love will never lie (my fairytale)

72 5 4
                                    

Siya si Princess Serenity. Mabait at masayahing fairy.

Panganay na anak sa Palasyo ng Buwan.

Maalaga sa mga halaman at hayop na nasasakop ng kanilang lupain sa kaharian ng Fay.

Para makita mo ang kanilang kaharian, kailangan mong lakabayin ang Sierra Madre. Hanggang marating ang hangganan. Sa kabilugan ng asul na buwan, may nagbubukas na daan. Akala mo isang simpleng talon, pero paglagpas mo sa agos ng tubig makikita mo ang isang kweba papunta sa lugar ng mga fairy.

Ito ang kaharian ng Fay. Pinamumunuan ng gwapo at matikas na hari na nagngangalang Yonghwa. Maganda ang boses nito at kapag narinig mo daw hindi ka na makakabalik pa sa pinanggalingan mo dahil mahahalina ka na sa lamyos ng boses niya .

(a/n : lakas mka JYHeffect)

At kapag tumagal ka ng isang taon sa kaharian niya liliit ka magiging legal na miyembro ng kaharian nila.

Mayruong isang binata na galing pa sa malayong bayan ng Soul. May hinahanap siya.

Gabi gabi kasi may nakikita siyang magandang dalaga na bumibisita sa hardin niya.

----

Mahilig siya sa halaman at hayop. Para sa kanya walang maliit o malaki at ang bawat isa ay may importansiya sa kalikasan.

Siya ang rakistang si Jungshin.

Kakaiba sa napili niyang propesyon, nature lover siya. Malinis ang puso at hindi Nakikisama sa nga kaibigan nya sa anumang maling gawi.

Kaya siguro naaaliw sa kanya ang prinsesa ng palasyo ng Buwan. Gabi gabi itong dumadalaw sa hardin ni Jungshin. Pinalalago ang magandang halaman dito.

Ang hindi niya alam, isang beses nakita siya nito.

Kasinlaki lamang ng isang bata ang karaniwang fairy mula sa Fay kapag wala sila sa kaharian nila.

Natutuwa itong pagmasdan siya tuwing dadalaw sa hardin.

Minsan sumayaw siya sa ilalim ng asul na buwan at lumiwanag ang buong hardin.

Bumaba si Jungshin para tingnan siya sa malapitan at nabighani siya sa ganda ng prinsesa.

Ang maamong mga mata naman nito at busilak na puso ang naka sungkit ng oo ni Serenity.

----

Itinuro niya ang daan papunta sa kaharian upang padaanin sa isang pagsubok si Jungshin. Kung papasa ito, itatakda ang kasal nila sa susunod na asul na buwan.

Tumango si Jungshin. At bumalik na  si Serenity sa palasyo.

Kapwa umaasa ang puso nila.

Sa susunod na asul na buwan, nakasalalay sa lakas ng loob at busilak ng puso ng binata kung magkakatotoo ang hiling nila.

Our StoryWhere stories live. Discover now