Burning Angel lll

65 5 1
                                    


Pagtapak ng paa niya sa lupa,nagbagong bihis si Yonghwa.

Kung sa langit ay purong puti ang suot niya,para naman siyang

namatayan sa suot niyang itim na leather jacket,blackskinny pants

at Nike air.

Rakistang rakista siya. Dapat lang siya kasi ang tanyag na si

Jung Yonghwa kapag nasa lupa siya.

Saktong sa garahe niya ang bagsak niya at kaagad siyang sumakay sa kotse niya.

Umilaw ang dashboard niya, parang online GPS na nag ta track kung saan nanduon

si Britney. Medyo mabilis ang maliit na dot sa dashboard niya kaya alamniyang tumatakbo

iyon.

Pinaharurot niya ang kotse.Para siyang naka warpspeed dahil in a matter of seconds

nanduon na siya sa lugar kung saan malapit si britney.

Bumaba siya ng kotse.

"Help! tulungan nyo kami."

Napalingon siya sa boses na narinig. Tumakbo siya sa pinanggagalingan niyon.

Isang babae na may lampas balikat ha buhok ang nakita niyang nakatunghay sa

alaga niya. Nakahiga si Britney sa semento pero humihingapa ito.

Napa sign of the cross siya. Nagmamadaling lumapit sa dalawa.

Tiningnan niya ang vital signs nito.

"Anung nangyari? Bakit nandito kayo?"

'May malalaking aso na humahabol sa kanya. Hindi ko alam kung saan nanggaling." Sagot ng babae.

Binuhat niya si Britney.May sugat sa paa ang bata at isang tingin palang alam na niya na hindi

ordinaryong aso ang kumagat dito. Napa tiim bagang siya.

Ihiniga niya si Britney sa likod ng kotse niya at hinayaang sumakay ang babae sa tabi nito.

"Dalhin natin siya sa ospital."

"Hindi na kailangan," mahinahong sagot niya. Kanina ng tiningnan niya ang vital signs nito

ginamot na rin niya ang sugat nito.

"Doktor ako, I'll just bring her home."

Hindi na kumibo ang babae. Malapit lang ang bahay nila Britney sa lugar kaya madali nilang narating ang bahay nito.

"Yong,ikaw ba yan?" Lola ni Britney ang nagsalita.

"Ako nga po. Huwag kayong mag alala, Ayos lang si Britney."

Tumango ang lola ni Britney. Kilala siya nito dahil madalas siyang pumupunta dito mula pa nuong isinilang ang bata. Nakatakda itong maging susunod na Margaret Thatcher kaya siya

ang naatasang magbantay dito.

Bulag ang lola nito at sabay namang namatay ang magulang sa isang aksidente.

Nang masigurong maayos na ang bata,nagpaalam na siya, Tahimik naman ang babaeng kasama niya.

Nang makalabas na sila ng bahay, tumingala siya sa langit at umusal ng tahimik na dalangin.

' ah, aalis na ako.Ayos na naman pala siya,"

Narinig niyang paalam ng babae.Tsaka lang siya tumingin dito. Nakayuko ang babae.

"Ihahatid na kita miss,saan ka ba nakatira?" pagmamagandang loob niya.

Nagtaas ito ng mukha at ngumiti

Our StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora