Seven

411 23 0
                                    

Damn. Damn. Damn.

Nagma-martsa akong paikot-ikot sa loob ng kwarto. Bakit ba hindi na ako tinigilan ng pamemeste ng lalaking iyon? And now he's dragging me on a big project. Maybe he's doing this on purpose. Baka talagang gusto niya akong asarin kaya kunwari ay gusto niya akong kasama. There's no way he wanted me to be part of this. Alam niyang wala naman akong maitutulong sa kanya.

"Oh, Charies, hindi ka raw nagpasundo?" Pumasok si Mommy sa kwarto ko at umupo sa kama habang ako ay nanatiling nakatayo habang kagat-kagat ang hinlalaki. My cheeks are burning in anger.

"Maaga kasi natapos ang class namin kanina kaya nag-taxi nalang ako."

Lie.

Hindi na ako bumalik sa classroom kanina dahil wala na ako sa mood. At isa pa, nag-commute talaga ako para hindi makita ang Addison na iyon. How dare drag me into such thing without asking for my permission first? Not that I'll agree if he did pero kahit na.

Pinatay ko ang phone para hindi maka-receive ng tawag o mensahe kahit na kanino. For sure, my friends will ask me where the hell I am and why I ditch the last class. 

Hindi ako nakapag-alarm kaya late na ako nagising. It's already nine in the morning when I go downstairs. Pa-kanta kanta ako habang bumababa. Maganda ang mood ko ngayon dahil kahit papaano ay nakuha ko ang gusto kong tagal ng pagtulog. Great. I think I should wake up like this on weekends often.

"Chariessa," dinig kong tawag ni Daddy. 

I gracefully run to him and kissed his cheeks. Maglalakad na sana ako palapit kay Mommy nang mapansin ko ang isa pa nilang kasama.

Sitting in one of our chairs is the ever great crazy human in the world. Addison Mariano is looking at me with a serious emotion plastered on his face. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang naiwas. He should be. Dapat lang na mahiya siya sa dami ng kasalanan niya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Mom tapped my shoulders, stopping me for my rude behavior. 

"May gagawin daw kayong project, anak," Mom says. "Nabanggit ni Addison na ang principal pa ang nag-assign nito para sa inyong dalawa." She's happy, I can sense it from her voice. Madi-disappoint ba siya kapag sinabi kong para kay Addison lang naman dapat iyon at hinila niya lang ako sa sitwasyon na ito?

But what the heck!?

"Seriously? What's wrong with you?" Singhal ko nang makaalis ang sasakyan nila Mommy. Dalawa nalang kami ngayon sa may sala ng bahay namin. He's sitting at the couch while holding a pen and notebook and I'm standing beside him.

Tumingala siya sa akin bago ibinalik muli ang atensyon sa sinusulat niya. "Maupo ka na at magsimula na tayo."

I scoffed. Nate-tempt akong sabunutan siya para masaktan at matauhan man lang sa ginagawa niyang panggugulo sa akin but I'm better than that. I wouldn't resort to violence. 

"Tell me, ano bang mapapala ko kapag tinulungan kita, huh?" Umupo ako sa solo couch malapit sa pwesto niya.

"Ililibre kita." I gave him death glares. Nang mapansin ang tingin ko ay humalakhak siya na parang natutuwang nakikita akong naiinis. "Ayaw mo nun, mapapasaya mo ang buong batch natin including the principal kapag nagawa natin ito ng maayos."

Mas lalo akong ngumuso. "They aren't even nice to me," I murmured. 

Hindi ako sigurado kung narinig niya pero sumeryoso ang mukha niya. He did not ask though. 

"Let's gather photos and videos first. Tignan natin kung may mga masasayang eksena na pwedeng isali dito," pagsasalita niya habang nagsusulat sa notebook. He looks really serious and attentive to the project. "May suggestion ka ba?" He glanced at me.

Love Trap (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt