love will never lie - l (my fairytale

42 5 1
                                    

Nagsimulang magbiyahe si Jungshin at sinunod ang bilin ni Prinsesa Serenity. Alam niya kakayanin niya ang paglalakbay.

Bago sumapit ang asul na buwan, nakarating siya sa Palasyo ng Buwan.

Tuwang tuwa ang prinsesa. Pati ang mga nsasakupan ng palasyo at nagdiwang. Pumasa si Jungshin sa pagsubok.

Ipinaalam sa kaharian ang pagdating ni Jungshin. Ipinagbigay alam din dito na nakapasa ito sa pagsubok na ibinigay ng prinsesa.

Nagpadala siya ng mensahe na ipakilala si Jungshin , sa kaharian at dinala ito ng prinsesa.

Pumunta si prinsesa Serenity sa bulwagan ng mga pantas at ihinarap si Jungshin sa Hari.

Nakamaskara ang hari dahil hindi ito maaaring makita hanggat hindi pa ito nakakasal.

Sumumpa si Jungshin ng katapatan sa kaharian. Gayundin ng kadalisayan sa pagibig ng prinsesa.

Isa lang ang hiningi ng hari ang magdala ito ng baboy ramo na makikita sa kagubatan.

Binigyan ito ng busong at palaso.

Bago umalis si Jungshin may ibinigay na kwintas ang prinsesa.

Poprotektahan ka nito aking mahal. Huwag mo lang kakalimutan ang pangalan ko. Isang tawag mo lang agad akong dadating para tulungan ka.


Ginawaran ni Jungshin ng halik ang noo ng prinsesa tanda ng paggalang at pagsang ayon.

Pagkatapos nun pumasok siya sa kagubatan para manghuli ng baboy damo.

Subalit mula ng umalis ito, hindi na ito nakita. Hindi man lang nito natawag ang pangalan ng prinsesa kayat inisip ng lahat na namatay na ito.

Pero hindi si Serenity. Ang kwintas ni Jungshin ay kakambal ng kanya. Kung namatay ito dapat pumula ang kwintas niya. Basta bigla na lang itong naglaho. Maaari lang ito mawala sa kanilang radar kung tatawid ito sa isang malawak na dagat at pupunta sa ibang lupain.

Lungkot na lungkot ang prinsesa ng isipin niyang baka ganun ang nangyari. Mula nuon hindi na ito nakitang lumabas ng kaharian.

Wala ring sinuman ang basta nakalalapit sa palasyo ng buwan maliban sa mga taga rito. Bawat dayong maligaw ang nakakalimot dahil sa sumpa ng prinsesa.

Nabawasan lang ang kanyang lungkot at pagkamuhi sa mga estranghero mula ng isinilang si prinsesa Chloe.

Ang nakatakdang pakasalan ng hari ng Fay.

Our StoryWhere stories live. Discover now