ANIM

6 2 0
                                    

KABANATA 6

Natutulog ka man,

Irog kong matimtiman,

Tunghayan mo man lamang

Ang nagpapaalam.

Dahan dahan mutya,

Buksan mo ang bintana,

Tanawin mo't kahabagan,

Ang sa iyo'y nagmamahal.

HABANG TINATAHAK namin ni Blanco ang daan papuntang Batis ay kinakanta ko ang awiting madalas kong naririnig sa radyo ng aming tindahan. Sinabihan niya akong 'di kagandahan ang aking boses, ngunit hindi ko na lamang 'yon pinansin. Hindi naman ako nasasaktan sa mga biro niyang ganon, kahit pa hindi ko alam kung maganda nga ba talaga ang boses ko o hindi.

"Nako! Pag-ibig nga naman." Pangaasar ko pa. Natatanaw ko na ang batis sa 'di kalayuan. Hindi naman niya ako pinansin sa sinabi ko. "Gracia, Gracia, Gracia. Sa aking kaibigan ka pa nahulog, tila isang disgrasya." 

"Ano ba ang sinasabi mo?" Takang tanong niya. 

"Mahal ka nung tao, Blanco. Sinasabi 'yon ng kaniyang mga mata." 

"Ah, talaga? Anong sabi?" Nakangisi niyang sabi. 

"Pilosopo." 

Hindi na siya nagsalita at patuloy naman akong kumanta. Ayon lamang ang linyang aking naaalala kaya naman paulit ulit ko itong inaawit. 

"Maganda ang awiting ito." Sambit ko at tumango naman siya.

"Maganda naman talaga. Madalas kong naririnig na inaawit yan ni Nanang." Kung gayo'y alam niya pala ang aking kinakanta.

"Sa aking palagay, mas maganda kung ikaw ang umaawit niyan." Kumunot naman ang kaniyang noo. 

"Bakit mo naman nasabi?" Takang tanong niya. Anlikot ng aking isipan ngayon ngunit hindi ko ito mapigilan.

"Alam mo, tatapatin kita. Mas gugustuhin kong kay Gracia ka mapupunta kaysa sa ibang mga kababaihan." Napa buntong hininga naman siya dahil sa aking sinasabi. "Gamitin mo ang kantang ito upang haranahin si Gracia. Tiyak na matutuwa siya! Nako, baka maihi pa siya sa kilig kapag narinig ka niyang kumakanta."

"Matutuwa pa ako kung titigilan mo ang iyong pang aasar." Malumanay niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy muli sa pag awit. Wala siyang magawa sa aking kakulitan. Mas gugustuhin kong kay Gracia ka liligaya. Mabait ang kaibigan kong 'yon! 

Maya maya lang ay nasa harapan na kami ng Batis. Walang ibang tao ang naroroon kundi kami. 

"Bilisan mong maligo para hindi tayo abutin ng dilim, baka hanapin 'rin tayo ni Nanang." Sabi niya at nakatalikod na naupo sa malaking bato. 

"Ginoo, alam mo ba ang pamagat ng aking kinakant-" Hindi ko pa natapos ang aking itatanong nang magsalita na siya. 

"Pakiusap." Nakatingin siya sa aking mata nang sabihin niya 'yon. Kita ko ang seryoso niyang itsura at malamang ay nakita niya 'rin ang gulat kong reaksyon. Sa ilang segundong 'yon ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Naiinis na siguro siya sa akin. Alam kong ako ang dahilan bakit sumasakit ang kaniyang ulo, at palaging laman ng isip lalo pa't kapag may nagagawa akong kalokohan. 

"P-paumanhi-" Hindi ko pa natapos ang aking paghihingi ng pasensya ng nagsalita siyang muli.

"'Pakiusap' ang pamagat ng awiting iyong kinakanta." Kunwari na lamang ako'y natuwa at tumawa ng marahan. Akala ko'y tinutukoy niyang huwag na akong marami pang satsat. Sa lakas ng aking pang aasar ay hindi ko na 'rin yata nailulugar. Alam ko 'ring ayaw niyang tinutukso siya sa ibang kababaihan ngunit dahil sa aking kakulitan ay wala siyang magawa.

PROMISE ME, PRIMOOù les histoires vivent. Découvrez maintenant