DALAWA

10 2 0
                                    

KABANATA 2

HATING GABI na ngunit hindi pa ako dinadapuan ng antok. Tulog na 'rin si Nanang sa aking tabi at naririnig ko pa siyang humihilik. Pagkatapos ng aming hapunan ay ako ang naka-toka sa paghugas ng mga pinagkainan habang si Blanco ay muling bumalik sa tindahan nila ng palayok na naka tayo sa ilalim ng aming bahay. Konektado ang tindahan at may dalawang pinto para makalabas at pasok. Nasa ikalawang palapag ang aming kwarto samantalang sa unang palapag ang aming tindahan at gawaan ng mga palayok. Dalawa ang hagdanan ng aming bahay, ang isa ay nasa loob mismo ng bahay papunta sa unang palapag, ang pangalawa hagdanan naman ay nasa labas. 

Ayon ang madalas na ginagamit namin dahil hindi naman ako palagi bumibisita sa tindahan. Hindi ako marunong mag benta, dahil baka bara barahin ko ang mga mamimili at lalong hindi ako marunong gumawa ng palayok. Tanging si Nanang at Blanco ang nakaka gawa non. 

Umayos na ako ng higa at tumingin sa bintanang  bahagyang naka bukas sa aking gilid. Kita ko ang mga nagniningningang bituwin. Sa mga ganitong pagkakataon, tuwing hindi ako nakaka tulog, napakarami ng isiping tumatakbo sa aking ulo. 

Iniisip ko kung anong kalokohan ang gagawin ko bukas. 

"Psst!" Nakarinig ako ng mahinang sitsit na nagmula sa pintuan, hindi ko naman ito nilingon at nanatiling naka tingin sa labas. "Fe!" 

"Fe!" Mahinang tawag pa niya saakin. Ano nanaman ba gusto ng isang 'to? "Uy, Fe!"

"Ano?!" Iritableng tugon ko sa kaniya.

"Gising ka pa ba?" Inosenteng tanong pa niya.

"Hindi! Espiritu ko lamang ang nakaka usap mo!" Medyo may kalakasang sabi ko kaya naman napagalaw ng bahagya si Nanang ngunit hindi naman tuluyang nagising. Nilingon ko na lamang ang gawi ng pintuan at nakikita ko ang anino niya na nakasilip. 

"Lumabas ka." Mahinang sabi niya kaya naman napaupo na lamang ako.

"Ayoko, matutulog na ako." Astang hihiga na ako nang nagsalita siya muli.

"Ah, sayang. Masarap pa naman itong hilaw na mangga na pinitas ko ngayon ngayon lang." 

Hindi ako tuluyang nahiga at bahagyang sinisilip pa kung mayroon nga siyang dala. Tila nang iinggit pa na pinakita niya iyon saakin nang tinapatan niya ng gasera ang kaniyang kanang kamay. May dalawang hilaw na mangga siyang bitbit. 

"Sayang, o sige. Sana makatulog ka ng mahimbing, binibini. Itatapon ko na lamang ito at baka kapag hindi nakain ay mapanis." Tila nangungunsensya pa ang tonong ginamit niya. 

Sandali, hindi naman napapanis ang hilaw na mangga hindi ba?

Napapanis nga ba sila?

Nagtatakang tanong ko pa sa sarili. Ang kasagutan sa aking katanungan ay hindi ko alam. Sarado na ang pintuan nang lumingon ako kaya naman tahimik na tinahak ko yon para makalabas. Maingat ko 'ring binuksan ang pinto at sinara nang hindi nakaka-gawa ng ingay.

"Lalabas ka 'rin pala." Narinig ko pa ang sabi ni Blanco kaya nilingon ko siya. Wala na 'rin ang gaserang ginamit niya, ngunit naaaninag ko pa 'rin siya kahit papano.

"Ayoko lamang mapanis ang mga manggang iyan." Sabi ko na lamang at siya nama'y natawa. May bitbit siyang maliit na kutsilyo at dala dala pa niya ang garapon ng asin na malamang ay kinuha niya mula sa kusina.

"Tara, doon tayo sa labas." Niyaya niya akong lumabas at sumunod naman ako sa kaniya na para bang isang bata. "Masyadong madilim sa loob, baka masugatan pa ako sa pag balat ko nitong kakainin mo."

"Masusugatan ka kung tatanga-tanga ka." Naka ngisi ko pang sabi. Pang aasar lang. Nakalabas na kami kaya naman sinarado ko ng bahagya ang pintuan, siyaka ko lamang napansing naka puting kamiso at puting pantalong pantulog siya. Ako nga ay kung anong suot na baro't saya ay siyang ginagamit ko 'rin sa pagtulog.

PROMISE ME, PRIMOWhere stories live. Discover now