"Noon? Come on, Charies, past na iyon. Kinausap mo ba si Addi tungkol dito?" Umiling ako. "Totoo man iyon o hindi, ikaw ang girlfriend niya ngayon, ikaw ang niligawan niya, at ikaw ang mahal niya."

"Ako nga ba?" Natigilan siya sa pagsingit ko. "Ako nga ba, Kathy?" Pinahiran ko ang mga luhang sunod-sunod na tumulo gamit ang likod ng aking palad.

"Charies..." Mas lalo akong nanghina sa tonong ginamit niya. She feels sorry for me and it made me feel worse. 

"Niligawan ako ni Addison dahil inutusan siya nila Mommy."

Hindi siya nagsalita. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nang magtama ang mata namin pareho ay nakita ko ang sari-saring emosyon na naglalaro sa mga mata niya. Umiling-iling siya at hindi makapaniwala pero kita ko pa rin ang awa sa mga mata niya. 

"K-kanino mo nalaman?"

"Narinig ko silang nag-uusap ni Shai."

She let out a heavy sigh. "Damn."

She's holding herself not to say bad words to Addi. Naiintindihan ko iyon dahil kapag inaway niya si Addi ay parang inaway niya na rin ang parents ko. At sa kabilang banda ay naiintindihan ko rin kung bakit sinunod ni Addison ang parents ko. He has no choice. We both had no choice. I cannot blame him. 

Nasasaktan lang ako pero hindi ibig sabihin nun ay isisisi ko sa kanya lahat. Galit ako, oo. Given na iyon dahil ako ang napaglaruan dito.

"Nakausap mo na ba sila Tita?" Nag-aalangang tanong niya. "Baka... baka may explanation sila tungkol dito..."

Mapait akong ngumiti. Walang eksplanasyon ninoman ang makakapagpaalis ng sakit na nararamdaman ko. 

"Gusto kong makalimutan muna lahat pansamantala, Kathy.... Bukas nalang ako magtatanong kapag medyo kalmado na ako. I don't want to listen to their explanations when I'm mad because for sure, I won't believe any of those."

Tumango-tango siya. "Ako nalang magte-text sa parents mo na nandito ka para hindi sila nag-alala."

Buti nalang meron si Kathy. Nagpalit kami ng pajamas, nag-manicure at pedicure kami ng sari-sarili naming paa at kamay, nanood ng funny videos, kumanta sa karaoke, nag-color ng mga coloring book... At ginawa ang mga bagay na talagang hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano.

Siguro kung sa ibang oras ay manonood kami ng movie pero tiyak na lilipad lang ang isip ko kapag manonood kami ngayon.

"Look at this picture." Pinakita niya ang picture naming dalawa na kuha pa noong grade seven kami. Super nene days. Naka-braid kami pareho at may pairing din na ipit na magkaiba lang ng kulay. "Naaalala mo ito?"

Mahinhin akong tumawa. Paanong hindi ko maaalala iyan eh halos mag-away kami ni Mommy para lang sa picture na iyan. Style kasi ni Kathy noon yung braid style. At ayaw ko talaga magpa-braid noon pero pinilit ako ni Mommy.

"Syempre. I really look weird on braid," komento ko.

"Hindi naman, ah?"

Nag-open pa kami ng maraming photo album, nagkalkal ng kung ano-ano hanggang sa sabay kaming dalawin ng antok.

Pagkagising ko ay wala na si Kathy. Mas maaga siyang nagigising talaga sa akin kaya hindi na ako magtataka roon. I stood up to get myself done but when I look at the mirror of her restroom, naalala ko na naman ang rason kung bakit ako nandito. I was just trying to prolong the pain and postpone everything but I knew that I can't live like this for another day.

Kakausapin ko sila Mommy mamaya. Ano man ang malaman ko, kailangan kong tanggapin. And if this is the end of me and Addi then I have to accept it. Alam ko naman na noon pang una na parte talaga ng pagmamahal ang masaktan. Hindi ko nga lang nahulaan na ganitong klase ng sakit pala ang mapupunta sa akin.

Love Trap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon