Fifteen

301 23 18
                                    

Peke ang iyak na pinapakita niya sa boyfriend ko. Hindi nagbago ang tingin ni Rina, she obviously wanna attack her again. At bago niya pa magawa iyon ay lumapit na ako at hinawakan ang braso niya para pigilan.

"Alam mo ba ang ginawa mo? Ha?" Addi looks dead serious as he said those words. He's fuming mad and when he glances at Shai, the anger is slowly turning into worry. A pang of pain stabs my chest. And it continues, and it hurts a lot.

"What did you see?" Rina tries to hold herself. "Ang huling eksena? Do you even know how bitchy that woman is?"

Kinakabahan ako sa mangyayari. Nagsumiksik si Shai sa dibdib ni Addi, nagpapaawa. Kumuyom ang kamao ko at pinigilan ang sarili na sumugod at sabunutan siya. Kung sana ay may CCTV lang dito o nakapag-video ng nangyari para makita kung gaano kademonyo ang babae na iyan.

"Alam natin pareho na kung may hindi mapagkakatiwalaan dito ay ikaw iyon, Miss Sandoval."

Hindi ko na napigilan ang hindi pagsingit. "Mali ka. Nauna ang babae na iyan na mag-maldita rito."

A ghost of a smile can be seen in Shai's face. Para bang may naisip siya na kung ano at mas lalo akong kinabahan. Why do I feel like we're on the losing end? 

"Of course kakampihan mo siya," Shai blurted out. "Alam ko namang ayaw mo sa akin una palang." She looks up to Addi. "Galit siya sa akin at nagseselos. Sinubukan kong maging mabait sa kanya dahil girlfriend mo siya pero puro pag-irap lang ang natatamo ko. And now, they are teaming up against me." 

Humikbi pa ang bwisit na akala mo siya ang dehadong-dehado. I looked at Addi to tell him it ain't true but his face is still blank. Hindi ko alam kung sino ang pinaniniwalaan niya sa aming dalawa. And the fact that he's in the middle right now... I feel like he's not backing up on me.

"Ang plastic mo. Wala akong panahon sa mga kaartehan mo," Rina harshly says. Nang tumingin siya sa akin ay inirapan din ako nito saka inagaw ang braso sa akin pero bago pa siya makaalis ay nagsalita na si Shai.

"Bakit hindi mo aminin na hanggang ngayon ay galit ka sa akin?" Humikbi pa ito. "Palagi kong pinipilit lumapit at makipag-ayos sayo pero lagi mo akong tinutulak palayo."

Nanghina ako. My boyfriend's arms snaked around her waist, comforting her a little. The lump on my throat makes it hard for me to breathe normally.

"Such a piece of shit," Rina whispered. I admire her for being so cool in times like this.

"Stop being unreasonable, Miss Sandoval," Addi says. "Mag-sorry ka nalang at ng matapos na ito. Or else, makakarating ito sa mga teachers natin."

Addi's voice and facial expression is hard and dark. Gayunpaman ay hindi ko magawang matakot sa kanya dahil tulad ni Rina, alam ko kung ano ang totoo. Why would she apologize for something she haven't done?

Nanggigigil na nilapitan ko si Shai. Hinila ko ang braso niya at dahil sa gulat ay hindi siya nakagalaw o nakaangal. My heart is beating loudly inside my chest. How crazy she is to be like this?

"Pwede ba, Miss? Magpa-plastikan pa ba tayo rito? Alam natin kung ano ang totoong nangyari!"

"Ouch, ouch," she cried. Dali-daling lumapit si Addi at saka kinuha ang braso na hawak-hawak ko. I admit, medyo napadiin ang pagkakahawak ko sa kanya pero hindi naman iyon ganoon kasakit. Halata nga lang ang pamumula sa kutis niya.

I can't believe this. Maski kutis niya ay nakikiayon sa kaartehan. Sana all! Cooperative ang buong katawan ng hintad.

"Anong ginagawa mo, Charies?" Addi shouted at me which caught me off guard.

Napaatras ako at pinamulahan ng mukha. "Kasalanan niya, Addi..."

"See?" Shaina, the greatest pretender of all time, looks at my boyfriend like he's her savior. "She's so mean to me."

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now