ng palaso. Pero hindi siya bihasa dito.

May lumapit sa kinauupuan niyang karwahe.

Tumakas na kayo mahal na prinsesa.. May daan sa may kaliwa na diretso sa palasyo ng inyong kapatid..

Lumipad si Chloe at pumunta sa sinasabi ng kanyang bantay.

Pagbaba niya sa may kweba. Itinago niya ang mga pakpak.

Nagulat siya ng may humawak sa kamay niya at hinila siya palayo sa kaguluhan.

Bahagyang umaangat sa lupa ang kanilang mga paa kaya alam niyang fairy din ito. Marahil gamit nito ang pakpak kaya mabilis silang nakalayo.

Nang hindi na nila naririnig ang gulo, hinila ni Chloe ang kamay mula sa humihila sa kanya.

Magpakilala ka..
Hindi mo ba alam kung sino ako?

Mahinang tawa ang narinig ni Chloe. Narinig niya ang kaluskos ng papalapit na hakbang...

Nagtaas siya ng tingin pero lumuhod sa harap niya ang dumating..

Mahal na prinsesa. Ipagpaumanhin ninyo na hindi ako nagpakilala.

Tumayo ito at tumingin sa kanya.

Nagulat siya.

Nakangiti ang singkit na matang nakatingin sa kanya. At mas nagulat siya ng biglang bumilis ang pintig ng puso niya..


Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon