Ten

344 21 0
                                    

Tears started to fall on my cheeks...

It was dark everywhere, my mind and the room literally. Muli kong sinilip ang phone ko. It's almost an hour. No, hindi pwedeng wala akong gawin. Nanghihina man ay muli akong tumayo saka kumatok sa pinto.

"May tao ba diyan?" My voice shivered. Bukod sa malamig dito ay talagang natatakot na ako. What if I'll stay here overnight?

Nawawalan na ako ng pag-asa pero pinilit ko pa ring maghanap ng way para makalabas. I checked my phone again. Hope filled my system when one of my messages got sent. To Addi.

Maybe he's coming now, right?

Kumalabog ang dibdib ko nang may marinig na ingay sa labas. Someone's outside the room. Kumatok ako saka tinanong kung sino iyon pero walang sumagot.

"Addi? Ikaw ba iyan?" At some point I got nervous. Paano kung hindi naman pala ako tutulungan nung nasa labas? Or worse... what if he or she will do something bad to me?

Umatras ako at nag-isip ng gagawin. Kung lalapit siya-- shit!

Bumukas ang pinto at pumasok yung... wait... babae?

"What the fvck are you still doing?" The voice is familiar. She held my wrist and pulled me outside. Doon ko lang naaninag kung sino iyon.

It's the least person I am expecting to help me right now.

Rina's eyes narrowed, slightly checking if I'm fine. Hindi siya nagtanong pero alam kong nakahinga siya ng maluwag nang makitang ayos lang ako.

"T-thanks," I said, almost out of breathe.

She raise her right brow at me before rolling her eyes. "Tawagan mo na ang driver mo at ng makauwi na ako."

Sabay kaming naglakad pababa ni Rina. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Addison na lakad-takbo ang ginagawa palapit sa amin. Rina started walking the other way. Hindi ko na siya tinawag dahil namataan ko na ang sasakyan niya sa 'di kalayuan. The gratitude I have sent to her isn't enough. She just saved me.

"Anong nangyari? Ayos ka lang?" Addi checked my face, my arms, back, and whatever. Binalik niya ang palad sa pisngi ko.

"I'm--" Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin. Nanginginig ang katawan niya at alam kong ang weird pero masaya akong malaman na may nag-aalala ng ganito sa akin bukod sa mga magulang at kaibigan ko.

Humiwalay lang siya nang mag-ring ang phone ko. Kathy's calling. Na-receive niya na marahil ang message ko. Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari habang pauwi kami ni Addison. I skipped the part of Rina helping me. She doesn't want anyone to know it, for sure. But I'll make sure to help her, too, in anyway I can.

"Huwag ka na munang pumasok bukas at magpahinga ka. I'll check the mastermind of this."

I nodded like a servant. Pero hindi ako mangangako. I'm not the type of person na mag-i-stay sa kwarto at mag-skip ng class. I'd rather skip class and go somewhere... not in my room.

"Thank you," mahina at kalmadong sambit ko bago bumaba ng taxi.

Sa gate palang ay sinalubong na ako ng nag-aalalang mga magulang. Dad hugged me tight as if he's scared to death. Unshed tears from Mom's eyes broke my heart. Ayokong nag-aalala sila ng ganito sa akin.

"Darling, drink this milk."

Nasa kwarto ko kami ngayon. Dad's sitting beside me. Si Mommy naman ay kaaakyat lang at may dalang gatas.

"Sino ang may gawa non, Charies?"

May ideya na ako pero ayokong mag-conclude. Ayaw ko na rin sanang palakihin pa pero batid ko ring hindi basta-basta titigilan nila Daddy ang pangyayaring ito. I caused them again another problem. Hindi pa nga naaayos ang problema sa agency ay heto na naman ako at nagdadala ng panibago.

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now