LIMA

14 2 0
                                    

KABANATA 5

NANG SANDALING nagtagpo ang aming mata tila umugong sa aking tenga ang mga salitang binanggit sa akin 'nong Ginoong minsan kong nakausap sa Paraiso. 

Ang reynang katulad mo ay makakatagpo ng hari. Ngunit, hindi mo siya dapat hanapin dahil kusa siyang papasok sa buhay mo. At kapag dumating ang araw na dumating siya, maghahari siya sa puso mo.

Ayon ang unang pumasok sa aking isipan sa hindi malamang dahilan. Nanatiling nagkatinginan kami ng ginoo na pinigilan ako upang makatakas. Mahigpit pa 'rin niyang hawak ang braso ko kung kaya nama'y nangunot ang noo kong tiningala siya. Marahan niyang ibinaba ang salakot upang lalo niya maitago ang kaniyang mata. Tinignan ko ang kaniyang kasuotan, nakasuot siya ng puting kamiso at itim na pantalon. 

"Bitiwan mo ako." Mahina ngunit maawtoridad kong utos sa kaniya ngunit hindi siya gumalaw. Nanatili lamang siya sa kaniyang pwesto. "Bitiwan mo sabi ako!" 

Pilit kong inaagaw ang braso ko sa kaniya pero sadyang malakas ang Ginoong ito kung kaya't tuwing gumagalaw ako'y lalo niyang hinihigpitan ang kaniyang hawak.

"Alam mo ba ang iyong ginagawa, Ginoo?" Matalas na tingin ang binigay ko sa kaniya, "Isang kapangahasan sa Binibini ang iyong ginagawa. Kung ayaw mong magsumbong ako sa awtoridad ay bitiwan mo na ako!" 

Ilang beses ko pang sinubukan ngunit wala talaga akong magawa dahil tila napakalakas ng ginoong aking kaharap. Nagtaka naman ako dahil nakatingin lamang siya sa bayong na aking dala dala. Itinago ko ito sa aking likuran, alam ko na 'yon ang kaniyang pakay. Malamang ay napanood niya ang eskandalong nangyari kanina. 

"Gaya ng aking sinabi, napulot ko lamang ito." Pagsisinungaling ko pa. "Bitawan mo na ako dahil baka hinahanap na ako sa amin." Sabi ko pa at sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses niya.

"Uso-tsuki. (You're a liar.)" Malamig na boses niyang tugon. Kumunot ang aking noo dahil sa narinig. Hindi ko maintindihan ang salitang sinabi niya. Hindi ito wikang tagalog o espanyol at mas lalong hindi ito wikang ingles. Alam ko ang Ingles kapag narinig ko ito ngunit ang kaniyang binigkas ay tila hindi pamilyar sa akin.

"Ano kamo?!" Malakas na sabi ko. Nginisian niya ako at tunay na nakakainis 'yon. Hindi ko alam kung hinuhusgahan niya ako o sinasabihan ng masama.

"Dorobō. (Thief.)" 

"Anong lumolobo?!" Sigaw ko pa sa kaniya at nang akmang kukunin niya ang bayong ay nanlaban ako. Pilit na inilalayo ko ito sa kaniya habang hawak niya ang kanang braso ko kung kaya't lalong lumalapit ang mukha niya sa akin. Nang magtapat ang aming mukha ay napansin ko naman ang mahabang peklat sa kaliwa niyang mata. Nagtama ang aming paningin kung kaya buong pwersa kong tinulak ang mukha niya upang mapabitaw siya sa akin at mapalayo.

"Itai! (It hurts!)" Tila nasasaktan niyang sabi habang hawak pa ang mukha.

"Anong itay?! Mukha ba akong itay mo!?" Malakas na sabi ko bago pumihit at nagsimulang maglakad ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan niya akong muli sa braso. Napaharap ako sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso.

"Uulitin ko, Ginoo. Isang kapangahasan ang iyong ginagawa sa isang Binibini lalo pa't isa kang lalaki. Kung hindi naturo sa'yo na gumalang noong ika'y bata pa, handa akong turuan ka at ipaalam sayo na isang kalapastangan ang paghawak hawak mo sa akin ng ganito." 

Tila naintindihan niya ang aking sinabi ngunit tinabingi niya ang kaniyang ulo na para bang pinag-aaralan ang aking itsura. Kung ibang binibini ako ay sasabihin ko pang may kaguapuhan siya pero dahil hindi ako sila, para sa akin isa lamang siyang bastos na lalaki.

"Bitiwan mo ako." Matigas kong sabi. Nais ko nang makauwi.

"Sabi nang bitiwan mo ako!" Sinigawan ko na siya. Hindi na ako natutuwa sa kaniyang ginagawa, hindi ko naman siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya. Sa ngayon, gusto kong makauwi sa amin. Unang pumasok sa aking isipan si Blanco, siya ang tanging pagsusumbungan ko. Ayaw na ayaw niyang may humahawak sa akin na iba lalo na't hindi ko ito kinatutuwa. 

PROMISE ME, PRIMOWhere stories live. Discover now