Chapter 1

1.3K 50 19
                                    

Art Like Scars

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Art Like Scars

•••

Kumaway ako sa iba kong kaklase at ibang ka-eskwela na may ngiti sa'king labi, tila nagpapaalam na rin ang mga ito sa'kin. Tumalikod na rin ako at dahan-dahan ang bawat yapak paalis ng eskwela, magaan lang ang pakiramdam ko dahil ordinaryo lang naman ang araw na 'to.

Ang kulay kahel na liwanag mula sa palubog na araw ang kasama ko habang ako ay naglalakad pauwi. Ang uri ng sinag ng araw na mayroon ngayon ay ang paborito ko dahil hindi ito gaanong mainit sa balat, at hindi ito ubod na nakasisilaw tignan. Masarap din ang ihip ng hangin dahil maraming puno sa lugar na aking dinaraanan. Ganito naman talaga sa probinsya, matututo kang mahalin ang mga simpleng bagay.

Habang patuloy na lumalakad ay luminga-linga ako sa paligid-sa probinsyang binalikan ng pamilya ko pagkatapos din ng ilang taon na namalagi kami sa Maynila. Napagtanto ko na talagang para sa akin ang mga natatanaw kong bukid, ang mapayapa at hindi mataong kalsada, at ang uri ng hangin na makukuha mo lang sa probinsya. Hindi ko naman sinasabi na hindi maganda sa Maynila, pero kung ako ang tatanungin, mas higit ko na pipiliin ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Magkaiba ang Dumangan at Maynila sa iilang aspeto, tulad ng akala ko pagkatapos ng ilang taon ay marami na akong makikita na pagbabago rito pagbalik ko, ngunit nakakatuwang isipin na ang probinsyang kinagisnan ko ay tanging ganoon pa rin; mapayapa, tahimik, at malaya.

Sa Maynila kung saan ang ibang lugar ay mukhang hindi na natutulog dahil tanging mabilis ang mga pangyayari roon, na kahit mismong ang mga tao ay hindi na rin makahabol.

Komportable para sa akin isipin na hindi ako napag-iwanan ng probinsyang ito kung saan ako lumaki. Kahit na ilang buwan pa lamang simula noong bumalik kami rito ay hindi ko naramdaman ang hirap ng makibagay sa iba na ginawa namin noong lumipat kami ng Maynila.

Natutuwa akong pumayag na bumalik ng mga magulang ko kaming tatlo rito pagkatapos ang anim na taon. Luminsan kasi kami noong patungtong na ako ng ika-apat na baitang sa elementarya, at bumalik kami ngayong nasa ika-apat na taon na ako ng sekondarya, o high school. Nang makatapos na kasi ang ate ko sa kolehiyo roon, may maganda na ring trabaho at tumitira sa may maliit na bahay na naipundar nila Itay, ay tinanong nila ako kung saan ko gustong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Lalo na't kung saan ko gustong mag kolehiyo. Agad kong sinagot na gusto kong bumalik ng Dumangan, dito ko gustong magtapos ng pag-aaral, at kung maaari ay makahanap ng trabaho. Hindi man madali ang paghahanap ng trabaho rito na may mataas na sahod, ang gusto ko lang naman ay simpleng buhay.

Alam ko na mas maraming oportunidad sa Maynila, pero may parte sa akin na nagsasabing hindi ako para doon; wala ang kasiyahan ko roon.

Mabuti na lamang nang makabalik ako rito ay naalala pa rin ako ng mga kaibigan at kakilala ko noon. Hanggang ngayon ay kinakausap ko pa rin sila, at kaibigan pa rin ang turingan namin sa isa't isa. Katulad na lamang ni Earl na pinakamalapit kong kaibigan noong elementarya, hindi n'ya ako nakalimutan kahit pa matagal tagal akong lumisan, at matagal tagal din kaming walang komunikasyon sa isa't isa. Noong umalis kasi kami rito ay hindi ko naman nakuha ang numero ng telepono nila.

Art Like ScarsWhere stories live. Discover now