Twenty One

355 22 2
                                    

Nagkulong ako sa kwarto buong weekend. Nagpunta si Addison dito at ang dinahilan ni Kathy, which is siya ang kasama ko dahil pinapunta siya nila Mommy, ay hindi maganda ang pakiramdam ko. He tried to talk to me twice but I can't face him when I'm still in pieces. 

"Ayaw mo pa rin ba siyang kausapin?" Kathy's worried eyes look straight at me using her reflection on the mirror in front of me. Nag-aayos kami para pumasok.

It's Monday and the start of our second semester as grade twelve students. Mula noong huling pag-uusap namin nila Mommy ay si Kathy palang ang nakakausap ko. I don't talk to anyone, not my parents, and not Addison. 

Tinapos ko ang pag-aayos ng buhok bago tumayo at hinarap siya. "Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin."

"Do you need me to tell him that you already know? Charies, alam kong hindi mo ito gustong marinig ngayon pero nakita ko naman na mahal ka ni Addi. Honestly, nalilito rin ako kung ano ba talagang nangyari, bakit ganito bakit ganyan, pero ayaw mo man lang bang marinig yung side niya?"

"Anong side pa ang kailangan niyang ipaliwanag? Malinaw na."

She shook her head disappointedly, "Hindi ba't hinusgahan ka rin ng mga kaklase natin kahit hindi nila alam ang side mo? Hindi ka nila pinakinggan kasi para sa kanila malinaw na. Charies, would you rather choose to be like those people and be unreasonable or you'll change their ways and listen?" Binuka ko ang bibig upang sumagot nang agad niya akong pigilan. "Wala akong sinabi na patawarin mo siya. Wala akong sinabi na makipag-ayos ka sa kanya at umaktong walang nangyari. But he owes you an explanation and you owe him time to listen."

Kathy's always on my side. Sa ano man pagkakataon. Kapag may sama ako ng loob sa isang tao, alam niya man o hindi ang side ng kabila ako pa rin ang paniniwalaan niya, ako pa rin ang kakampihan niya.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya ng ganito.

Sabay kaming pumasok ng school, nag-commute kami pareho dahil nakaalis na sila Mommy. Kinakabahan ako. I'm not sure if I'm ready to meet him nor anyone around him. At laking pasasalamat ko nang hindi siya nagpakita ng umagang iyon.

But I'm not expecting to meet someone today. 

Shaina is sitting at the corner of the room, the restaurant that Kathy and I entered in. Halatang nagulat din siya sa presensya ko pero kalaunan ay ngumiti. Sumama agad ang pakiramdam ko at kamuntik ng umatras at lumipat sa ibang lugar kung hindi lang siya tumayo at tinawag ako.

"Chariessa Ladesma," she uttered my name formally. Not mentioning that I feel like she's bitchin' around.

Wala si Kathy at um-order sa may counter. Ako ang naatasan na maghanap ng mauupuan namin but here I am, in front of the lady who actually took part why I feel so bad today. May isang katanungang nakaangat sa isipan ko sa dagat ng libo-libong tanong. 

Did I cause their relationship to break? Like, am I the reason why they were apart today?

Nasasaktan ako pero mas masakit yung part na nakasakit ako. Nakasakit ako ng tao unconsciously. Because of power. 

"Shaina," I greeted before gulping as hard as I can. Dapat ba akong magalit o dapat siyang magalit?

Nasasaktan ako at isa siya sa rason pero hindi siya ang may kasalanan.

"You're alone? Or you're with Addi?"

"Mag-isa ko lang," medyo nanginginig na sagot ko. "I mean, I'm with my friend but Addison is not around."

Pinanliitan niya ako ng mata. "Of course he won't be around. How silly of me to ask." She giggled but I don't find it funny. Anong ibig niyang sabihin?

Love Trap (COMPLETED)Where stories live. Discover now