Six

417 25 0
                                    

Nabibingi ako sa ingay nila habang sinasabayan ang kanta na tumutugtog sa speaker ng sasakyan. Pero sa kabila non, may bahagi sa aking natutuwa. I mean, duh, not every girl can experience what I am experiencing right now. 

In a car, with the three out of four school band members, hearing them singing this close. Hindi ako fan pero nagagalingan ako sa kanila.

"Wait," humarap ako sa dalawang nasa back seat ng sasakyan. "Saan ba tayo pupunta?"

"Hindi sinabi ni Addison?" Wilson asked. Gusto kong sumagot ng 'Obviously' pero walang lugar ang pagtataray ko dahil wala akong kakampi rito. 

Hindi ko lang din maiwasan ang hindi pagtataray kaya nga wala akong kaibigang lalaki at kakaunti lang din ang kaibigan kong babae. Nasanay rin kasi akong walang nag-a-approach sa akin. I'm not used to being friendly.

"I get it," Seth leaned forward. "Sapilitan siguro pagsama mo, ano?" Tumawa siya pagkatapos ay pabirong sinapak si Addison. "Wala ka pala brad, eh."

Addi didn't answer. Umiling lang siya saka nagpatuloy sa pagd-drive. Sa huli ay walang sumagot sa tanong ko. They were all wearing a round neck shirt in different brands. May mga dala silang bagpack ay may gitara din akong napansin. Tutugtog ba sila?

Pumasok ang sasakyan sa kulay green na gate. Kulay green din ang concrete walls na naka-palibot. I can see from here the trees inside. Hindi naman kami lumayo pero hindi ako familiar sa place na ito. Pasimple kong tinitignan kung may makikita akong name nung place pero wala. Medyo mahaba pa ang daan papasok pero sa dami ng mga halaman ay medyo naaaliw ako.

The car stopped in front of a mini gate. May mga naka-park din na sasakyan doon kaya baka ito ang parking lot nila?

"Nandito na tayo," anunsyo ni Addison saka tinanggal ang seat belt niya. Nagmamadali siyang bumaba na hindi ko nalang pinasin pa. I slowly removed my belts, too.

Nagtatawanan sa likod ang dalawang kasama namin pero hindi ako sure kung ano bang pinag-uusapan nila. Addison, on the other hand, opened the door on my side.

Nakangiti siya habang nakaabang ang kamay na abutin ko. I raised a brow before going down without his help. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay at maya-maya ay nagkamot nalang ng ulo.

Pagkapasok palang ay alam ko na agad kung anong meron dito. It's a resort. Madaming nagkalat na bata na nakasuot ng pang-swimming at ang ilan ay may salbabida pa.

"Are we going to swim?" Pasimpleng bulong ko kay Addison. Hindi naman ako aware. Wala rin akong dala na extrang damit.

"Bakit?" Lumingon siya sa akin. "Gusto mo mag-swimming?"

"No," sagot ko agad. "Pero bakit tayo nandito?" And then something popped up on my mind. "Don't tell me mag-iinuman kayo at ako ang gagawin mong driver? I'm telling you, hindi ako marunong mag-drive."

Natatawa niya akong tinignan. "Pfftt..." He tried holding it but he can't. Tumawa siya ng malakas. My cheeks blushed when I saw some people looking at our direction. Siniko ko siya at medyo hininaan niya naman pero natatawa pa rin ang loko.

"Masyado ka talagang malalim mag-isip, ano?" Bulong niya na medyo natatawa pa rin.

"Isang tawa pa mag-co-commute na ako pabalik," banta ko. He pressed his lips but his eyes looked at me in amusement.

"Okay, Ma'am!" Nag-salute pa ang loko.

I find myself smiling with that gesture. Ang weird.

Pumasok kami sa parang hall na medyo maliit lang naman. Nag-se-set up sila ng mga design doon at base sa mga ginagawa ay parang birthday yata?

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now