APAT

14 2 0
                                    

KABANATA 4

SININDIHAN ko ang kandila na nasa tapat ng poon, naroroon 'rin ang ilang litrato ng yumaong asawa ni Nanang. Naabutan ko pang buhay si Lolo Eduardo Evangelista nang ako'y ampunin nila, mabait at mapagmahal siyang lolo at itinuring pa niya akong parang tunay niya na Apo. Apat na taon na 'rin mula ng siya'y pumanaw dahil sa sakit at katandaan. Ang naaalala kong kuwento ni Lolo, mahirap ang kaniyang pinagdaanan bago makuha ang puso ni Nanang. 

Nang makasama ko sila, tila masaya naman ang kanilang pagsasama. Medyo may kasungitang taglay si Nanang at mapag biro ngunit mapagpasensya si Lolo kung kaya nama'y naramdaman ko na tunay naman silang nagmamahalan. Naalala ko nang minsang biniro niya ako na maaaring si Blanco at ako 'rin ang magkakatuluyan sa huli dahil palagi kami magka away nito, hindi ko naman 'yon pinansin dahil napaka imposible. 

Minsan ay kinwentuhan ako ni Blanco na hindi naman daw mahal ni Nanang si Lolo Eduardo, pinagalitan ko pa siya 'non dahil hindi tamang pangunahan niya ang nararamdaman ng kaniyang Lola. 

Inilapag ko na lamang mga bulaklak na pinitas ko at nag alay ng dasal.

Lolo Edong, nag alay ho ako ng dasal para sa inyo. Humihingi 'rin ho ako ng paumanhin kung nadamay ko ang inyong pangalan sa pag uusap namin ni Blanco kanina, mali ho ako sa aking inasta kung kaya't sana mapatawad niyo ako. Inalayan ko ho kayo ng bulaklak at sana'y magustuhan niyo. Natakot ho ako na baka magdilang anghel ang pinakamamahal niyo na apo at baka dalawin niyo ako mamayang gabi. Huwag naman ho. 

Kung nasan ka man po, sana ay masaya kayo. Inaalagaan po namin ni Blanco si Nanang katulad ng inyong huling habilin. Minsan na lang ho mag init ang ulo niya dahil sa amin. Sa susunod po ay dadalawin ka namin sa sementeryo para hindi kami ang inyong dalawin. 

 Matapos 'non ay nilibot ko ang aking paningin sa kung saan naroroon ang ilang litrato ni Lolo Edong at Nanang. Iba ibang panahon ang kuha ng litrato, pinagmasdan ko na lamang ang litratong nakasabit sa dingding. Kuha ito noong kanilang kasal, sadyang may angking kagandahan at kaguapuhan ang dating mag asawa. Nahahawig si Blanco sa kaniya at namana niya rito ang kaniyang ngiti. 

Hindi ko kailanman nakilala ang kaniyang ama, at minsan ko na 'rin nakita ang kaniyang Ina na nag iisang anak nina Lolo at Nanang. Anak sa pagka dalaga si Blanco kung kaya't sa hirap ng buhay, ipinaubaya siya sa lolo't lola. 

Pumasok na ako sa silid upang kunin ang berde kong bayong. Pagkalabas ko'y naroroon sa tapat ng poon si Nanang, nakatingin sa litrato ng dati niyang asawa. Napansin naman niya ako kaya't lumingon siya sa akin. 

"Ikaw ba ang nagsindi ng kandila at nag alay ng bulaklak na ito, ija?" Tanong niya sa akin.

"Opo, Nanang. Naalala ko ho kasi siya, naging mabait siya sa akin at itinuring akong kapamilya niya kung kaya't malaki 'rin ang pasasalamat ko sa kaniya." Hindi ko na binanggit ang tunay na dahilan dahil baka siya'y magalit sa akin.

"Sadyang mabait nga si Edong." May lungkot sa kaniyang mukha kung kaya hindi ko alam ang aking gagawin. "Naalala ko noong aming kabataan, sa kaniyang pagkapilyo ay harap harapan kong sinisigaw sa mukha niya na sana'y kunin na siya ng liwanag." 

Napatabinge naman ang aking ulo dahil sa kaniyang sinabi. Grabe naman si Nanang.

"Biro ko lamang 'yon dahil madalas niya akong inisin. Minsan nga'y pag nagbabangayan kayo ni Blanco, nakikita ko ang aming kabataan sa inyo." Nakangiti na niyang sabi ngunit nakatingin sa gilid na para bang inaalala niya ang kanilang nakaraan. "Bagama't pilyo ay mabuting kaibigan si Edong. Mapagmahal 'rin siya. Sobrang mapagmahal."

"Nanang, minsan niya hong ikinwento sa amin ni Blanco na nahirapan siyang amuhin ang puso niyo. Pano niya ho nabingwit ang inyong puso?" Nakangisi kong sabi at napatawa naman siya.

PROMISE ME, PRIMOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon