Chapter 20

186 18 5
                                    

Art Like Scars

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Art Like Scars

•••

Matapos kong malaman ang patungkol kay Jean ay hindi ako makatulog nang maayos sa gabi. Pilit kong iniisip kung paano ang sitwasyon n'ya tuwing uuwi s'ya, paulit-ulit ko rin iniisip kung ano man lang ba ang magagawa ko?

Wala ba akong magagawa?

Ngayong araw ng tree planting ng section namin ay laking gulat ko nang makita ko siua na dumalo. Ang sabi n'ya kasi ay hindi s'ya papayagan, pero heto s'ya ngayon at maaga pang dumating sa eskwela kung saan kami magtitipon munang magkakaklase bago magtungo sa Hardin ng San Jose.

Buti na lang ay wala naman kaming kaklase na nagpahuli kaya maaga rin kaming nakumpleto, kasunod no'n ay sumakay na rin kami sa bus na magdadalas sa'min sa pagtataniman ng puno. Isang oras at kalahati rin daw kasi ang biyahe papunta roon.

Nauna si Jean na pumasok sa bus, sa unahan ito pumwesto, sa may tabi ng bintana. Agad akong tumabi rito.

Ngumiti s'ya ng pilit sa'kin bilang pagbati, napalunok naman ako. Sa sitwasyon kasi ngayon, nag-aalangan ako kung paano ko s'ya kakausapin.

Napakamot ako sa batok ko. "Akala ko, hindi ka makakadalo?" 

Nagkibit-balikat s'ya. "Akala ko rin," sagot n'ya. Sa tono ngayon ni Jean, sa ekspresyon n'ya, o sa lahat, aakalain lang ng isa na ayos lang s'ya—na wala s'yang iniindang kahit ano. 

Hindi ko alam kung paano n'ya kinakayang itago ang sitwasyon n'ya. 

Ang pinaka nakakalungkot pa sa lahat ay si Jean ang nag-iisip na may mali sa kan'ya. Siya pa ang natatakot, siya pa ang nagdadala ng kawalanghiyaan ng amain n'ya. 

Para sa mga taong gumagawa ng masama, napakadali lang sa kanila na gumising sa araw-araw, abusuhin ang iba, matulog nang mahimbing, at gumising ulit para gawin ang kawalanghiyaan nila. Siguro wala na silang kaluluwa, wala na sigurong kaluluwa ang mga magulang ni Jean.

Tahimik kaming dalawa sa biyahe, nakikinig kasi s'ya ng musika sa walkman n'ya. Tinanggal nito ang isa sa pares ng earphones n'ya, at inabot iyon sa'kin. Tinatanong ako kung gusto kong makinig. Sumagot na lang ako sa pamamagitan ng pagkuha ng isang sa pares ng earphones n'ya, at isinuot iyon.

Nagpakalunod na lamang ako sa kanta kahit hindi ko alam kung anong banda ang tumutugtog, o anong kanta ba ang pinapakinggan namin. Sa ganitong paraan, nakakuha ako kahit kaunti ng kapayapaan sa pag-iisip, sa musika, natahimik ang ingay sa paligid at sa loob ko.

••

Nang bumungad sa'kin ang Hardin ng San Jose ay namangha na lamang ako. Totoo nga ang sinabi ni Jean, maganda ang lugar na ito, at masarap ang simoy ng hangin sa dami ng iba't ibang uri ng mga nakatanim dito.

Napaka-ayos ng pagitan ng bawat puno, at sa isang bahagi pa ng lugar ay parang sumasayaw ang mga damo. Bahagyang napa-awang ang bibig ko at lumilinga-linga habang patungo kami sa lugar kung saan kami magtatanim ng mga puno. Nakalimutan ko na ngang makinig sa tao sa harapan habang nagsasalita ito patungkol sa Hardin ng San Jose. 

Art Like ScarsWhere stories live. Discover now