"Sige. Aalis na.."

She cut me off. With her now serious face, she asks a question. "Are you happy ruining other people's relationship?"

Nanigas ako sa kinatatayuan sa sinabi niya. Hindi ko ugaling makipag-plastikan pero ngayon... "A-anong sinasabi mo?"

She gave me a sarcastic smile. "Addison left me because he has to court you," she said it direct to the point. "Yes, Chariessa, niligawan ka niya dahil nautusan lang siya. You don't look shock at all. So I guess, alam mo na?"

I tried to hold my tears so I won't give her the satisfaction of seeing me in this state. Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin iyon? Hindi pa ba sapat na siya ang mahal? Hindi pa ba sapat na ano mang oras ngayon ay babalik na sa kanya si Addison? Na hindi na nila kailangan pang makipagplastikan sa harap ko at ipakita na magkaibigan lang sila.

"You know what's wrong with you? Nagpapakipot ka pero ang totoo ay way mo iyon para landiin ang ibang tao." My jaw dropped with what she has said. She tilted her head to the other side and crossed her arms in front of her chest. "Kunwari mabait, kunwari umiiwas, kunwari walang pakielam. Come on, do you really have to ask your parents to ask Addison to court you? Bakit? Kasi hindi ka niya pinapansin? Kasi isa siya sa mga taong hindi mo makuha gamit ang pagpapabebe mo?"

A palm met her face. Malakas at hindi inaasahan. Nanatili ako sa kinatatayuan habang nakahawak sa sandalan ng upuan. I can't stand on my own as my knees are shaking. With so much anger and frustration.

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga binibintang niya. I did not flirt with anyone and I did not ask my parents to do it. Bakit ko naman gagawin iyon? NI hindi ko nga kilala si Addison in the first place. 

"Ang kapal ng mukha mo," sigaw ni Kathy sa mukha niya matapos lumapat ng palad nito kay Shaina. "Ang kapal kapal ng mukha mo." My friend's face reddened in anger. Hindi ko siya mapigilan dahil hinang-hina ako.

"Anong meron dito?" 

Tuluyan ng tumulo ang mga luhang pinipigilan kong lumabas nang lumapit si Addison sa amin. It made me confirm something. Magkasama sila dapat ngayon. Shai's waiting for him that's why she was so sure earlier that we're not together.

Lumapit si Addison sa akin at sinubukang hawakan ako pero agad akong umatras. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Damn you," I whispered. 

"Anong nangyari?" Nang hindi ako sumagot ay tumingin siya kay Kathy at Shaina. None of them answered so he turned to me again. "Bakit ka umiiyak?" He doesn't sound angry at all. His voice is soft and warm.

"Sabihin mo dito sa baliw mong ex," Kathy pointed Shai, "na hindi inutusan ni Charies ang parents niya na pilitin kang ligawan siya. Come on, bakit niya naman gagawin iyon? Una palang hindi naman siya interesado sa buhay ng iba."

Umigting ang panga ng lalaking kaharap ko. Then next, he looks nervous. Pero pinilit niyang tignan ang mga mata ko ng diretso.

"Iyon ba ang rason kaya mo ako iniiwasan?" Nanginginig ang boses na tanong niya. "Charies..."

"Shut it up," mahina pero mariing sambit ko habang masama ang tingin sa kanya. "I'm sorry for dragging you into this mess. Pero hindi ako proyekto na kailangan mong ayusin o buo-in. Tao ako, Addi, may isip at feelings."

"Charies, it's not that--"

"Pwede ka ng bumalik sa kanya. Pasensya na kung nasira ko kayong dalawa."

"Anong sinasabi mo?" Patay-malisyang tanong niya. "Kami ni Shai? Come on, Charies, misunderstanding lang lahat ng ito. Shai, sabihin mo sa kanya na--"

"Sinabi niya na. Nasabi niya na lahat," pagputol ko sa sasabihin niya.

Nanlaki ang mga mata niya at naguguluhang nagpalipag-lipat ang tingin sa amin ni Shaina. Hindi ko makita ang reaksyon ni Shai pero alam kong nagdidiwang na siya ngayon.

"Iniwan mo siya para sundin ang parents ko." I sighed harshly. "Malinaw na sa akin lahat. You don't owe me an explanation and I want to tell you that I understand." Tumitig ako sa mga mata niya, sa mga mata ng taong una kong minahal habang tinutusok ang puso ko. "I'm sorry for disturbing your life. I'm sorry for ruining your love life. I'm sorry..."

"Charies," umiling-iling siya. May gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano isasalita. He's probably guilty for hurting me. I know. He's a good person. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko alam ko at naniniwala akong mabuti siyang tao.

Pare-pareho kaming biktima ng sitwasyon.

"Thank you for the memories but I am ending this shit now. Have a good life."

I manage to run away from that restaurant and thank God I didn't stumble on the way. Sumunod sa akin si Kathy at ngayon ay pareho kaming nasa bahay, hindi na nakapasok sa aming afternoon class.

Tinatawagan ako ni Addison pero pinatay ko na ang phone. Nakakulong ako sa kwarto habang si Kathy ay bumili ng makakain namin. Wala akong gana. Tulala lang ako sa bintana habang umaasa na sana panaginip nalang lahat ng ito.

Hindi matigil ang luha ko sa pagtulo mula pa kaninang dumating kami. Pagod na rin akong punasan ito pero ayaw talagang magpatalo. My heart is bleeding and I know the pain is too much already. Gusto ko nalang matapos na itong phase ng buhay ko na ito.

Nang maghapon na at makauwi na si Kathy ay dumating si Addison. Our eyes met but it just hurts even more seeing him around.

"Charies, magpapaliwanag ako," aniya sa labas ng gate namin. "Kahit sandali lang. Gusto ko lang linawin lahat. Chariessa, please..."

"Gustohin ko mang makinig..." Umiling-iling ako. "Hindi kita kayang makita o marinig sa ngayon."

"Charies," pagmakakaawa niya.

"Please do me a favor." Huminga ako ng malalim. "Kung may halaga sayo kahit paano ang pinagsamahan natin, don't disturb me anymore."

Tumalikod ako at pumasok na sa loob ng bahay. He called my name but I didn't look back. Nakakuyom ang kamao habang tila hinihiwa sa sakit ang puso ko. This is just too much. Ito yung parte ng pagmamahal na ayaw ko. Yung titigil ang mundo mo sa isang tao. Yung bigla nalang darating sa punto na mare-realize mong sobra-sobra ka palang naging dependent sa tao na hindi mo na alam kung paano mabuhay ng mag-isa.

Nagtiwala ako. I didn't know there's such twist.

The following days he didn't approach me. Aaminin kong kinaginhawa ko iyon kahit papaano pero nandoon pa rin yung sakit. Nandoon pa rin yung pangungulila at hindi ko alam kung kailan matatapos ang lahat ng ito.

It's the another weekend. Magkakaharap kami nila Mommy sa hapag at walang nagsasalita. Pakiramdam ko ay gusto nila akong kausapin tungkol sa isang bagay na hindi ko gustong marinig sa ngayon. Ayos na kami ng parents ko pero hindi pa namin muling nagpag-usapan ang tungkol sa recent heartbreak ko.

"May farm ang Tito Kevin mo na malapit lang dito," Dad started. "Gusto mo bang mag-stay muna roon this weekend?"

Tinignan ko siya at saka nagkibit-balikat. "It's fine with me."

Wala ako sa mood na lumabas, hindi ako na-e-excite sa kahit anong bagay ngayon. But if they really want to stay there for the weekend, it's fine. After all wala rin naman akong gagawin. Magkukulong lang ako sa kwarto at iisipin kung gaano ako nagmukhang katawa-tawa sa harap ng mga taong nakakaalam ng nangyari.

After breakfast, pinag-ayos na ako nina Mommy ng mga gamit na dadalhin ko for the overnight stay. At pagkatapos ay dumiretso na kami agad sa sasakyan upang magtungo sa farm na tinutuloy ni Dad.

I was just looking outside the window the whole time. Medyo gumaan ang pakiramdam ko kahit paano habang nada-divert ang atensyon sa mga nakikita sa labas ng bintana.

Maybe it's not yet my time to be happy. Maybe this is the heartbreak that I needed in order to learn things, in order to make me feel ready for what's coming.

"Nandito na tayo," anunsyo ni Daddy na nagpabalik sa akin sa ulirat.

I looked at the place where our car stopped. Napangiti ako kahit papaano. The place is peaceful, just what I needed right now.

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now