Fourteen

309 17 7
                                    

Greeny grass, clean environment, tall trees, some benches made of wood... Napaka-relaxing ng vibe na binibigay ng lugar. Pinapanood ko si Addison na abala sa pag-papalipad ng drone hindi kalayuan sa pwesto ko. He looks happy. Alam ko na tinanggap niya ang project na ito hindi lang dahil nahihiya siyang tumanggi kundi mahilig siya sa pagkuha ng mga larawan at videos. 

Nabanggit niya sa akin na gusto niyang maging journalist. I'm not sure if he'd pursue that since engineering ang kukunin niya sa college.

"Anong mas magandang angle ng pagkuha ng video?" Lumapit siya sa akin at may pina-panood na video sa akin. Hindi siya propesyonal pero may talento talaga siya.

"Mas okay yung mula rito sa baba tas biglang tataas yung camera para ipakita yung buong view," suhestiyon ko.

Hindi ko napigilang hindi siya kuhanan ng larawan habang busy siya sa ginagawa. Mula rito ay naririnig na namin ang ingay ng mga nagsisidatingan. I'm not sure if schoolmates namin iyon o mga galing sa kabilang school.

"Tara na," ani Addi saka hinila ang kamay ko. 

Marami na ngang tao sa pwesto namin kanina. Tumutulong mag-ayos ang mga kaibigan namin at ang kasama ko ay nangunguha pa rin ng video para sa project namin. May hawak din akong notebook para i-record ang mangyayari sa bawat oras.

Sunod na dumating ang mga teachers na agad kaming tinawag para mag-meeting sandali para sa mga magiging flow ng buong stay namin dito. Mrs. Castro, our school principal is also here. Aalis din siya maya-maya at iche-check lang ang lagay namin dito.

"Magkakaroon tayo ng activity mamayang alas-tres," pag-imporma ng isang teacher na kasama namin. I don't know her kaya I'm sure na from the other school siya galing. Naka-indian seat kami sa damuhan at dikit-dikit. "Unang gagawin natin ay opening program na siyang ginagawa natin ngayon. Pagkatapos ay kakain ng tanghalian na hinanda namin para sa inyo. Pagkatapos ng lunch break ay bibigyan namin kayo ng oras na mag-ayos ng mga gamit at magbihis ng damit. Mamamahagi kami mamaya ng ribbon."

"Ribbon?" Nagtatakang bulungan ng lahat. "Aanhin natin iyon?"

"Baka reward," tatawa-tawang sabi ng isang lalaki. "Most obedient, first honor, best in talking."

Pinatahimik kaming lahat nang lumakas ang tawanan. Even my friends and I are laughing with them. Nagtataka man sa kung anong tinutukoy nila ay hindi ko mapigilang hindi ma-excite. 

"May hinanda kaming obstacle course and we will play this game in batches. Sa dulo ng obstacles, may question na nakahanda. At kapag nakuha niyo na ang sagot, hahanapin niyo ito sa buong campsite. And the twist is, dapat hindi kayo maghiwa-hiwalay. Kapag may naligaw na isa sa team niyo, pwede silang patayin ng kabilang team. Kapag mas marami kayo ay pwede niyong patayin ang mas kakaunti na makakasalubong niyo. Kunwari ang Team A ay apat silang magkakasama at nakasalubong nila ang Team B na dadalawa lang. Pwede nilang patayin sa pamamagitan ng paghawak ng ribbon. Bawal tumakbo kapag nahawakan na ang ribbon. At bawal ka ring pumatay kung mas kakaunti kayo. Gets?"

"Ma'am," someone raised her hand. "Paano made-determine ang panalo?"

"May limang pwedeng manalo. May limang bagay na nakatago sa buong campsite kaya ang pinakamagiging thrill dito ay kung sino ang nauna. At kung sakali na tatlo silang nauna, ang mananalo ay ang pinaka-maraming natirang myembro."

"Sounds exciting," Dana blurted out.

"Maganda kung magiging okay ang teammates mo."

It's past three when already when we are called again by the facilitators. Nakalinya-linya na kami. Magiging apat na batch ang maglalaro at napunta kami sa first batch. Ngayon ay sa batch namin, magkakaroon kami ng pitong team. Yellow, red, green, blue, white, black, and pink. 

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now