Natagpuan ni Felicidad ang kanyang sariling bihag ng mga Hapon kasama pa ang ilang mga kababaihan. Nang tuluyang masakop ang bansang kanyang minamahal sa ikatlong pagkakataon, naglaho ang kaniyang pangarap para sa sarili na para bang isa lamang itong alikabok. Napuno ng poot at galit ang kanyang puso, paghihiganti ang salitang walang tigil na sinasabi ng kanyang isipan, ngunit dahil sa mga naranasan niya sa mga pagsubok sa buhay, tila walang lakas ang kanyang katawan para lumaban. "Isinusumpa ko, papatayin ko kayong lahat." BABALA: Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang ngunit maselan. May mga kaganapang maaaring hindi magustuhan ng mga mambabasa, maiintindihan ng may akda kung ititigil ang pagbabasa hangga't hindi pa dumarating sa may maselang parte ng istorya.