the King and I - a fairy tale l

44 6 6
                                    

Ahh... Ahh.. S sige.. Mabuti akala ko hindi mo ako kilala.

Pero paano ba tayo lalabas sa kagubatan na ito?

Ang pinaka ligtas para sa iyo ngayon ay ang palasyo ni Princess Serenity. Duon tayo pupunta.

Tumango si Chloe. Tama ang sinabi kasama niya.

Sandali.. Maari ko bang malaman ang pangalan mo?

Tiningnan siya nito at saglit na nag isip.

Minhyuk mahal na prinsesa. Isang taga pagbantay sa palasyo ng Fay Kingdom.

Nag bow pa ito .

Napalagay ang loob niya.

Mas mabuti siguro kung lilipad tayo para mabilis nating mararating ang palasyo ng kapatid ko..

Pero.. Makikita tayo agad ng mga kaaway kapag ganun..

Lalakad na lang tayo sa araw at susubukan kong gamitin ang mercury wings ko pag gabi para di tayo mapansin.

(a/n mercury wings un pakpak sa paa ng isang lalaking fairy)

Tumango si Chloe.  Kahit kailan hindi niya naisip na masasangkot sa gulo.

Nagbuntong hininga siya. Kailangan kong lakasan ang loob ko, naisip niya.

Mauna ka na, utos niya sa tagapag bantay niya. Mas matatag ang tinig niya kaysa kanina.

Lumakad na si Minhyuk pero lihim siyang napangiti, mukhang mas matapang na siya ngayon.

Mabuti iyon ng kailangan ng Fay Kingdom ay isang reyna na matapang.

Lumakad na sila at tinungo ang landas papunta sa Palasyo ng Buwan, ang palasyo ni princess Serenity.

Our StoryWhere stories live. Discover now