WALO

5 1 0
                                    

KABANATA 8

NANG SUMAPIT ang tanghalian ay abala sila Nanang at Blanco sa kanilang tindahan habang inabala ko naman ang aking sarili sa pagtahi ng ilang kasuotan. Wala akong plano na lumabas ngayon dahil makulimlim ang langit at baka maabutan pa ako ng ulan kung sakaling bumuhos ito. Naalala kong pinapatulong pala ako ni Nanang kaya naman agaran kong tinapos ang pagtatahi. 

Bumaba ako sa tindahan at sumilip 'rito. May kausap na mga mamimili si Nanang habang pinapakita niya ang ilang banga na may magagandang disenyo habang sa bandang likuran nama'y nakaupo si Blanco at nakatalikod sa akin habang gumuguhit sa hinulma niyang banga. Pumasok na ako ng diretso at nakinig na lamang sa pinag uusapan ng mamimili at ni Nanang. Maigi ko itong pinakinggan upang magka'ron ng ideya pano ang kaniyang pagbebenta.

Ang tanging aking naintindihan ay kailangan alam mo ang sagot sa kanilang katanungan tungkol sa bagay na iyong binebenta. Kung kelan ito ginawa, magkano ang presyo, at kapag nakikipag tawaran ang mamimili ay hindi agad agad papayag, 'di katulad ni Blanco. 

"Sino ang dalagang ito?" Nakangiting tanong 'nong isang Ginang na may magandang kasuotan habang naka tingin sa'kin. May katandaan na ito ngunit sa itsura'y tila mas matanda si Nanang sa kaniya. "Ate Kuring, siya ba ang iyong nag iisang anak?" Tanong niya kay Nanang kaya naman lumapit ito sa kaniya at binigyan siya ng magandang ngiti.

"Ang aking apu-apuhan. Dito na siya sa akin naka-tira. Ang anak ko nama'y nagtatrabaho sa maynila." Tumango tango naman ito at muling tumingin sa akin. Ang ganda ng kaniyang mga mata. 

"Magandang tanghali ho." Magalang ng bati ko pa sa kaniya at tumungo. Gumanda naman lalo ang kaniyang ngiti at kitang kita ang mapuputi niyang ngipin. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay, nahihiya pa ako dahil isa siyang palakaibigan.

"Kay gandang binibini. Ano ang iyong pangalan?" Ngumiti ako ng matamis at siyaka siya sinagot.

"Ang ngalan ko ho'y Felicidad." 

"Ikaw ba'y may nobyo na?" Malawak ang ngiting binigay niya sa akin at nabigla naman ako sa kaniyang tanong. 

"W-wala pa ho." Nautal utal pa na sagot ko. Wala pa akong nobyo dahil wala naman akong natitipuhan sa ngayon. Sa totoo lang, ang ibang kaedaran kong mga binibini ay pamilyado na. Ang mga binibining minsan kong nakakalaro ng habulan ay may mga supling na habang ako, hindi ko pa alam ang aking gusto. 

"At sino naman ang makisig na ginoong ito?" Naka tingin siya sa aking likuran kaya nama'y lumingon ako at nakita si Blanco. Matipid itong ngumiti sa Ginang at nagpakilala.

"Ako po si Blanco. Ikinagagalak ko hong makilala kayo." Binitawan na niya ang aking kamay at lumapit kay Nanang. Tinakpan niya ng pamaypay ang kaniyang bibig at bumulong kay Nanang. 

"Kung isa akong inutil ay aakalain kong siya si Kuya Edong." Napatawa naman si Nanang habang nagkatinginan kami ni Blanco dahil narinig namin ang kaniyang sinabi kahit pa sinubukan niyang bumulong. Kung gayo'y kilala niya 'rin si Lolo. "Ikinagagalak kong makilala ka, Ijo. Ikaw ba'y mayroon nang nobya?" Tanong niya habang naka tingin sa aking kaibigan.

"Ho?" Nahihiyang tugon pa ni Blanco at napakamot ng ulo. "Wala ho." Ngumiti nanaman ang Ginang at sinulyapan ako. Si Nanang nama'y tila nasisiyahan sa kaniyang pinapanuod. Kaibigan niya siguro ang isang ito. 

"Tamang tama! Wala 'ring nobyo itong si Felicidad, hindi ba? Bakit hindi na lang maging kayo?" Makulit na saad niya. Hindi ko na nakita ang reaksyon nila dahil nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa narinig, napa ubo ubo pa ako at sinenyas ang aking dalawang kamay na animo'y sinasabing 'hindi pwede'.

"Bakit? Aba, bagay naman kayo! Isang maganda," Nilahad pa niya ang kaniyang kanang kamay sa akin na parang tinuturo ako. "Isang makisig!" At tinuro si Blanco. "Hindi ba, Ate?" Nilingon niya si Nanang na nakikinig lamang.

PROMISE ME, PRIMODonde viven las historias. Descúbrelo ahora