Chapter 55

30.1K 852 2K
                                    

[Warning: Slight SPG!] #LastChapter!

Dedicated to Ashley V. Espanta

Chapter 55

"Sigurado ka na ba apo na hindi mo sasabihin sa kaniya ang pag-alis mo?"

Napahinto ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa maleta nang marinig ang sinabi ni Lolo. Nasa bungad siya ng pintuan habang nababakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Ilang araw na lamang ay lilipad na kami papunta sa States. Siguradong hinihintay na kami ni Mom doon. Sobrang miss na miss ko na talaga siya.

Hindi na ako makapaghintay pa na muling makulong sa kaniyang bisig.

"H-Hindi ko po alam... alam kong masasaktan ko siya sa oras na sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon."

Umupo ako sa gilid ng kama. Tumabi naman sa 'kin si Lolo at marahang pinisil ang aking kamay.

"Mas masakit kapag umalis ka nang wala man lang paalam sa kaniya. Siguradong maiintindihan naman niya ang rason mo kung bakit kailangan mong pumunta sa States. Mabuti pang sabihin mo na sa kaniya ang tungkol sa pag-alis niyo para naman hindi siya magtampo sa 'yo..."

Tama siya. Kailangan nga nitong malaman ang katotohanan pero bakit parang sobrang hirap nitong sabihin sa kaniya? Ang hirap magpaalam sa taong palaging sinasabi na huwag ko siyang iwanan kahit na anong mangyari.

Ako pa naman ang nagpumilit na makapasok sa buhay niya tapos magagawa ko lamang pala siyang iwanan para lamang sa ikasisiya ng iba.

"Hindi ko po talaga alam, Lolo, bahala na po."

He let out a heavy sigh. Hindi na siya muling umimik pa. Kinulong niya na lamang ako sa kaniyang bisig para pagaanin kahit papaano ang aking loob.

"Ang daya mo, Lolo, akala ko ba tayong tatlo ang pupunta roon? Bakit naman kaming dalawa lang? Maiiwan ka tuloy ritong mag-isa!"

Naramdamanan ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok. "Gusto ko man sumama sa inyo, pero hindi maaari. Alam mong hindi ko kayang iwanan itong hacienda. Naiintindihan naman ako ng inyong ina. Saka pwede naman akong bumisita roon. Excited na akong makita ang aking apo."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Lo, ang tagal pa. Ni hindi pa nga lumalaki ang tiyan ng babaeng iyon. Parang hindi buntis."

He chuckled. "Ewan ko ba, apo, ganoon din ang Lola niyo noong pinagbubuntis ang inyong ina. Hindi mahalatang buntis kasi flat pa rin ang tiyan. Sobrang sexy ng aking mahal. Araw-araw ko tuloy itong dinidiligan."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Lolo. Napangiti naman siya nang makitang tumatawa na ako.

Malapit na mag two months ang tiyan ng babaeng iyon pero hindi pa rin mahalata ritong nagdadalangtao.

Ako ang kasama niya sa tuwing magpapatingin sa OB-Gyne kasi hindi niya pa rin talaga sinasabi kay Kuya Marcus ang totoo. Alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon nilang dalawa.

Kasama ngayon ni Kuya Marcus ang anak niyang si Zairus. Tanggap na niya ang katotohanan pero siyempre nasasaktan pa rin siya. Lalo na't pinaglilinhan niya ang ama ng kaniyang anak.

Kailangan niya rin ito sa kaniyang tabi pero wala siyang magawa kundi ang maghintay.

"Mangga, Lolo, gusto ko ng manggang walang buto..."

Lumapit ito kay Lolo habang nababakas sa mukha ang pagmamakaawa. Tumawa naman si Lolo.

"Opo, ito na, apo ko, ipapanguha na kita ng manggang walang buto."

Hinaplos ni Lolo ang buhok ng babaeng iyon. Napangiti na lamang ako. Sobrang swerte talaga naming magkapatid sa kaniya. Wala na kaming mahihiling pa.

Alam na rin ni Dad na buntis ito, balak pa sana nitong sugurin si Kuya Marcus pero pinigilan lamang ng babaeng iyon. Ayaw niya talagang malaman nito ang tungkol sa magiging anak nilang dalawa.

Taming Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon