"Ay bet!" Kinuha niya ang dress na hawak ko saka itinapat sa akin. "Bagay sayo. Kuha tayo, pairing?"

Ngumisi ako saka nag-thumbs up. Matapos namin doon ay dumiretso kami sa Adidas, nagpasama siya dahil may in-order daw siya na dumating na kahapon. At tulad na ng inaasahan ko ay lumabas kami ng store na iyon na may tigda-dalawang sapatos.

"Ang tagal na nating hindi nagagawa ito," puna niya habang nakaupo kami sa loob ng may kaliitang store ng Turks. We stop and eat for a while after going to the jewelry shop some minutes ago.

And I realize that it's true. Sobrang naging busy namin sa school at madalas pa na si Addison ang kasama ko. It's been a while. Pakiramdam ko tuloy ay nalulungkot siya dahil hindi na kami nakakapagsama ng ganito katagal.

"Sorry, Kathy."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko at maya-maya lang ay biglang tumawa ng malakas. Napapahiyang tinignan ko ang mga taong dumadaan. Pinanlakihan ko siya ng mata at agad niya namang hininaan ang boses.

"Bakit ka nagso-sorry? Baliw. By the way, ayos ka na ba?"

"Huh?"

"Hindi pa rin ba kayo okay?"

Natahimik ako. Kathy's face turns serious. Muli kong naramdaman ang lungkot na pansamantalang nakalimutan kanina. The way he choose to believe another girl rather than believing his own girlfriend... it still haunts me till now.

Siguro kasi nasanay ako na sa akin siya kampi, nasanay ako na naiintindihan niya ako...

A tear escape from my eyes unconsciously.

"If he makes you cry like this, I don't like him anymore for you." My heart melts as Kathy say those words. It feels so good to have a friend like her in times like this.

"Hindi ko alam, Kathy... Kasalanan ba niya o masyado lang akong sensitive at nagiging unreasonable." I sigh. "Am I being a toxic girlfriend now?"

"No," mabilis niyang sagot. "If he makes you feel so lowly of your worth, then he's an asshole."

A smile crept on my lips when she said those words. Hindi siya nagtanong o nangulit na magkwento ako pero ano man ang mangyari alam kong nasa likod ko lang siya. It feels so good to have someone beside me, that will always choose to stay with me. 

Bakit siya kakampihan ako ng walang alinlangan, alam niya man o hindi ang nangyari?

I know the answer. Kasi mas mahalaga ako para sa kanya kaysa kay Addi.

And that answer broke me because it means that Shaina matters the most to him... 

Nasa bahay na sila Mommy nang makauwi ako. She worriedly comes to me and hug me. Nagtataka kong sinilip si Daddy na nasa likod ni Mommy. I feel guilty for making the worry. Hindi nga pala ako nagpaalam and being with Kathy, I literally forgot the time.

"Saan ka galing?" Daddy sounds worried than angry. "Kanina pa kami tawag ng tawag."

"Sorry, Dad. Naiwan ko ang phone ko."

"Nanggaling si Addison dito kanina ka pa hinihintay pero pinauwi na namin dahil gabi na. Hindi mo man lang siya sinabihan na lalabas ka?"

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Why would he go here?

"Ahh," I nodded like it's just normal to see him here. "Maliligo muna ako, Mom, Dad."

Mom nodded easily why Dad examines me first. Ramdam ko ang tingin niya habang paakyat ako ng hagdan. Why is he always like that? Parang wala akong kayang itago sa kanya. It feels like he knows everything every single time. I guess that's how a father is like.

Love Trap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon