Twelve

281 18 2
                                    

"Let's go, Kathy." Nagmamadali kong inayos ang mga gamit at hindi na nahintay pa si Kathy.

Katatapos lang ng last subject namin para sa araw na ito. I texted our driver to fetch me up early today. Binilisan kong lumakad papunta sa gate at nabuhayan ng loob nang makita ang sasakyan namin. 

But before I could even go near, someone pulled my hand resulting for me to almost got tripped. Napahawak ako sa braso niya habang nakapikit. I'm anticipating my fall on the ground but I didn't. 

"Ayos ka lang?" My breathing hitched when it hit me how embarrassing our position could be. Tumayo ako ng maayos at saka siya tinulak. "Chariessa?"

"Oh," kunwari ay gulat na sambit ko. "Hindi ka pa uuwi?"

"Pauwi na rin. Bakit ka nagmamadali?" Tila ba sinisisid niya ang laman ng isipan ko sa paraan ng pagkakatitig niya. My face flushed as I looked away. "Iniiwasan mo ba ako?"

There. He drops the question. Na-praktis ko na eto eh. Once he'll ask me about this I would deny it act cool with it. Pero ngayong nasa harapan ko na, hindi ko alam, hindi ako makapagsalita. Ang tanging kaya ko lang gawin ngayon ay mag-iwas ng tingin habang iniisip kung paano siya tatakasan.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Pakonti na ng pakonti ang mga estudyanteng dumadaan samantalang nasa ganito pa rin kaming posisyon. Mula sa gilid ng aking mata ay alam kong hindi niya inalis ang titig sa akin. I'm becoming more and more conscious as time goes by.

"Chariessa--"

"No!" I hissed. "No, I don't like you, okay?"

"Huh?" Nalilito niyang sabi.

Oh my gosh! Anong sinabi ko? Why did I...

Damn.

Nakakahiya! Wala namang nagtatanong Chariessa, anong iniinarte mo riyan?

"I... I mean," I clasped my hands together. "I mean I don't like to talk right now. Marami pa akong gagawin." I gave him an awkward smile and immediately run off.

Hoo! Hinihingal na umupo ako sa sasakyan at agad sinabihan si Manong na umandar na kami agad. Nagtataka niya pa akong sinulyapan bago pinaharurot ang sasakyan. I looked back again at our school gate only to see him looking at our car running away from him.

A pang of pain hit my chest when I think of the possible consequences of what I have done. Dalawa lang ang pwede niyang isipin: Na ayaw ko sa kanya o gusto ko siya.

And what I have said is indirectly saying that I like him. Argh! Nasapo ko ang noo at agad umayos nang mamataan ang repleksyon sa salamin. Mukha akong tanga. Kanina pa ako isip ng isip ng kung ano-ano rito. I should stop overthinking things.

Kinabukasan ay tamad na tamad akong pumasok ng classroom. Addison did not chat me yesterday and he did not go to our house early today. Siguro ang alam niya ay nakaalis na ako. I'm not waiting for him, nagkataon lang na late akong nagising.

"Ang aga namang busangot niyan," sita ni Kathy na nakapalumbaba at pinapanood akong magbaba ng bag sa desk bago umupo. "Si Addison--"

"Nagpunta siya rito?" Shocked and curious, I cut her off.

Natawa siya at bahagya akong nahiya. Mabuti nalang at kakaunti palang kami dito sa classroom. She curled her hair using her fingers while looking at me. "Hindi. Itatanong ko nga sayo kung bakit wala siya eh."

"Ahh," I answered in dismay. 

Iyon ang pinaka-unang umaga na hindi siya nagpakita sa classroom namin. I waited until lunch but still, no sign of him. Gusto ko sanang tanungin siya sa mga kabanda pero maski ang mga ito ay hindi ko mahagilap. My girls keep asking me about him but I chose to stay silent.

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now