Chapter 33

18.2K 899 1.2K
                                    

Dedicated to Mia Caluza

Chapter 33

"Siraulo ka! Anong ginagawa mo rito?!"

My eyed widened while staring at him. Nginisian lamang niya ako, humalumbaba pa siya sa ibabaw ng lamesa habang nakamasid sa 'kin.

"Wala kang kasabay kumain, 'di ba? Kaya nandito ako para hindi ka na mag-isa pa."

Napaawang ang aking bibig. Mabuti na lang umalis na rito ang mga kaklase ko. Nasa cafeteria na sila para kumain, naiwan akong mag-isa kasi wala naman akong makakasama.

Wala rin akong mauupuan doon. Grupo-grupo sila, ayoko naman na makisingit sa kanila.

"Baliw ka ba, ha?! Ang layo kaya ng school niyo rito tapos dadayo ka pa rito para lamang samahan akong kumain!"

He shrugged his shoulders. "Ayokong nag-iisa ka. Hindi ako mapakali sa tuwing time ng lunch kasi alam kong wala kang kasama. Baka nga hindi ka pa kumakain, e. Magkasakit ka pa."

Sumandal na siya sa likuran ng upuan at inilabas ang laman niyong dala niyang paper bag. Bigla namang kumalam ang aking tiyan nang humalimuyak ang bago ng dala niyang ulam.

"Ikaw ang nagluto niyan?"

Binuksan niya ang lunchbox at inilagay sa ibabaw ng lamesa ko. Kanin lamang iyon, mukhang nakahiwalay ang ulam na sinigang. Alam niya kasing paborito ko na iyon, lalo na kung siya ang nagluto.

"Sino pa ba?"

Napangiti na lamang ako. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ulam ang kanin ko. "Ibig sabihin, pumunta ka muna sa condo niyo para lamang ipagluto ako?"

He nodded. "Rhys naman, bakit ka ba ganiyan? Hindi mo ako responsibilidad! Hindi mo na kailang–"

"Masaya ako sa ginagawa ko."

Muli siyang humalumbaba, nakapatong ang kaniyang siko sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko naman maalis ang titig sa kaniya.

Ilang linggo na ang lumipas noong umalis si Josh. Aaminin kong namimiss ko na siya, madalas ko ngang tingan ang litrato nito. Palagi rin itong tumatawag sa kapatid ko.

Marinig ko lamang ang boses niya'y sapat na sa 'kin. Mukhang hindi pa rin ito nakaka-move on sa babaeng iyon. Halata kasi ang kasiyahan sa kaniya sa tuwing kausap ito.

Nanliligaw pa rin si Kuya Marcus sa kapatid ko. Para na ngang sila na, e, kung maglandian ay parang wala nang bukas. Halikan anywhere, wala nang pinalampas na lugar iyong dalawa.

Mapapaaga yata ang pagiging Ninang ganda ko. Syempre, inaanak ko na agad ang magiging anak nilang dalawa. Sana'y sila na talaga hanggang dulo.

"Hindi ka kakain?" Nakailang subo na ako ng kaniyang dala.

Sobrang sarap niya talagang magluto. Bagay sa kaniya ang maging chef pero mukhang ayaw niya naman niyon.

"Busog na ako."

Hinaplos pa niya ang kaniyang tiyan. Napansin kong bukas ang tatlong butones ng kaniyang uniform. Hindi rin maayos ang kaniyang necktie. Napailing na lamang ako.

"Bakit ang dami mong dinala kung kumain ka na pa–" he cut me off.

"Baka kulang pa sa 'yo. Matakaw ka pa naman." He chuckled.

Hahampasin ko na sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. "Bitaw! Kakain ako!"

Pilit kong binabawi sa kaniya ang aking kamay. Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak doon kaya pinaningkitan ko siya ng tingin.

Taming Love (Completed) Where stories live. Discover now